Zehn

2 1 0
                                    

Kaya kong magtiis kahit umabot man ng ilang taon, huwag lang nila akong iwan"-Elizabeth

---

"I w-want an annulment"

sa sinabi ng asawa ay mistulang tumigil ang pag-inog ng kanyang mundo, namanhid ang kanyang katawang napatulala siya rito.Bumukas ang pinto at tumambad si Juliet na nakapang corporate attire pa

"A I have heard what happened shit! Her nose is bleeding" nanlalaki ang mata nito habang nakaturo sa kanya

Nararamdaman niyang kinakapos siya ng hininga't nagdidilim ang kanyang paligid.Nagulat namang napatingin si Anton sa asawang nakahiga na ngayo'y nasa kandungan na pala ni Juliet.

"Eli wake up! Hey! Give me something to wipe the blood, Shit!"natatarantang gising nito sa kaibigan habang pinupunasan nito ang dugo sa ilong na unti-unti pa ring dumadaloy gamit ang kanilang kumot.Lumapit siya rito saka mabilis na kinarga ang asawa.

"We're going to the hospital, look after Annika please" natatarantang sabi ni Anton kay Juliet

"Hey E! Please wake up!" yugyog muli niya sa asawa na namumutla na habang kanyang karga papunta sa labas.

Agad siyang nagtungo sa garage kung nasaan ang kanyang kotse

"bilisan mo A, ako nang bahala ka Annika" wika ni Juliet na nakasunod na pala sa kanya at saka dali-daling binuksan ang backseat.

Nang mailagay ang asawa sa backseat ay inilagay niya ang kanyang kamay sa tapat ng ilong. Naramdaman niyang mahinang mahina ang paghinga nito kaya agad siyang pumasok sa driver's seat saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan patungong hospital

"Hold on E, we're almost there" kinakabahang sabi niya. Mabuti na lamang at hindi masyadong traffic kaya agad niyang narating ang hospital.

Basta na lamang niyang hinito ang sasakyan at dali-daling binuhat ang asawa papasok sa hospital. Agad naman siyang inalalayan ng mga medical staff. Kasama siya sa tumatakbong mga nurse na nakahawak sa stretcher habang lulan nito ang asawa na namumutla.

"Hanggang dito lang po muna kayo" pigil sa kanya ng nurse at isinara ang kurtina. Nanghihinang napasabunot siya sa kanyang buhok at napasandal sa dingding.

"Patient's vital is unstable..." rinig niyang sabi ng attending nurse na nagkakagulo sa loob ng puting kurtina, may mga tumutunog na mga aparato na rin sa loob ng kwarto.Unti-unting tumulo ang kanyang luha at naplunok. Kung hindi niya sinaktan ang asawa, hindi sana nagkaganito. Kung hindi niya sana pinabayaan ang asawa, wala sanang mangyayaring ganito. Nanghihinang napa-upo si Anton at hunagulhol.

Ilang sandali pa'y may lumapit na nurse sa kanyang gawi "excuse me sir, may I know your ralationship to the patient? Tanong nito

"She's my wife" sagot naman niya rito, may tinanong pa itog muli sa kanya na sinagot naman niya. Ilang sandali ay lumabas na ang doctor na umasikaso ng kanyang asawa

"How are you related to the patient?" tanong sa kanya nito.

"She's my wife" kinakabahang sagot niya.

"Based from her past medical record, she was confined here years before because of brain cancer, but the patient still had to undergo series of test to validate if it is still because of that. Her immune system is very weak so there is a possibility that the cancer cells were there and slowly dominating her body. I'll be back after two hours Mr. Madrigal" sabi ng doctor saka naglakad paalis.

---

Hindi ko alam bakit ang iksi nito pero haha hayaan nyo na, babawi ako sa susunod na chapter. Stay safe mga mamsht!

German lesson #10:
Zehn prnounced as tsin

Dir Gehört Mein HerzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon