"I love her but I can't stand the fact that she used to have an affair with my bestfriend"-Anton
----------
"Congratulations! Your daughter is a cancer survivor" isa yan sa mga magagandang balita na narinig sa tanang buhay niya.
She inherited the illness from her dad and that is brain cancer. Kung hindi lang siya nagpachemo agad ay marahil wala na siya ngayon.
It was still in the early stage kaya alam nilang malulunasan pa ito kaya agad naman siyang nagpagamoy dahil ninanais pa niyang humaba pa ang buhay.
"you heard it E? You are a survivor! Ang lakas ng E ko!" sabi ni Anton na nagpangiti sa babae.
Elizabeth Perez ay ang nag iisang anak ng negosyanteng sina Elias at Maribeth Perez. Nang mamatay ang kanyang ama dahil sa sakit ng katulad ng sa kanya ay mag-isa siyang tinaguyod ng kanyang ina. And it was five years ago ng i-declare ng doctor ang good news. Dalawang taon pa lamang silang magkasintahan kaya labis ang kasiyahan ng dalawa nang malaman ang balitang ito.
Lahat ata ng kamag-anak ni Anton at ni Elizabeth ay Masaya sa balitang natanggap.
"A, dito ka na kumain mamaya, magluluto ako ng paborito mong sinigang saka magbebake na rin ako ng cookies para kay Annika" magiliw na saad niya habang hinahain ang lutong adobo.
"no, may date kami ni Juliet mamaya" napabitiw na man siya sa hawak na sandok tsaka ngumiti nalang ng mapakla.
Parang may tumusok sa kanyang dibdib nang marinig niya ang sinabi ni Anton.
Juliet, she's her bestfriend, ito ang dahilan kung bakit nagkakilala at nagkamabutihan ni Anton na ngayo'y nagging kabit ng kanyang asawa.
"dadalhin ko si Annika, so don't bother cooking us dinner" nagmamadaling sabi nito at umalis na sa kusina iniwan ang kapeng kanyang tinimpla para rito.
Gusto niyang magwala dahil parang hindi siya asawa sa inasal nito pero immune na ata ang sistema ya at kusang tinanggap ang sinabi nito.
Ano pa ba ang magagawa niya? Lagi naman eh, kung wala ang kanyang mag-ama sa bahay ay nasa bahay ito ng bestfriend niya noon.
Palaging iniiwas ni Anton na makasalamuha niya ang anak. Para bang may sakit siyang nakakahawa simula dalawang taon na ang nakalipas. Kung nasa bahay ang mag-ama ay kinukulong ni Anton si Annika sa silid nito o di kaya'y siya ang kinukulong sa silid nila.
Halos dalawang taon na niyang hindi nahahawakan ang anak niya. Nang nag celebrate ito ng 3rd birthday ay kinulong siya ng asawa niya sa kwarto at nang mag 4 naman iyo ay sa isang sikat na hotel ito nag celebrate at hindi man lang siya pinadalo sa party.
She's trying her best na lumapit sa anak niya pero kung hindi sampal ang makukuha ay pasa naman sa kanyang katawan ang matatamo niya mula sa asawa.
Pumasok siya sa kanilang silid at doon umiyak ng umiyak habang hawak ang litrato nilang tatlo noong kasal nila ni Anton hanggang sa nakatulugan na niya.
Namulat ang kanyang mata dahil kumakalam ang kanyang sikmura at sakit sa ulo, alas tres na pala ng hapon at wala pa siyang kain mula kaninang umaga.
Lagi siyang ganito, kumakain ng isa o dalawag beses lamang sa isang araw kahit na marami naman silang stocks na lulutuin.
Ayaw niya kasing kumain mag-isa dahil nawawalan siya ng gana.
Nang bumaba ay agad siyang nagtungo sa kusina upang kumain sana kaso nang maalalang may ka-date na iba ang asawa ay nawala siya ng gana. Niligpit na lang niya ang hinain at hinugasan saka napag desisyunang bumalik sa silid ng biglang lumabo ang kanyang paningin. Napahawak siya sa railings ng hagdan saka pumikit at naupo. Bago pa man siya makaupo ay nagdilim ang kanyang paningin.
-----
hi! publishing the First Chapter! ganado si shunga kasi nakokonsensya na ako sa pagsasayang ng tatlong taon. By the way highway (masyado ng makaluma si ako) kung nagtataka kayo kung bakit ibang lengguwahe yung tittle ng story, German po ito na nangangahulugang You'll Be In My Heart (Dir Gehört Mein Herz) na ang tamang pagkakabigkas ay Dir Gehot Mayn Errz. Check out nyo yung video sa prologue mga mamsht! And ang meaning ng Eins (ayns) ay One in German. Yan lamang po at maraming salamat mga mamsht! Keep safe everyone!

BINABASA MO ANG
Dir Gehört Mein Herz
RomanceHis' I'm happy that now she's at rest, by that, she's no longer suffering. Her's I love him that it hurts to the point that it's killing me. I don't want to leave, but if it's my fate, I shall gladly accept it. The story is caused by the wild imagi...