CHAPTER 4

49 6 0
                                    

Tipsy lang naman ako kagabi kaya tanda ko pa ang buong eksena kaagad akong bumangon sa kama katabi ko ngayon si gabriel na mahimbing na natutulog kaya naman napatingin ako sakanya at kinurot-kurot ko ang sarili ko baka kasi nanaginip ako ng gising. 

Humiga ako ulit pero hindi ako natinag at umusod ako kay gabriel niyakap ko ito at di maiwasang mapangiti ganon din naman siya kahit tulog pa siya e may sariling buhay ang kanyang kamay para kurutin ako sa tagiliran kaya naman natawa ako napaka amazona kahit tulog parin.

Walang opisyal tinatawag na "KAMI" pero ang alam ko lang e wala ng mapag-lagyan ang buong kaligayahan ko dahil sa pag-amin ko kagabi.

Pero bigla naman nag-ring ang selpon ko dahilan mapakalas ako sa yakap ni gabriel kaya naman nagising ito at tinanong ako kung sino daw yung tumatawag saakin.

"Unregistered number galing ibang bansa." Sagot ko sa tanong niya kaya naman sinenyasan ko siya na huwag maingay.

" Hello?"  May mga bata akong naririnig sa kabilang linya.

" Sam?" Nangunot naman ang noo ko ng maalala ko ang boses nito.

" Tita?" Tanong ko ..." Bakit tita?"

" Sam nag-take kaba ng board exam?" Ani nito " Nangangailangan kami nang doctor dito sa canada sinabi narin ng biyenan ko na mag-hanap ako kung sino pwede naisipan kita sam e, hindi pa naman kasi pwede ang pinsan mo dahil nag-aaral pa." Aniya niya kaya bago paman ako sumagot e medyo lumayo kay gabriel at nag-lakad papuntang pinto.

" Psychometrian ka diba? Kailangan mong pumasa sa bar exam para in titled ka na para maging ganap na psychology."  Pahabol nito kaya naman napabuntong hininga ako.

" Tita kasi kakalabas lang nung result, nag-take ako nung exam medyo nahirapan ako kaya di ako nakapasa." Deklara ko sakanya.

" No worry sam sinabi na saakin ng papa mo kaya napatawag din ako...paano ba yan mag-tatake ka ulit ng exam." Tanong nito napatingala naman ako sa puting kisame nila gabriel...at nag-isip

" Mag-babasakali po ulit tita." Sagot ko pa...kahit ako lang mismo rin ang nakakarinig.

" Sige mabuti yun sam mag-patuloy kalang hangang sa maabot muna yung inaasam mong pangarap , ganon lang naman ang buhay sam parang trial and error." Tumango ako at ngumiti.

" Sige tita babalitaan kita dyan." Para akong nabunutan ng tinik noong sinabi niya iyon saakin, pinababa na niya ang tawag dahil may trabaho pa daw siya.

Pag-kababa ko ng tawag e sakto naman nahagilap ng paningin ko si gabriel na nakabit-balikat habang nakasandal sa headboard na nakatingin saakin kaya naman tinanong niya ako kung bakit at sino yung tumawag saakin bakit daw ang lawak-lawak ng ngiti ko jusko hindi ko alam na may pag-kaseloso rin pala ito inirapan pa nga ako e kaya naman lumapit ako sakanya at hinampas ito ng unan.

" Aga aga nag-susungit ka dyan." Turan ko sakanya habang umupo sa pinaka dulo ng kama.

" Hindi ako nag-seselos gaga!" Singhal niya sabay irap kaya naman napangisi ako sakanya.

Agad naman akong tumayo at inayos ang aking gamit yung mga bag ko naman e pinag-pag at inayos kona.

" Girl aalis kana?" Tanong nito at sumunod saakin na nasa likuran kona pala.

" Uhm oo." Sagot ko pa kita ko naman nalukot ang mukha niya kaya naman biro ko itong sinampal sa pisnge...

" What the!" Asar na turan niya tinawanan ko lang ito at pinang-gigilan ang pisnge hinila ko ang ulo niya para halikan sana sa labi pero tinulak ko din ito palayo kaya naman todo irap siya saakin na halos daig pa ang batang nag-tatantrums dahil inagawan ng lollipop.

" Hindi ka pa nga nanliligaw e." Sambit ko sabay bukas ng pinto niya ...aakto akong papalabas nang-hilahin niya ang buhok ko.

" Duhh! Ano yung confession mo saakin kahapon ha? May palaman-laman kalang na distant saakin." Panunumbat nito kaya naman tinawanan ko siya.

"  Edi kalimutan muna diba kinaya ko naman maging distant sayo?" Pabato kong balik na tanong sakanya kaya naman napanguso ito sabay pitik sa noo ko.

"Bwiset ka! Kailan ba ako mananalo sayo ha?" Asar nito " Subukan mo ulit gawin iyon  kung hindi."

" Kung hindi?" 

" Hindi mo na ako makikita kahit kailan." Sambit nito at napasinghap kaya naman nakatikim siya ng pinong kurot sa tagiliran." Aray anoba!"

" Drama mo tara na." Aya ko sakanya hangang sa makapunta naman kami sa sala naabutan pa nga namin si tito ang tatay ni gabriel madalang lang ito kung umuwi kaya madalang ko lang din makita kapag may pag-kakataon bumisita ako sa bahay nila gabriel.

" Ma-magandang umaga po." Bati ko pa dito na medyo nakaramdam ng hiya dahil saaking suot tinignan ako nito mula ulo hangang paa.

" Dito ka natulog sam?" Tanong nito

" O-opo tito uuwi din po ako maya-maya." Sagot ko pa kaya naman tumango ito.

" Asa kusina mama mo gabriel nag-hahanda ng umagahan kaya kumain na kayo ni sam." Gunita nito kaya naman agad akong inaya ni gabriel na pumunta sa kusina sakto naman e nandoon si tita pati si kuya garreth na kumakain kasama si grace na kumakain din.

" Sammy girl! Mag-sandok kana!" Paanyaya nito sabay tapik sa bakanteng upuan...habang si grace naman ay umusod para maging maluwag nasa gitna kase ito dahil  pahaba ang mesa.

Pinaupo naman ako ni gabriel sabay tumabi nito saakin pinag-hain niya rin ako ng niluto ni tita na prinitong jumbo hotdog at sa tingin ko ay may dalawang kilo ito.

" Kain lang sam marami pakong iluluto niyan." Tugon ni tita. " Hindi pwedeng mawala yan dahil paborito yan ni garreth." Tugon nito " Diba Garreth? "

" Syempre naman muder!" Sabay tusok sa jumbo hotdog at sinubo ito ng buo nagulat man ako pero binawi ko rin at sa huli'y natawa rin ako dahil sa ginawa niyang kalokohan habang si gabriel naman e napangiwi .

" Ano nga pala balita doon sa Hospital Agency doon sa Ortigas na inaapplayan mo kahapon?" Tanong nito kaya naman napabaling ang tingin ko kay gabriel sakto naman napatingin ito saakin.

" Mag-tatraining na ako simula sa lunes." Payak nitong sagot...kaya naman napangiti ako noong nalaman kong natanggap na siya sa trabaho tapos ako heto iniisip ko kung kailan ako mag-tatake ulit ng board exam ayaw ko naman ipagsa-walang bahala nalang yung inaalok saakin dahil lumalapit narin saakin mismo ang opportunitidad kaya di dapat tangihan na ang biyaya.

Tinapos ko nalang ang kinakain ko hangang  sa mapag-pasyahan ko nalang na mag-paalam at umuwi na. Nag-presinta pa nga si gabriel na ihatid ako pauwi saamin.

" Uy congrats magiging psychology kana!" Sobra akong proud sa kakayahan niya...napabuntong hininga lamang siya
Akto kong bubuksan ang gate ng bahay nang bigla akong hilahin nito kasabay noon pag-hapit niya sa katawan ko papalapit sakanya. Dinikit niya ang noo saakin upang mapag-lapit niya ang mukha namin sa isa't-isa.

Hangang sa dumampi na nga ang labi niya sa labi ko, na pinakakahintay ko sakanya..." Mahal na mahal na mahal kita gabriel" Sambit ko pa.

" Alam ko girl." Pagak nitong sagot.

" Hindi ako matamis sa salita sam pero hayaan mokong iparamdam sayo ang pagmamahal ko."

Kinilig naman ako noong sinabi niya iyon. "

"Alam kong corny pero mahal na mahal din kita sam."

Ngiting-ngiti naman ako dahil nagiging improvement na si gabriel kahit papaano sa kacornyhan ko.

" Gorabels nako girl baka masagaan pako ng nanginginig na tite sa daan." Paalam niya pero bago iyon nakatikim pa siya ng kurot sa tagiliran.

" Dugyot ha."

FULL OF HOPELESSNESSWhere stories live. Discover now