"Ang cute nila together talaga bf! Look oh?...ay! Hoy Jade! Bakit mo siya binato?"I was 5 turning 6 at that time. Palaging nasa amin sila tita Rose bitbit niya iyong bully niyang anak.
Ayaw ko lang siyang kalaro dahil ang gusto niya baril barilan. Duh! Mas gusto ko mag barbie. Noong binigay ko sa kaniya 'si Rapunzel, binato ba naman sa akin?
"Charity anak, lapit ka pa nang kaunti... oh smile ha? 1..2..3...ay Jade ano ba? Napakasutil talaga!" Hinila niya iyong pisngi ko kaya tuloy ang pangit ko doon sa picture. We were grade 3, recognition day namin. Pareho kaming nakakuha ng medalya.
"Napaka pangit mo! Ang pangit ng ugali mo! Ang yabang mo eh best in attendance tsaka A1 student lang naman 'iyan!" Turo ko sa medals na nakasabit sa leeg niya.
"Top 3 ako, best in History tsaka science! Tapos kung makaasar ka sa akin?" Nag aaway na naman kami. Paano ba naman, pagkaupo ko galing stage, hinila iyong uupuan ko sana. Tapos hindi pa nakuntento! Habang nag uusap kami ng ilang mga friends ko, sinabihan ba naman akong ulupong? Saan ang manners niya?
"Oh ano? Aalis ka nang wala man hi sa anak mo? Anong klaseng ina ka? Pupunta ka lang dito kapag wala nang makain iyang iba mong anak pero ni kamustahin si Charity, hindi mo magawa?" Dumating si mama. Iyong totoo kong mama. Nanghihingi ng pera dahil may sakit daw si Amethyst. Iyong pangalawang anak ni mama. Magkaiba kami ng tatay eh, ayaw sa akin ng papa ni Ame kaya hindi raw ako maisama ni mama sa bahay nila. Bago ko man marinig ang iba pa nilang away ay tumakbo na ako palayo sa kanila.
"Charity? Bakit ka nandito? Saan si bf?" Nandito na naman pala ulit sila tita Rose. Kasama na naman niya iyong bully niyang anak!
"Kausap po si mama sa loob. Nagsisigawan po sila eh." Malungkot na sabi ko. Nandito ako sa bakanteng lote sa tabi ng bahay ni tita Des.
"Ano? Aysh! Sabing bawal mastress iyong babaeng iyon eh! Saglit lang Charity ha? Dito ka lang, babalikan ka namin ni Jade." Nagmadali siyang tumayo at hinila ang anak niya. Thank God. Ayaw ko munang makipag awa—
"Do you want ice cream?" When I was about to say na ayaw ko ng away, tsaka naman bumalik 'tong pangit na 'to.
"Tss. If this is one of your pranks, 'wag ngayon! I'm sad." Irap ko pa sa kaniya.
"Kaya nga ililibre kita ng ice cream 'di ba? Promise hindi na kita aasarin. Hindi na kita tatawaging ulupong. Hindi ko na lalagyan ng bato 'yung bag mo or hihilain 'yung upuan mo kapag uupo ka." Nakataas pa ang kanang kamay niya.
Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya.
"I promise I won't do any of that. Ibang asar na lang." he grinned like an idiot after he said that. Inirapan ko naman siya. Ang sakit na ng mata ko kakaikot nito kapag nakikita ko 'tong pangit na bully na 'to.
Tatanggihan ko sana ang alok niyang ice cream pero nakita ko ang kotse ni tito Anthony— asawa ni mama na huminto sa tapat ng bahay namin.
"Do you know that old man?" Turo niya sa pababang lalake.
"Tito Anthony. Asawa ni mama." Nakatingin pa rin ako sa lalake.
"Edi papa mo?" Curious niyang tanong
"Hindi. Iba ang papa ko. 2 years old pa lang daw na kay tita Destiny na ako. Ayaw kasi sa akin niyan." Turo ko pa sa lalakeng naghihintay sa tapat ng kotse niya.

BINABASA MO ANG
FOR THE LAST TIME (Completed)
Fiction généraleThis is purely fictional. Ang mga pangalan ng tao na nabanggit sa story na 'to ay may pagkakahawig sa mga taong malalapit sa akin. Pati na rin ang kanilang mga ugali. Hehe This is my first time uploading my story here on wattpad kaya please don't...