Try nyo pakinggan ang kantang Hindi Ko Kaya by Angeline Quinto while reading this part para mas dama nyo po yung drama char!
"I would give my all just to turn back the time when we were still in love"-Anton
___
Umagang-umaga ay masaya si Elizabeth dahil siya uli ang magbabantay ng anak na mag iisang linggo na niyang ginagawa.Nang umaga ay siya ang nagluto ng pagkain ng mag-ama na sabay-sabay rin nilang kinain gaya ng mga nakalipas na araw. Matapos mag-almusal ay nagpaalam ang asawa dahil may pupuntahan daw ito kaya heto sila't naiwan silang dalawa ng kanyang anak.
Apat na araw na rin ang lumipas nang i-withdraw ni Anton ang tatlong lady guards at ini-reassigned sa kompanyang hinahawakan nito dahil mahigpit naman ang suguridad ng kanilang compound kung kaya'y malaya silang nakakalabas ng bahay.
Pinapayagan na rin siyang mamasyal sa mall at magkaroon ng sariling cellphone.
Hapon na't masaya siyang nanonood kasama ang kanyang anak ng palabas sa TV habang nagmemeryenda nang may nagdoorbell. Siguro ibang tao dahil hindi naman niya narinig ang pag-dating ng kotseng sinakyan nito at hindi rin nagdodoorbell ang asawa.
Nang binuksan ang pinto ay napatulala siya sa kanyang kaharap.
"It's been a long time Eli, how are you?" bungad nito
Namutla siya sa nang malaman kung sino nag kaharap at nanginginig na tiningnan ito. Pagsasarhan niya sana ito ng pinto nang pigilan siya nito
"U-umalis ka n-na Mark at baka makita ka pa ni Anton" nasisindak na sabi niya
"Eli I just want to correct about Anton's wrong perception about us, look at you, you look pale and so thin" sabi ng lalaki sabay hawak nito sa kanyang pulsohan
"Please umalis ka n-na, ayoko ng magkagulo uli kami" pilit niyang hinahablot ang kanyang kamay na hawak nito
"I'll leave alright but" hawak muli nito sa pulsohan niya "gusto ko lang kumustahin ka cause it's been two..." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil tumilapon na ito sa gilid
Lalo siyang nasindak at nanginig nang matanaw ang asawa na galit na galit.
"Go upstairs Annika" sabi nito sa batang umiiyak na sa kanilang likod "I said go up stairs!" Galit nitong sigaw kaya agad naman itong sinunod ng kanilang anak
Sinugod muli nito ang lalaking may putok sa labi na nakaupo na sa sahig
"A let me explain" nanginginig na sabi niya at pipigilan niya sana ito sa gagawin. Tila nanumbalik ang mga pangyayari dalawang taon na ang nakalipas.
Tumingin ito sa gawi niya at malamig siyang tiningnan. Tumulo ang kanyang luha at sumakit bigla ang kanyang ulo dahil kung kailan pa unti-unting naayos ang kanyang pamilya, saka naman nangyari ito.
Hanggang kailan kaya siya bibigyan ng pagkakataon na makasama ang kanyang pamilya na masaya at payapa? Masyado na ba siyang makasalanan kung kaya'y eto na ang kanyang kaparusahan sa lahat ng kanyang ginawa?
Matapos makipagpalitan ng suntok kay Mark na dinala na nito sa labas ay hinigit siya nito pa-itaas at dinala siya sa kanilang silid.
Nanlalabo ang kanyang paningin hindi niya alam kung dahil ba sa luha o dulot ng matinding kirot sa kanyang ulo.
Napahiga siya nang maramdaman ang sampal.
"F*ck you woman! I w-was going to make amends with you for this fucking marriage to work and this is all you want to give in return?" Galit na sigaw nito na siyang nagpahagulhol sa kanya. Nakadapa pa rin siya nang marinig ang pagkabasag ng kung anong bagay.
"We're you seeing each other these past few days? Or maybe even these past few months?"anito sabay higit ng kanyang buhok. Napasigaw naman siya dahil sa sakit na dulot nito na parang matatanggal na ang anit niya dahil sa pagkakahigit nito
"Answer me!" Sigaw muli nito saka siya pabalibag na binitawan
Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak. Nagdidilim man ang kanyang paningin ngunit ramdam niya pa rin ang tuloy-tuloy na pag-agos ng kanyang mga luha.
Mga hagulhol, marahas na paghinga at mga sigaw lamang ang maririnig sa silid na iyon. Kagayang-kagaya ito sa nangyari noon.
Sandaling tumahimik ito ngunit patuloy pa rin siya sa kanyang pag-iyak dahil tila ba manunumbalik ang mga nangyari sa nakaraan.
Sapat na ba ang isang linggo na kompleto silang pamilya habang kumakain ng almusal? Isang panaginip at mataas na hangarin na ba ang makasama niya muli ito sa kanilang tahanan? Sa panaginip na lang rin ba niya makakasama ang mga ito ng masaya?
Hangang kailan ang kaparusahang ito?
"I-I want an annulment" rinig niyang sabi nito mula sa kanyang likod.
Parang tumigil ang kanyang paligid, namanhid ang kanyang damdamin pati na ang pagtulo ng kanyang luha. Dahan-dahan siyang tumihaya at lumingon dito. Kitang kita niya ang pagkamesirable ng kanyang asawa. Gulo-gulo ang buhok at may mga galos rin ito sa mukha. Nakataas na ang kwelyo ng suot na long sleeves na kulay dark blue at magulo na rin ang tie nito.
Nangilid muli ang kanyang luha nang makita ang asawa na nakatayo sa kanyang harap, na nakatingin sa gilid nito. Daling nag-unahan ang kanyang luha. Kahit siya handang magtiis ng ilang taon, kahit bumalik sila sa panahong hindi siya masyadong kinikibo nito, kahit magkaroon pa ito ng maraming ibang babae, kakayanin niya pero ang makipaghiwalay dito? yan ay sigurong ikamamatay niya.
___
Pano ba yung intense drama? commet kayo kung napaiyak kayo sa part na to
German lesson #9:
Neun pronounced as noyn
BINABASA MO ANG
Dir Gehört Mein Herz
RomanceHis' I'm happy that now she's at rest, by that, she's no longer suffering. Her's I love him that it hurts to the point that it's killing me. I don't want to leave, but if it's my fate, I shall gladly accept it. The story is caused by the wild imagi...