Nakatingin lang ako habang naglalakad patungo sa kaniya. Hindi ko na mapigilan 'yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan sa takot na masira ang make-up ko.This is beyond perfection.
Simpleng kasal lang naman ang gusto ko pero dahil nga spoiled ako sa tita ko at sa future in laws ko, pinagkagastusan talaga nila ito.
Hindi ko inakala na dito rin pala hahantong ang lahat. Nakakatawa lang dahil iyong kasabihang, 'sa hinaba haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy' ay literal na maisasabuhay pala namin.
Nakita ko kung paano masayang umiiyak si tita sa gilid habang nakahawak pa sa kaniya ang best friend niya na ina ng lalakeng pakakasalan ko.
I understand where they're coming from. Para kasi kaming aso't pusa ni Jade noong una. Taliwas kasi palagi ang mga opinion namin kaya madalas nauuwi sa debate ang usapan namin. Halos sumakit nga ang mga mata ko noon kakairap sa kaniya para ipaalam sa kaniya kung gaano ako kainis sa presensya niya. As if naman kasing may choice kami eh palagi kaming nagkikita dahil nga best friends ang mama niya at ang tita ko.
I've seen him flirt around.
Kung paano siya makipag tawanan sa mga barkada niya kapag nagrereply sa kaniya 'yung chinachat niya noon, I've seen that.
Kung paano siya sampalin ng ilang babae dahil nalaman nilang pinagsasabay sabay sila ni Jade, I've seen that.
Kung paano siya nag effort para sa isang babaeng seseryosohin na nga raw niya, I've seen that. At nakita ko rin kung paano siya nalugmok sa sakit nang malamang niloloko lang pala siya ng babaeng pinag alayan niya ng langit. Damn, I've seen all that.
Kahit madalas kaming magbangayan hindi pa rin pala talaga mabubura iyong fact na we are best friends despite of him being an asshole.
Yes. Nag aaway kami pero laging naka ready ang balikat ng isa kapag may problemang kinahaharap 'yung isa.We were best friends until he asked me to be his girlfriend.
Sobrang saya dahil iyong tao na alam ang lahat tungkol sa iyo ay iyong tao na makakasama mo habang buhay. Wala nang ibang process na daraanan dahil kilalang kilala niyo na ang isa't isa. Wala nang doubts kung may hindi ba siya magugustuhan sa iyo dahil kahit amoy ng hininga mo tuwing umaga ay alam na alam na niya.
Kaya nang sabihin niyang ready na siyang magsettle kasama ako, parang tumalon mula 50th floor ng building iyong puso ko.
Damn, after 7 years of us being girlfriend/boyfriend, inaya na rin niya akong magpakasal.
Nakatingin lang siya sa akin nang diretso. Para akong natutunaw. Mahal na mahal ko talaga si Jade Racer.
Nang magkatapat na kami ay hindi ko na nga tuluyang napigilan ang luha ko. This is really happening. Ikakasal ako sa lalakeng sobrang mahal ko. Tumingin ako sa likod namin at nakita ang mga bisitang nakatingin sa amin na halata ring natutuwa. Ang mga kaibigan kong may mga luha sa kanilang mga mata. Muli akong tumingin kay Jade at hinawakan na ang kaniyang kamay.
Throughout the ceremony ay para lang akong nakalutang sa ere. Damn, I should be listening.
"Angel Charity Mendoza?" Pukaw ni father sa attention ko. Fuck?
"Ay sorry father! Enticed pa rin ako hanggang ngayon. Pero opo father! I do! I fucking do po nang sobra!" Nakakunot ang noo ng pari dahil sa sinabi ko. Narinig ko ang pigil na tawa ng mga kaibigan ko at ang mahinang pagsaway sa akin ng tita ko. Doon ko lang narealized na nagmura pala ako! Nagmura ako sa harap ni father sa loob ng simbahan!
Sorry po Lord.
"Do you, Jade Racer take Angel Charity Mendoza as your wi—" naputol ang sasabihin ni father nang magsalita si Jade.
"I'm sorry."
Humingi siya ng tawad sa pari bago humarap sa akin. Naguguluhan ako. Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko. Para akong nabingi. Bakit siya nagsosorry?
"I'm sorry Cha. I'm really really sorry."
With that, he let go of my hands habang diretsong naglakad palabas ng simbahan.Naiwan akong tulala. Hindi tuloy ang kasal?
Narinig ko ang pagtawag nila kay Jade. Naramdaman ko ang ilang nakahawak sa akin. Ramdam ko ang awa nila. I feel so pathetic.
Nabitawan ko ang bulaklak na dala ko at sinundan ko si Jade sa labas ng simbahan. He was about to enter his car when I called his attention.
"Bakit?" All that I can muster.
"I'm sorry." Muling sabi niya bago siya tuluyang pumasok sa kotse niya at umalis.
Ang dami kong tanong. Sobrang naguguluhan ako but his sorry isn't suffice to calm my nerves. Hindi iyon ang gusto kong sagot.
I'm expecting myself to cry but no tears are coming out. I'm hurting, right? Bakit walang luha?
Humarap ako sa mga bisitang nakatingin nang nakakaawa sa akin. I hate that look.
"You can still all go to the reception place to eat. Sorry for wasting your time." Nakangiting sabi ko sa kanila.
Nakatayo lang sa gilid si tita habang nakalagay ang parehong kamay sa bibig. Suppressing her sobs. Ngumiti ako sa kaniya habang papalapit sa kaniya.
"I'm alright, tita. Go home and rest. Uuwi na lang din po ako sa condo para tapusin ang mga naiwang trabaho." I tried so hard to sound normal. Jolly as possible.
"Charity." Nanginginig na banggit ni tita sa pangalan ko.
"Thank you for everything tita but I don't think now is the time to get married. Ayaw pa ata ng universe na baguhin ang apelyido ko." I joked
Nakita kong palapit na rin sina tita Rose and tito Win, ang mga magulang ni Jade. I smiled at them bago ako yumakap.
"Thank you po pero kayo po muna ang bahala kay tita. May dapat pa po akong gawin." Muli ko na naman tinry ngumiti bago tumalikod sa kanila.
Masakit. Ang bigat sa pakiramdam.
Nakakamatay 'yung sakit pero bakit walang luha?
•••
Hehe wala pong sakit si Charity ha?
Naranasan niyo na bang masaktan? 'Yung sa sobrang sakit, wala na kayong mailuha pa? Literal na broken hearted ang feels na wala ka nang magawa kundi hampasin ang dibdib mo sa sakit?
Imagine the pain.
That's what she's feeling. Hehe.
Anyways, mga sis comment lang kayo kung anong palagay niyo sa story, ha? Chikahan tayooooo, daliiii.
BINABASA MO ANG
FOR THE LAST TIME (Completed)
Ficción GeneralThis is purely fictional. Ang mga pangalan ng tao na nabanggit sa story na 'to ay may pagkakahawig sa mga taong malalapit sa akin. Pati na rin ang kanilang mga ugali. Hehe This is my first time uploading my story here on wattpad kaya please don't...