"Sa lahat-lahat ng pwedeng makalimutan, bakit ang kanyang karamdaman pa? How did I forgot that she was almost taken by death away from me?"-Anton
---
Minulat ni Elizabeth ang kanyang mata at pinagmasdan ang puting kisame at ang kabuo-an ng kwarto. Madilim ang paligid at tanging ang nakadim na ilaw lamang ang nagbibigay liwanag sa buong silid.Napalunok siya at naramdamang bumilis ang kanyang tibok ng puso nang maramdamang may nakakabit na oxygen at tumutunog na aparato sa kanyang tabi. Nasa hospital siya.
Sa lahat-lahat na lugar na napuntahan niya, ang hospital ang pinaka-ayaw niya dahil dito niya nasaksihan ang paghihirap ng kanyang ama, dito rin niya nasaksihan ang pag-agaw ng kamatayan sa kanyang butihing ama. Sa lugar rin na ito siya nakaranas ng paghihirap, kahit pa nalagpasan niya ang paghihirap na iyon, ayaw niya pa ring bumalik dito. Noong nanganak nga siya kay Annika ay sa isang private clinic lamang siya sa Germany nagpadala dahil ayaw niya ng bumalik sa lugar kung saan para sa kanya'y nahihirapan ang mga tao.
Napalingon siya sa gilid at tanaw ang kanyang asawang nakatungong natutulog habang hawak ang kanyang kanang kamay.
Nangilid ang kanyang luha at saka hinaplos ang buhok ng asawang natutulog. She knew what's happening. Alam niya kung bakit siya narito
"After series of test, the result shows that you now have a healthy body Ms. Perez"
Napangiti si Elizabeth sa sinabi ng Doctor. Mag-isang nagtungo siya sa doctor para hindin ang second opinion nito nang makarating sa bansa.
"Congratulations, you are now a cancer free patient" dagdag pa nito na mas lalong nakapagpasaya sa kanya
Bago siya pumasok sa opisina ng doctor ay kinakabahan na siya't nangangatong ang kanyang binti dahil baka may nakaligtaan ang doctor na sumuri sa kanya sa Germany.
Papa-alis na sana siya nang magsalita muli ang doctor.
"Pero iha, ang mga nabasang resulta ay para lamang sa ngayon. The surgery that you have undergone, series of therapies it will only prolong your life that I know your doctor have told you" napatango naman siya
"Maaring may mga tumor cells na hindi natanggal during the surgery or the radiation therapy, or if mas better, when all of it was successfully removed, walang kasiguraduhang hindi babalik ang mga cancer cells, because you know iha, lahat ng sakit ay traydor, pero mas traydor ang cancer so kung hindi mo mapangalagaan ng mabuti ang yung katawan at kalusugan, wala rin lang saysay ang iyong pagpunta sa ibang bansa upang magpagamot."
Ngumiti siya dahil nakita niyang sensiro ang doctor sa sinabi. Si Doctor Dominador Ramirez ang siyang nag diagnose sa kanya noon ng cancer bago lumipad patungong Germany. Siya rin yung doctor ng kanyang ama.
"Aalagaan ko po ang kalusugan ko, at alam ko naman pong aalagaan ako ng aking magiging asawa" mas lumawak ang kanyang ngiti sa nabanggit.
Alam niya ang dahilan kung bakit siya narito. Ramdam niya ang panghihina sa katawan, hindi niya napangalagaan ang kanyang kalusugan kung kaya't ang sakripisyo at oras na kanilang ginugol upang magpagamot ay nasayang na sana'y ang buhay niya'y hahaba pa siguro sa limang taon ngunit dahil sa kapabayaan dahil sa dami ng nangyari, narito siya ngayon.
Umiiyak na patuloy na hinaplos ang buhok ng kanyang asawa nang gumalaw ito saka tumingin sa kanya. Dali-dali niyang pinunasan ang kanyang mga luha at nginitian ito.
"E, wait I'll call the doctor" tatayo na sana ito ngunit piniglan niya ito at umiling.
Tinanggal niya ang oxygen na nakakabit sa kanyang ilong saka umupo, inalalayan naman siya ng asawa.
BINABASA MO ANG
Dir Gehört Mein Herz
RomansaHis' I'm happy that now she's at rest, by that, she's no longer suffering. Her's I love him that it hurts to the point that it's killing me. I don't want to leave, but if it's my fate, I shall gladly accept it. The story is caused by the wild imagi...