Chapter 7-Seabattle

176 6 1
                                    

This another excerpt in Marine Gals:Katarina Santa,Chapter 25-SeaBattle. Edited po ito at pinaiksi. Kailangan ko talagang isama ang mga eksenang ito na nasa story na din ni Katarina dito.

Read. Vote. Comment. Share. Follow. Add.

yuki_tin13

-----

Nagpunta kami sa lighthouse. Mataas na lugar ito.

"Anong ginagawa mo dito Rhy buddy? Ipinadala ka ba ni General?"nagtatakang tanong sa akin ni Thor.

"Mahabang istorya. Walang oras para pag-usapan natin iyon sa sitwasyon natin ngayon."si Cross ang seryosong sumagot sa tanong niya.

"Mabuti at nakaalis na si Aira,Drew at Jake."wika ni Thor na ikinakunot ng noo ko.

Nandito pala sa Pilipinas ang babaeng iyon. Sino naman kaya iyong mga kasama niyang lalaki?

Kinuha ni Katty ang teleskopyo kay Thor at sinilip doon ang mga kalaban.

"Limang speedboat,isang yate."Katty in a serious tone.

"We need to move."wika ko sa kanila.

Thor got into his duffle bag. Napangisi ako noong makita ko ang laman niyon. Handguns,bombs,magazine and bullets. Inihagis ni Thor ang extra loads at magazine kay Katty. Iniabot naman niya sa akin ang isang state of the art handgun. Mula sa ilalim ng papag ay may kinuha siyang dalawang machine gun at isang battle rifle. Ibinigay niya ang isang machine gun kay Cross at ang isa ay kay Katty. Naiwan kay Thor iyong battle rifle. He's a lethal sniper. Chey and her are good partners when it comes to it. Kinuha ko naman sa bulsa ko ang waterproof earphones at ibinigay sa kanila. May inilabas pang nakarolyo na lubid na may pangawit si Thor na isinabit niya sa balikat niya.

Nagkakaintindihan kaming nagtanguan. Bumaba na kami sa lighthouse. Tatlo lang ang speedboat namin. Iyong dalawa ay malapad na pwedeng ipwesto ang machine gun habang iyong isa ay parang style motor lang. Doon sa dalawang malapad tag-isang sumakay kami ni Cross habang si Thor ay doon sa parang motor lang. Ni-check muna namin ang gas at nung matiyak na full tank ay saka sinakyan.

"Hop in Katty."Katty smiled at me. My sister smiling at me warm my heart.

"Sa akin sasakay si Katarina."Cross said in a possessive cold tone.

My forehead frown. Nagtataka na ako sa inaakto niya pagdating kay Katty simula noong dumating ako dito sa Siargao pero iniisip ko na lang na sadyang dominante talaga siya. Ang nakakapagtaka pa ay sumunod kaagad sa kanya si Katty ng walang pakikipagtalo. Iwinaksi ko na lang sa isipan ko ang naiisip ko dahil walang oras para doon. Ibinigay sa akin ni Katty ang machine gun niya mayroon naman din kasi si Cross. Inayos ko iyong machine gun sa speedboat ko. Naghiwahiwalay na ang speedboat namin pagkaano.

Sinalubong kami ng mga kalaban. Napamura ako noong may nagpapaulan na ng bala. Panaka-naka ay napapatingin ako sa direksyon nina Katty kasi naman ay nag-aalala ako sa kanya. Napangisi ako noong walang buhay na bumagsak sa sahig iyong driver ng isang speedboat na binaril ng kapatid ko habang iyong angkas nito ay mulat na mulat ang mata at may tama sa gitna ng mata at gitna ng noo. Cross trademark.

One speedboat down. Apat na speedboat pa na may tag dadalawang sakay.

Binaril ko iyong angkas noong isa na halos nakatayo na sa speedboat. Dalawang bala sa puso nito at bumagsak ito ng walang buhay sa tubig.

The sea were now bloody red.

"Buddy,may bumabaril sa itaas ng yate."wika ni Thor sa earphone.

"Iyong lubid Thor. Aakyatin ko iyong yate."wika ni Katty.

Marine Men: Taming The General's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon