"Kahit pilit kong kalimutan ang nangyari, bumabalik at bumabalik pa rin ito sa akin na parang isang bangungot na sa aki'y pilit pinapaalala" -Anton
~~~
"Eli halika ka" nakangiting inaya siya ng ina para umupo sa ni-reserve na mesa.
Inimbitahan siya ng ina na kumain sa labas dahil aniya'y may kikitain daw itong matagal nang kaibigan. Wala rin naman siyang gagawin dahil kakatapos nya lang magpasa ng mga papers niya thru online kaya napag desisyunan niyang sumama sa ina.
Minsan lang rin kaya silang makapag bonding dahil busy ang ina sa paghawak ng negosyo nila na siyang iniwan ng kanyang ama nang yumao ito tatlong taon na ang nakaraan dahil sa sakit na cancer.
Mapapansin sa loob ng restaurant ang magarang desenyo na masasabing mga may kaya lamang ang nakakapag-dine dito.
Iginiya naman siya ng ina patungo sa gilid kung saan meroong hindi gaanong kahabaang mesa na tantya niya'y kakasya ang anim na tao.
Makikitang may nakaupong apat na tao doon at isa na doon isang batang babae at katapat naman nito ang nakatalikod sa kanilang gawi na lalaki
"Maribeth!" Natutuwang bati agad ng babae at tumayo ito.
Tumayo rin ang katabing lalaki at binati ang bagong dating na mag-ina.
"Pasensya na't natagalan kami, nagpagas pa kasi kami sa kanto" nanginingiting tugon naman ng ina.
"Osya! Maupo na't marami pa tayong kailangang pag-usapan" nakangiting wika pa rin ng babae saka sila umupo
Katabi niya ang lalaking hindi niya pa nililingon dahil busy siya sa pagkalikot ng kanyang cellphone na nagvavibrate.
Napansin niyang tumayo ito "Aud, palit tayo" wika nito na nakapagpigil sa kanyang ginagawang pagta-type dahil pamilyar ang boses ng lalaki.
Nang inangat niya ang kanyang paningin ay nanlaki bigla ang kanyang mata at nabitawan ang hawak na cellphone dahil sa gulat.
Sino ba namang hindi dahil ang katapat ng kanyang katabi sa kanan ay walang iba kundi ang kanyang crush sa kanilang department.
Oo na, inaamin niyang crush niya ito. Makalipas kasi ang isa buwan nang una niyang makita ito ay tila ba kumakampi ang tadhana sa kanya dahil lagi niya ng nakikita ito sa kanilang building. Or siguro, ngayon lang niya napansin ang lalaki dahil masyado pa rin siyang occupied sa pagkawala ng kanyang ama kahit tatlong taon na ang lumipas mula ng namatay ito.
"Eli are you okay?" Tanong ng ina niya nang mapansing napatulala siya
Tumingin naman ang lalaki sa kanya na noo'y nakatingin sa labas at tinaasan siya ng kilay
Tumikhim siya at binawi ang pagkatulala sa lalaki "ahm o-oo naman po" ramdam niya ang pag init sa pisngi at napayuko na lamang siya dahil sa kahihiyan.
Nagpatuloy naman sa pag-uusap ang mga matatanda at hindi na siya pinansin
Nagtataka siya kung bakit narito ang lalaki pero narealize niyang baka parents niya ang kaibigan ng mommy niya at kapatid naman nito ang kanyang katabi
"What a small world nga naman" sa isip nya
"Kanina pa tayo nagtatalakan hindi pa pala natin na i-itroduce ang mga anak natin."
Napatawa naman ang ina sa sinabi ng kaibigan
"Anak, si Tita Natasha mo at tito Alejandro, kasosyo namin sila ng ama mo sa negosyo" pakilala ng ina sa katapat.
Ang babae ay mukhang nasa edad na apatnapu't lima ngunit hindi masyadong kulubot nag balat nito. Siguro'y hindi niyo pinapabayaan ang kayawan, hugis puso ang mukha at kapansin-pansin rin ang itim na itim at tuwid na mahabang buhok. Mapula ang labi nito, namumula ring ang pisngi, matangos ang ilong at mapapansin na hindi ito purong pinoy. Ang lalaki naman ay clean-cut ang bohok, bilugan ang mukha, matangos rin ang ilong ngunit hindi ito tulad ng anak niyang si Antonio na maputi ang balat. Medyo kulubot na rin ang balat nito.
"Dalagang-dalaga na si Ei, dati nakikita ko pa tong nagtatatakbo sa salas niyo ng walang saplot" nakangiting sabi ng babae na si Tita Natasha
Nanlaki ang mata niya at namula dahil sa sinabi ng Tita.
Naku nakakahiya ang sinabi nito lalo na't nasa harap niya lang ang crush niya.
"By the way, Maribeth, my children, Antonio and Felecilda" pakilala ni Tito Alejandro sa mga anak
Tumango naman ang lalaki at muling nag-iwas ito ng tingin at tinuon ang pansin sa labas
Mas nadagdagan ang pagkagusto niya sa lalaki dahil sa angking kasupladuhan nito na siya naman number one sa lista niyang ideal man.
Pansin niya ang manly na jaw at adams apple, ang pinkish nitong labi na mamamasa pa dahil sa miminsang pagdila nito. Pansin rin ang matangos na ilong at namumulang pisngi, ang mahabang pilik mata na ngayon niya lang napansin at ang ang nunal sa gilid ng noo nito. May pagkakahawig siya kay Tito Alejandro ngunit siguro namana nito ang maputing balat sa ina.
Sinipat niya rin ang suot nitong polo shirt na kulay gray sa maputing kulay na balat nito ang ang halatang biceps sa mga bisig.
Pinagtataka niya kung ano kaya ang feeling nang yakapin siya nito.
Napaiwas naman siya agad at namula nang bigla itong mapatingin sa kanya.
Sabado ngayon at wala muli ang mag-ama. Pumunta ang mga ito sa Hongkong Disney Land kasama si Juliet at heto na naman siya, naiwan sa malaking bahay kasama ang tatlong gwardya.
Wala siyang magawa sa bahay at hindi rin naman niya makausap ang mga lady guards dahil ilag ito sa kanya. Mahigpit kasing binilin ni Anton na di dapat ito makipag-usap sa kanya at kahit kailan man, hindi nito tutugunin ang ano mang tulong na hihingin niya mula rito.
Dahil sa bagot ay naisipan niyang puntahan ang kanilang hardin. Makikita sa hardin ang iba't-ibang mga gulay na kanyang tanim. Bukod sa gawaing bahay ay natuto na rin siyang mag gardening dahil wala naman siyang ginagawa sa loob ng bahay.
Mapapansin na nanlalanta na ito dahil ilang araw nang hindi nadidiligan kaya napag desisyunan niyang ayusin ang mga tanim.
Nawili siya masyado sa ginagawa at napag desisyunan niyang magtanim naman ng mga bulaklak.
Hindi siya ang tipo ng babaeng mahilig sa bulaklak, siguro mas gugustuhin niya pang makatanggap ng malunggay o di kaya'y mga halamang gulay kesa sa mga bulaklak.
Pero simula nang nakatanggap sia ng bulaklak na sampaguita na laging binibigay na noon ay nanliligaw pa na si Anton ay nagustuhan niya rin ito kalaunan.
Nakaupo siya sa isang maliit na upo-ang gawa sa kahot at pinaypayan ang sarili gamit ang sombrero gawa sa abaniko dahil sa matinding init na nararamdaman. Nanlalabo ang kanyang paningin siguro'y dahil sa matinding sikat ng araw at pinunasan ng naramdamang may tumulo na likido sa kanyang ilong, marahil ay pawis.
Nang mapatingin siya sa kanyang kamay ay nanlaki ang kanyang mata nang makitang kulay pula ang likidong umagos sa kanyang ilong. Napatayo siya at papasok sana upang sipatin ang sarili nang hindi pa siya nakakahakbang ay nagdilim a kanyang paningin.
~~~
Chapter 4 is up! Stay safe and stay at home everyonel!
-KlingGerman lesson #4:
Vier pronounced as fiye (pinasosyal ganern!)

BINABASA MO ANG
Dir Gehört Mein Herz
RomanceHis' I'm happy that now she's at rest, by that, she's no longer suffering. Her's I love him that it hurts to the point that it's killing me. I don't want to leave, but if it's my fate, I shall gladly accept it. The story is caused by the wild imagi...