Damian was killed. Iyon ang itinawag sa akin ni Saul--Damian's cousin. Nagulat ako sa balitang patay na si Damian. Hindi ko iyon alam at hindi ko din nalaman kay Angelina dahil hindi naman niya ako makokontak sa Russia. Malamang sa tatawag din sa akin si Angelina pero ako na ang tatawag sa kanya.
Tinatanong sa akin ni Saul kung sinong Marine ang pumatay sa pinsan niya.
The Marines were after the Prime Minister's life. Involve kasi ito sa drug syndicate. Wala namang kaso kay Saul kung mamatay ang Prime Minister dahil kung tutuusin ay pabor sa kanya iyon dahil gusto niyang maagaw ang posisyon nito pero hindi ang mamatay si Damian. They are buddies and partners in crime.
I answered Saul 'I don't know'. Hindi ko naman kasi alam kung sino kina Cross,Kat at Sky ang pumatay sa kanya noong una.
But now,I am certained..
Kat killed Damian..
She did what I longed to do for so long. Hindi ako nakaramdam ng galit sa ginawa niya kay Damian. It would be betrayal in Angelina's part pero ikinatuwa ko pa iyon. He deserved that after what he did in my family. Ang konsolasyon lang ay hindi sa kamay ko nawalan ng buhay ang walanghiyang iyon.
Ang ipinagtataka ko lang ay hindi naman si Damian ang target nina Kat at Sky kundi ang Prime Minister pero bakit si Damian ang pinatay ni Kat?
She murdered him with no mercy. Sa nadidinig ko ay inubos ni Kat ang bala ng baril niya kay Damian.
Now,Ambassador Saul were after Kat's life.
Gusto kong makausap si Kat pero nawalan na ako ng panahon. Lumipad na siya pauwing Pilipinas kasama ang mga comrades namin na sina Uzzy,Franz at Chey.
Sa hinuha ko ay sapilitan siyang pinagbakasyon ni General. Siguro ay para ilayo na din siya sa nakaambang panganib sa buhay niya. Hindi ko talaga alam ang tumatakbo sa isip ni General at ang plano nila kay Kat pero umaasa ako na sana ay hindi ang i-assassinate siya.
Bukod kay Kat ay iniisip ko din si Angelina. Patay na si Damian. Siguradong nagdadalamhati siya ngayon kaya kailangan niya ako sa tabi niya. I filed an advance leave. Uuwi muna ako sa Israel.
-----
Kiryat Ono,Tel Aviv,Israel..
Ibinukas niya ang mga bisig para sa ina. Humahagulhol na yumakap ito sa kanya.
"Damian ushel,on mertiv!"(Damian is gone..he is dead!)
Niyakap ko ng mahigpit si Angelina. Hinahaplos ko ang likod niya para patahanin.
"Ya lyublyu yego! Bol'no tak.."(I love him! It hurts so..)
"Ya zdes' dlya tebya,mama. Khvatit plakat bol'no videt',kak ty plachesh'."(I am here for you mother. Stop crying..it hurts to see you cry.)
Ngayon ang huling burol ni Damian. Madaming bisita at karamihan ay mga myembro ng sindikato pati mga kamag-anak ni Damian.
Ambassador Saul approach my way. His face were grim.
"Vash bespoleznyy plemyannik. Pch. Ya do sikh por ne znayu,kto etot grebanyy morskoy pekhotinets. Ya znayu tol'ko chto ona zhenshchina. Kogda ya znayu yeye,ty uveren,chto ona umret ranshe.."(Your of no use,nephew. Pch. I still don't know who that fucking Marine,for now. All I know is she's a woman. When I know her,you bet..she'll be dead sooner..)
I didn't speak. My jaws clenched. Tinapik niya ang balikat ko at iniwanan doon.
Kinakabahan ako para kay Kat. She is dear to me. Mukhang desidido si Saul na mapatay siya. Sa ngayon ay hindi pa nila alam ang target nila pero paano na kapag nalaman nila..
I heaved a harsh breath.
Isang buwan ang bakasyon ko at sasamantalahin ko iyon para makasama si Angelina.
Kinabukasan ay inilibing si Damian. Nakasuot ako ng wayfarers noong ilibing siya. Lahat ay nagdadalamhati maliban sa akin. Kung nagdadalamhati man ako ay para sa nasawing puso ni Angelina.
Natapos ang libing at umuwi na kami sa kanya-kanya naming tahanan. Pag-uwi ng bahay ay hindi kaagad nagpahinga si Angelina. Inayos niya ang mga gamit ni Damian. Sinabihan ko nga siya na magpahinga muna pero hindi siya nakinig kaya hinayaan ko na lang.
Tatlong linggo na ang lumipas sa bakasyon ko.
Isang gabi ay sinadya ako ng ama ni Heaven sa bahay namin. Kinakamusta niya ang anak niya. Hindi siya pabor sa pagpasok ni Heaven sa Marine. Patay na si Damian kaya nakikiusap siya na pauwiin na si Heaven sa Israel. Hindi nagtagal at nagpaalam din sila sa akin.
I was about to turned my back when I saw a shadow in the dark. I smell danger. Military instinct.
Naisip ko si Angelina. Baka kung sinong kalaban ni Damian ito ay mapahamak ang ina. Anuman ang mangyari ay may baril ako na handang bunutin kung kinakailangan.
Lumapit ako sa lugar kung saan ko nakita iyong anino.
"Who the hell are you?"wika ko sa mapanganib na tinig.
Mula sa likod ng puno ay lumabas ang isang bulto.
"Liam.."
Aaminin kong nagulat ako. Bahagya pang umawang ang labi ko. My eyes squint at him.
"Are you spying on me?"
"Look who's talking? Hindi ba dapat ay sa sarili mo iyan sabihin?"nang-uuyam na wika ni Liam.
Kahit paano ay nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko ipinakita sa kanya. Hindi ako nagpatinag sa salita niya.
"Your a spy Rhy,you are just like Yvonne. Paano mo kami nagawang lokohin? Kaibigan ka pa naman namin.."may panghihinayang sa boses ni Liam.
Kaibigan..masarap pakinggan iyon. Ang tanong kaibigan pa din kaya niya ang mga ito pagkatapos ng pangyayaring ito?
"How sure you are?"hamon ko sa kanya.
Liam looked at me seriously.
"Heaven is a spy. Yah know I am genius,nahuli ko siya."gusto kong ma-amuse sa pagyayabang ni Liam,its not everytime."Anak siya ng tauhan ni Damian--iyong bodyguard na pinatay ni Kat. Ikinanta niya ang pangalan mo pero hindi ako naniwala. Nagpunta ako dito sa Israel para imbestigahan ang buhay niya. Imagine my shock now when I see you. Kausap mo ang magulang ni Heaven. You are Damian's son--a drug pusher's son."may pait sa boses ni Liam.
Liam is right.
Heaven and I were a spy. Heaven was sent in Texas to look after me. I am a spy but a didn't kill a comrade just like Yvonne. I can't do that. If it is a consolation for being a spy is that I love my job,I love being a Marine. I gained friends. What I only do is report to Damian where the raids of the Marine will be for the sake of Angelina.
Mapanganib na nakatingin sa akin si Liam.
"Adoptive son."I corrected him."I am a spy,yeah. Hindi ka ba natatakot na baka patayin kita ngayon?"
Ngumisi si Liam sa akin.
"Can you?"
Nagbuga ako ng marahas na hangin. Hindi ko kayang patayin si Liam. Kaibigan ko siya.
"Marine have no mercy on spy. I need to tell this to them,to General Gray. I'm sorry Rhy."seryoso niyang wika.
"I have reason Liam.."
"What reason?"
"My mother.."
"I don't know what to believe now. But I'll give you the benefits of the doubts. At least I will tell this to Cross.."
"Why tell Cross? It seems like the same.."
"Cross is the one who asked me to investigate. Cross is with Kat in the Philippines. He is protecting her. Hinahalughog na ng tauhan ng tiyuhin mo ang buong mundo mahanap lang si Kat. They already know the blue-eyed devoness identity.."mapang-akusa ang tingin na ipinukol niya sa akin.
"WHAT THE HELL?!?"
BINABASA MO ANG
Marine Men: Taming The General's Daughter
Ação"Once a warrior will always be a warrior"