Kanina pa ang tawag pero kanina pa rin ako nakatayo dito sa labas.
Tama naman si Mavin eh. I closed my heart for everyone. Ngayong malaki ang chance na nandito sila ulit, will I let them come in easily?I wouldn't get the answers I wanted if I'd let myself stay in the darkness of doubts and fear. Kung tama nga ang hinala ko, why do I have to prolong the inevitable?
Pero paano si Mavin?
I was busy demanding for answers pero paano kung nakuha ko na? What would be my next move?
Bahala na.
Kinakabahan man ay nagawa kong buksan ang pinto. Nakita ko agad ang iilang pares ng mga mata na napatingin sa gawi ko. They all looked shocked dahil siguro ay hindi nila inaasahang makita ako ulit. After kasi ng incident, palagi lang akong nasa office. Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho kaya kahit may mga occasion tulad nito ay palagi na lang akong nagpapahuli dahil ayaw kong makita nila ako.
I want them to remember the Angel Charity they've seen after maiwan sa simbahan. Iyong malakas pa rin— hindi humagulgol at parang hindi nasira ang mundo.
"Charity? Omg, ikaw nga!" Someone from the visitors shrieked.
It was tita Magdalene. Pangalawa sa magkakapatid na Mendoza.
"Desty! Andito na si Charity! Aahhhkk, ang ganda naman ng pamangkin ko." Desty ang tawag niya sa kapatid niya.
Hinila niya ako patungo sa kusina. Nakangiti lang ako sa mga bisita para hindi nila sabihin na ang bastos ko.
"Charity, anak. Akala ko mamaya ka pa darating." Si tita Desty. Nandito siya sa kusina at naghihiwa ng cake para sa mga bisita ata. Strawberry flavoured din ang cake na hinihiwa niya.
"Maaga pong natapos ang trabaho tita. Ah, may dala nga po pala akong cake. I know this is your favorite, tita. Happy birthday po." Kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni tita Magdalene. Niyakap ko si tita at bumulong ng 'I love you titaaaa~'
Natawa si tita sa ginawa ko at niyakap din ako pabalik. Naglalambingan kami nang biglang sumingit si tita Magda.
"Ahm? Nandito pa ako oh? Hoy Charity, tita mo rin ako no!" Nagtatampong sabi niya pa. Napailing na lang ako bago lumapit sa kaniya para yumakap din.
Nagpaalam muna ako sa kanila dahil iaakyat ko muna sa kwarto ko ang mga gamit ko. Dito ako kay tita Destiny lumaki. Inampon niya kasi ako noong 2 years old ako. Kaya parang anak na talaga ang turing niya sa akin.
...
Pabalik na ako sa kusina para tulungan na rin sila tita na magprepare ng dessert para sa mga bisita nila.
"Talagang anak na rin ang turing mo sa kaniya, no? Nagkakausap pa ba kayo ni Mary?" Boses iyon ni tita Magda
"Anak ko siya Magdalene. Hindi man ako ang nagluwal sa kaniya, anak ko siya." Seryosong tinig ni tita Destiny. Pareho silang natahimik pagkatapos magsalita ni tita.
I know eavesdropping is bad pero I want to hear their sides tungkol sa ginawa ni mama.
"Wala akong contact kay Mary but I'm sure alam niya kung saan siya pupunta kung sakaling may pakialam pa siya kay Charity." Seryoso muling sabi ni tita Des.
Mary? Ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan na 'yan.
"Hindi mo pa rin ba siya napapatawad, ate? It's been 27 years already. Hanggang kailan kayo magpapataasan ng pride? Okay naman si Charity sa 'yo ah? Can't we just forget it and move on from our lives?"
BINABASA MO ANG
FOR THE LAST TIME (Completed)
Fiksi UmumThis is purely fictional. Ang mga pangalan ng tao na nabanggit sa story na 'to ay may pagkakahawig sa mga taong malalapit sa akin. Pati na rin ang kanilang mga ugali. Hehe This is my first time uploading my story here on wattpad kaya please don't...