Fünf

1 0 0
                                    

"Wala nang mas sasaya pa nang maramdaman ko ang pagmamahal mula sa kanya"-Elizabeth
~~~

Nakaupo siya ngayon sa library at pinagmamasdan ang lalaking nakaupo sa lamesang hindi kalayuan kung saan nagkukunwaring nagbabasa si Elizabeth.

Nakakunot ang nuo nito na seryosong nagbabasa sa hawak na librong accounting at halatang gustong punitin ang hawak.

Napahagikhik naman siya sa nakikita

"Malala ka na" napatalon naman siya ng kaunti nang namalayang nakaupo pala sa tabi niya ang kaibigang si Juliet na nakatingin sa kanyang pinagmamasdan

Namula naman ang kanyang pisngi

"Alam mo, walang mangyayari kung paligaw-ligaw ka lang ng tingin, unahan mo na! Ikaw ang manligaw" bulong ng katabi

Inikutan lamang niya ito ng mata at tiniklop ang hawak niyang libro na hindi naman niya naiintindihan dahil hindi naman doon nakatuon ang kanyang atensyon.

"Nagkakamali ka Juliet, di ko siya gusto at pano mo naman nalaman na andito ako sa library?" Pabulong niyang sabi na nakatingin sa kaibigan

Inikutan din siya ng mata nito
"Tsk! Balakajang ma star-struck sa crush mong suplado na mukhang bakla" sabi naman nito at naglakad paalis

Pinanlakihan naman niya ito ng mata kahit nakatalikod. Pinagmasdan niya itong naglalakad patungo sa dereksyon nang pinto at nanlaki ang kanyang mata nang imbis sa pinto ay dumeretso ito sa lamesa ni Anton. May sinabi rito ang kaibigan na nakapagpatingin ng lalaki sa gawi niya, agad niyang hinawakan at binuklat ang librong hawak niya kanina.

"Syet! Nakita niya akong nandito,nahuli niya kaya akong nakatitig sa kanya?" Sabi niya sa isip

Nanginig ang kanyang kamay at pinagpawisan ng malapot ang kanyang noo kahit kanina ay malamig naman dahil sa nakatodo na aircon.

Umupo ang lalaki sa kanyang harap na mas lalong nagpakaba sa kanya.

Kunwaring binuklat niya ang pahina sa kunwaring binabasa na libro.

"Impressive skills Ms. Perez" mas dumoble ang kaba niya ng marinig ang boses ng lalaki, naramdaman niya ring uminit ang pisngi niya nang marinig na kilala siya nito

"Only few can read a book turned upside down" sambit pa muli nito

Nanlaki naman ang kanyang mata nang mapagtantong baliktad pala ang pagkakahawak sa libro na kunwaring binabasa.

Dahan dahan niya itong nilapag at ngumiti ng hilaw sa katapat kahit nanginginig ag kanyang labi at gusto ng mangisay dahil kinakausap siya nito.

"If you have a problem with me Miss, I guess we can settle it in the guidance office, no need to stare at me for too long, it's kinda bothering and annoying me. It's creeping me out" aniya at tumalikod at dire-diretsong lumabas sa library

Nanlaki ang kanyang mata nang mapagtanto ang sinabi nito. Kanina pa pala nito nararamdaman ang ginawa niyang pagtitig. Syet! Nakakahiya!

Napamulat ng mata si Elizabeth dahil sa isang boses na hindi masyadong klaro. Napansin niyang nakahiga siya sa kama at napagtantong nasa silid siya ng kanilang mag-asawa.

Bumangon siya at agad namang napahawak sa ulo nang maramdaman ang matinding pagkirot nito.

Lumabas siya saka bumaba at tinungo ang kusinang pinanggalingan ng boses.

Nanalaki naman ang kanyang mata nang makita ang ina habang naghihiwa ng gulay kasama nito ang kanyang asawa at si Annika.

"Pinapakain mo ba ang asawa mo Anton? Bakit ang payat payat ng anak ko? Sa pagkakatanda ko'y hindi naman ganyan ang pangangatawan niya noong kayo'y kinasal" masungit na sabi ng kanyang ina sa asawa na nakatalikod sa kanya katabi ang kanilang anak

Nanubig ang kanyang mata dahil dalawang taon na ang lumipas mula nang makita niya ang ina. Pagkatapos kasi ng kanilang kasal ay agad itong lumipad patungong Cebu at doon nanirahan para mapagtuonan ng pansin ang paglago ng bagong tayo nilang hotel.

"Akala mo hindi ko napapansin na pag tumatawag ako rito upang mangumusta ay ikaw ang sumasagot at laging sinasabing busy ang anak ko o di kaya'y hindi nasasagot, dahil ba sa kinabi-busyhan ng anak ko kaya siya ganyan ka payat?" Napatigil na ito sa paghihiwa at nakatingin na sa nakayukong asawa

" at bakit mag-isa siya dito sa bahay? Wala man lang kahit isang katulong? Saan ka ba nagsusuot kasama si Annika at iniwan mong mag-isa ang asawa? Ano nalang pala ang mangyayari kung hindi ko siya naabutang nakahandusay sa sahig ka..."

"Ma!" Nanginginig ang kanyang labing binati ang ina saka ito nilapitan at niyakap

"Eli, anak" niyapos naman siya nito ng mahigpit

Nanghihinang pinigilan niyang mapaiyak sa harap ng kanyang ina lalong lalo na sa harap ng kanyang mag-ama

"Ako po ang nagsabi kay Anton na ipasyal muna si Annika dahil matagal tagal din po siyang hindi nakakalabas dahil sa pagtulong sa akin sa hardin" pekeng ngiti niya sa kanyang ina

Napatingin naman ito sa kanyang asawa

"At tungkol naman sa katulong, mas gusto ko pong ako lang dito para mas hands-on ako sa kanila, sa pagtawag niyo naman, ako din ho ang nagsabi sa kanyang siya na ang sumagot dahil po baka pag narinig ko ang boses niyo ay hindi ko mapigilang hindi kayo sundan sa Cebu, ayoko pa man ding iwan ang aking mag-ama dito" peke pa rin ang ngiti niyang nakatingin sa ina at saka niya binaling ang paningin sa mukha ng kanyang asawa na ngayo'y naka kuno't-noo na.

"Honey, paki akyat si Annika sa kanyang kwarto, baka na-iingayan na siya kay mommy at baka pagod na rin siya" ngiti niya sa asawa

"Ah i-aakyat ko lang po si Annika" sabi ni Anton at tahimik itong umalis habang kandong ang anak nila.
~~~
German lesson #5:
Fünf pronounced as funf

Dir Gehört Mein HerzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon