CHAPTER 17

52 8 0
                                    

I'm wearing all in black habang hawak-hawak ang malaking litrato ni papa habang ako ay nakatabi lang sa kabaong niya, halos wala rin akong tulog noong inilabas na siya sa morgue, si mama naman abala sa pag-asikaso sa mga bisita para mamigay ng baso, candy,biscuits, pati ang sandwich. Halos hindi ko parin matanggap sa sarili ko si papa ni hindi manlang kami nakapag-kita ulit dahil yung huling kita namin e yung hindi pa ako nakapasok noon sa let, halos ilang buwan narin yun nakalipas tapos heto hindi ko akalain na huling kita kuna pala sakanya.

Halos di ko rin mapatawad ang sarili ko dahil binalot ako ng galit mula sa puso ko kahit alam kong wala naman nang saysay pa yon, sana noon palang inalis kuna habang nabubuhay si papa. Bakit ba kasi kung kailan wala yung tao sa huli pa tayo nag-sisisi sa mga parehas na kamalian kung pwede naman mag-patawad diba. Marahan ko nalang pinunasan ang luha kong tumulo.

" Ate sam kailangan mo mag-rest okay masama ang mag-puyat. " Anya ni shaun na kakarating lang galing canada. Si tita naman halos abala din habang nag-aasikaso sa mga bisita.

" Madalang nalang kami mag-punta dito, nakahimlay pa si tito sa kabaong samantalang noon kapag dumadating kami ni momma, may pag-salubong pa sa'kin sabay tawag sa'king bakla...hindi ako sanay. " Anya nito na malungkot. " Pero sa tingin ko hindi niya magugustuhan ang ginagawa mo, tignan mo itsura mo sa mirror kaya , laki na nang eyebags mo halos nangingitim narin." Anito, kaya naman tumango ako.

" Ikaw...ikaw ang kailangan nyan dahil may jetlag kapa." Anya ko trinay ko maging okay sa pananalita ko.

Habang nandoon kaming dalawa ni shaun sa harap ng kabaong ni papa na nag-uusap bigla naman sumulpot si jenny kasama si andrew. Hinayaan nalang namin ito si andrew naman eh umiiyak.

" Papa" Ngawa nito, hinaplos-haplos lang ni jenny ang buhok ng kanyang anak.

" Pst! Andrew. " Anya bigla ni shaun. " Ate sam." Paalam nito kaya tinanguan ko nalang siya. Tumayo naman ako at umalis nadoon sa harap ng kabaong hinayaan ko nalang sila mag-luksa, hindi ko nalang ipinag-kait ang bangkay ni papa.

Napabuntong hininga nalang ako at lumabas ng mother teresa cremeratory kung saan binuburol ang mga patay, malawak ang burulan, nakakapanindig balahibo pero sadyang gusto ko lang naman mapag-isa at gusto ko rin matahimik. Nilakad ko ang lawak nito hindi naman ako natakot dahil maganda naman ang lugar pero yun ngalang feeling ko may bigla nalang hahablot sa'kin kaya naman tuluyan nalang ako lumabas ng mother teresa cremeratory.

Medyo nakakaramdam din ako ng hilo siguro sa antok at gutom, pero buti nalang malakas ang kapit ng anak ko. Kaya naman diko maiwasan hamplusin ito at kinausap.

" Pasensiya na." Anya ko " Malungkot lang si mama pero magiging okay din ako, kaya kapit kalang." Pakiusap ko at di namalayang tumutulo na pala ang luha ko.

Bigla naman nag-ring ang selpon nakita ko ang pangalan ni gabriel kaya dali-dali ko itong sinagot para makausap.

" Uhm?" Anya ko sakanya.

" Are you okay sam?" Pag-aalala nito pero umiling lang ako kahit hindi niya nakikita.

" Hindi ako okay." Anya ko, at di maiwasang umiiyak.

" Nasaan ka?" Tanong nito.

" Nasa mother teresa cremeratory ako bakit?" Tanong ko sakanya.

" Kumain ka naba? Nakatulog?" Pag-aalala nito

" Hindi pa." Tipid kong sagot, kaya naman napabuntong hininga ito. " H"wag mo muna ako alalahanin baka makaabala ako sa trabaho mo." Mahinahon kong saad kaya naman napabuntong hininga siya.

" Girl...mag-eexplain ako okay pwede ba?" Aniya niya.

" Hindi pwede kaya diko din kailangan marinig paliwanag mo, kahit na hindi moko itext o icall kamustahin manlang...ayos lang talaga ako." Malamig kong tugon sakanya naalala ko nanaman yung kahapon na hindi siya nag-text o call manlang kahapon.

Napabuntong hininga lang ito.

" Naiintindihan naman kita gabriel kaya hindi muna kailangan mag-paliwanag sa'kin yung pag-papahinga mo galing trabaho, pati ang pag-tulog mo hinding-hindi ko yun pinag-kakait saiyo. " Hindi ko alam bakit ba ang bigat-bigat ng nararamdaman ko at galit ako sa mga tao ngayon.

" Sinabi mo noon mas priority mo ang trabaho mo." Anya ko...at diko mapigilan umiyak. " Tangina gabriel buntis ako!" Pag-anunsyo ko.

"You are the father! Ikaw ang ama! r." Anya ko ulit dahil ramdam kong nagulat siya.

" Bu-buntis ka?" Di makapaniwalang tanong nito.

Napakagat nalang ako ng labi ko...naiinis ako hindi ko alam!

" Kailan pa?" Suwihestiyon niya

" Simula noong may nang-yari saatin isang buwan na mahigit." Anya ko

" Ta-tatay nako! " Rinig kong sambit niya, gusto ko makita ang reaksyon niya pero wala ako sa lugar niya.

" Pero diko alam kung matutuloy pa ako sa canada." Malamig kong tugon ulit.

" Hindi ko alam kung matutupad pa ang pangarap ko."

Napabuntong hininga siya.

" Mag-usap tayo bukas." Aniya nito kaya naman napapikit ako ng mariin at napahawak sa brigde ng ilong.

"Pag-usapan natin to sam please?" pakiusap niya.

" Sige." Tipid kong sagot , kaya naman sinabi ko ng ibaba ang ko ang tawag dahil ayaw ko muna ng mahabang usapan.

" Sam." Tawag niya sa'kin.

" Sorry girl, i love you." Sabi nito kahit papaano eh nabawan kaunti bigat nang nararamdaman ko mula sa puso noong sabihin niya yun sa'kin dahil ngayon ko lang ulit narinig galing sakanya iyon. Dahil madalas ako ang nag-sasabi noon parati sakanya sa'ming dalawa.

" I love you sam even at your worst sides, ka-kahit na hindi tayo mag-kaintindihan pa iintindihin kita k-kung mag-bago kaman girl ma-manatili parin ako sayo" Aniya nito kaya naman diko mapigilan mapaiyak dahilan lumambot ang puso ko sa pagiging bato nito kanina.

" Sana gabriel kahit anong mangyari o mangayari satin sa mga pag-subok man na dadating yung pasensiya mo sana habaan mo pa." Aniya ko tae! Namiss ko si bakla akala ko magiging matigas pa ang puso ko sa bato pero mas lalambot pa pala ito sa mamon.

"Sana yung pag-mamahal nayon hindi kukupas." Sambit ko, ang hirap kasi kapag nangangapa ako sa mga sumusunod na bawat bukas nakakatakot lalo na sa mga naka prediktang mangyayari.

But they don't know how much i'm in pain right now, kahit ilabas o ibuhos ko pa ang sama ng loob ko hinding-hindi ako magiging okay, at hinding-hindi ako mag-papangap na okay kahit kailan.

Sabi nga sa isang qoute " Time heals all wounds' pero hindi ako sumasang-ayon dahil wala pang nag-patunay. The wounds remain . In time , the mind protecting it sanity, covers then with scar tissue and pain
Lessens . But it is never gone." Para kang nag-papangap na masaya habang ikaw naman nakakaramdam nang lungkot.

Sama ng loob at lungkot lang ang nararamdaman ko ngayon.

FULL OF HOPELESSNESSWhere stories live. Discover now