Sechs

1 1 0
                                    

Mamsht! Pakinggan nyo yung song by Aiza Siguera "Anong Nangyari Sa Ating Dalawa" para mas dama nyo ang chapter na itey.
—-


"My heart says I should give this marriage a chance but my mind's still not ready for it"-Anton

~~~

Umaga at sama-samang nag-almusal ang pamilya Madrigal kasama ang ina ni Elizabeth.

Ang ka sweetan ng mag-asawa ay parang walang nangyaring away mula sa mag-asawa.

"Ako na ang maghuhugas E, you should spend time with your mom" nakangiting nagliligpit ng mga pinagkainan nila na sabi ng asawa. Napatitig naman siya rito at napakurap

"Alam nyo, ganyang ganyan rin kami ng asawa ko noon, minsan nga nagtatalo kami kung sino yung gagawa ng mga gawaing bahay pero syempre ako yung babae kaya dapat ako yung dapat gumawa ng gawaing bahay" nakangiting sabi ng kanyang ina sa kanila

"Though ladies should do the household works but since I already canceled my meetings today, I can do it and besides I want you to spend more time, ngayon pa lang po kayo nagkita after 2 years and babalik na rin kayo sa isang araw" sabi pa ni Anton

"Nagpapasalamat ako sa Panginoon at binigyan ang anak ko ng mabuting asawa na mahala na mahala siya"

Nangilid naman ang luha niya kasabay ang pagtindi ng tibok ng kanyang puso

"Mahal na mahal mo talaga ang anak ko Anton no?"

Nakita niyang natigilan ang asawa sa ginagawang paghuhugas at nanigas sa kinatatayo-an at nanigas dahil sa biglang tanong ng ina

"Ah eh oo naman po, m-mahal na mahal"

Dahil sa sinabi nito ay parang may biglang sumabog sa kanyang tiyan. Kahit alam niyang kunwari lamang ang sinabi ng kanyang asawa ay hindi niya pa rin mapigilang kabahan sa sinabi nito na siya ring naramdaman nang una nitong sabihin ang salitang "mahal kita"

Ngunit natigilan naman siya sa iniisip nang maalala ang sinabi nito sa kanya kagabi.

"Why not tell her?" Napalingon si Elizabeth kay Anton na kakapasok pa lang sa kanilang silid.

"Eh ikaw? Bakit di mo rin sinabi sa kanya ang nangyari noon?" Kinakabahang sabi niya

"Your mom expects me as a perfect husband for you when in fact I am not. I dont want to ruin the friendship that your mom and my parents have."

Napatahimik naman siya sa sinabi nito at pinagpatuloy ang pagsusuklay

"We should pretend that we are happy in this marriage, ayaw mo rin namang masira ang pagkakaibigan at pagkakasosyo ng atong mga magulang dahil sa kagaguhang ginawa mo noon diba?" masungit na sabi muli nito.

Napayukong tumango naman siya.

"Osya! Sa labas lang muna kami Anton at baka mangisay tong anak ko dahil sa maririnig na mga salita mula sayi, tingnan mo oh! Namumula na!" Natatawang tukso ng kanyang ina saka siya hinigit palabas ng kanilang kusina.

Nakita niya ang anak sa salas nanood ng cartoons.

"Pansin ko ang tahimik ng anak mo, di tulad sayo na ang kulit noong ika'y ka edad pa lamang niya"

Nakaupo na sila ngayon sa may 4 seater table sa kanilang hardin habang tanaw ang kanyang anak na magiliw sa pinapanuod nitong palabas.

"Baka ho nagmana kay Anton, alam nyo naman po na hindi madaldal ang isang yon"

Alala niya ang binatang si Anton na noon ay hindi talaga palasalita kaya naturingang suplado.

Naluluha siya nang magbalik tanaw sa mga nangyari bago sila maikasal. Sa mga panahong mararamdaman pa niyang mahal pa siya nito, kung alagaan siya nito na parang isang babasaging bagay at kung paano siya nito titigan deretso sa mata.

"Alam mo anak, alam mo namang tutol ako nuon sa kasal nuo dahil masyado pa kayong mga bata pero nang makita ko ang pagmamahal sa inyong mga mata, sino ba naman ako para pumigil?" Naluluha na ito at nagsimulang magkwento

"Pinangako ko sa iyong ama noon bago siya bawian ng buhay na wala akong ibang gagawin, susuportahan kita sa kung saan ka masaya dahil ikaw lang ang aming anak."

Hindi niya mapigilang hindi mapaluha nang mabanggit ng ina ang kanyang ama. Dama pa rin niya ang pangungulila nito sa kanyang yumaong ama.

Ramdam rin niya ang pagmamahal ng kanyang ina sa kanyang daddy kahit ilang taon na itong wala.

"Masaya ka naman diba?" Naguguluhan siyang tumingin sa ina

"A-ano ho ang ibig nyong s-sabihin? Masaya naman p-po ako, m-masayang masaya" pilit niyang ngiti

"Anak kita, nasa sinapupunan kita ng siyam na buwan at 24 years rin kitang inalagaan, alam kong may-problema kayong mag-asawa. Kahit sino maloloko nyo pero hindi ako"

Napaiyak siyang yumakap sa kanyang ina at humagulhol

Sa lahat ng araw na nakakasama niya ang asawa at anak sa bahay, sa mga araw na umiyak siya hindi dahil sa bugbog na nakuha sa asawa kundi dahil sa bigat ng kanyang dala-dala ay parang ito na yung panahon na ibinihos niya ang kanyang dala-dala sa isang tao. Wala naman siyang ibang pagsabihan dahil hindi siya pinapalabas at hindi pinapagamit ng gadgets ng asawa.

"ayaw mo rin namang masira ang pagkakaibigan at pagkakasosyo ng atong mga magulang dahil sa kagaguhang ginawa mo noon diba?"

Ayaw niyang magkagulo ang lahat dahil lang sa ginawang kamalian na hindi niya maalalang ginawa niya noon.

Iniyak niyang lahat ng bigat sa dibdib at nang mahimasmasan ay napabutaw siya sa ina

"Come on Eli, hindi pa kita nakitang umiyak ng ganyan noon, I know you have problem" umiiyak na ring tanong ng kanyang ina

Umiling naman siya "masyado ko lang po talaga kayong namiss at si papa, okay lang naman po ako, m-masayang masaya po ako kasama ni Annika at Anton"

Natigil ang kanilang pagdadrama nang matanaw si Annika sa gilid nila

"Why are you two crying?" Napangiti siya nang marinig ang maliit na boses ng anak na ikinangilid ng kanyang luha.

Matagal na panahong narinig niya ang boses ng anak kung kaya ay hindi maawat ang kasiyahang naramdaman sa kanyang dibdib.

"Hug mo mommy mo baby, kanina pa umiiyak" napatingin naman siya sa pinanggalingan ng boses na si Anton na nakahilig pala sa pinto, ngayon lang nila napanasin.

Tumingin naman siya sa kanyang anak saka kinabig niya ito at niyakap. Walang sisidlan ang kanyang tuwa dahil after more that two years ay nayakap niya rin muli ang kanyang anak.

~~~

Keep safe and Stay at home everyone!

Love,

Kling

German lesson #6:
Sechs pronounced as zeks

Dir Gehört Mein HerzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon