Paubos na ang iced coffee ko nang bumalik si Mavin. He looks stressed and tired.Kung dati ay may laptop at iilang papers sa ibabaw ng mesa ko, ngayon ay tanging isang slice ng chocolate cake at iced coffee ang naroon.
Things changed.
Kahit anong pilit na iwasan, may magbabago at magbabago talaga.
It's been weeks na rin simula nang maging 'friends' kami ni Mavin. Hindi naman pala siya creepy or weird, friendly lang talaga. Tuwing may ginagawa ako regarding sa business ng tita ko, Mavin would do his thing din para hindi niya ako daldalin nang daldalin.
"Sorry. Kulit kasi ni papa." Frustrated na sabi niya. Kakabalik niyaang galing sa kung saan. Kinausap niya pala ang papa niya.
Madaldal at palakwento si Mavin. Halos lahat ata ay naikwento niya na. Kung hindi about sa work ang topic namin, kung minsan ay tungkol sa college life niya. Total opposites kami ni Mavin ngayon, he's too jolly. Samantalang ako, parang nasisilaw sa liwanag niya. I mean, ang bright kasi masyado ng mood niya.
Hindi naman ako ganito dati eh. I used to be as jolly as him. Madalas akong makipagbangayan at harutan sa mga kaibigan ko. May buhay ako outside school and lovelife.
Pero ewan ko ba. Bakit naging ganito na lang bigla.
One day, nagulat na lang ako, ginawa ko nang mundo 'yung dapat tao lang.
Masyado akong naattached. Kaya noong umalis, sobrang nawasak ako.
I built my own walls. I painted it of us. Kahit saan ako tumingin, puro kami ang nakikita ko. Nasanay ako na siya lang, na kami lang. Kaya noong umalis siya, I became ignorant of what's beyond the walls.
Narinig kong bumuntong hininga si Mavin. Malayo ang tingin habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak niya.
Nakatitig lang ako sa kaniya, waiting him to spill. Naramdaman niya ang tingin ko kaya wala siyang nagawa kundi ang magsalita.
"Pinipilit akong magtrabaho sa company niya. Tss. Eh ayaw ko nga. Mas gusto ko dito sa café ko."
Nakabusangot lang siya. Halatang stressed talaga ang isang 'to.Nakikinig lang ako sa mga rants niya about his father. Napansin niyang wala akong sinasabing iba kaya napatingin siya sa akin.
"Won't you ask something?" Takang tanong niya. Natawa naman ako dahil mas lalo siyang mukhang stressed dahil hindi ako nagtatanong about sa problema niya.
"I'm still all ears kahit hindi ko alam kung bakit ayaw mo sa company ng papa mo."
Napabuntung hininga siya.
"Pangarap ko 'to. Bata pa lang ako, gusto ko nang magkaroon ng sariling café but my father needs me in his company.""Do you know why he was so persistent in making you part of the company?" Tanong ko. I don't usually ask personal matters pero mukhang hindi lang listener ang kailangan ng lalakeng 'to.
"Gusto na raw niyang magpahinga. Buong buhay niya kasi ay ginugol niya lang sa kumpanya. Lahat ginawa niya para masave 'yun. Ang aga kasing ipinasa sa kaniya 'yung responsibilidad kaya wala siyang nagawa."
"Hindi ka naman siguro pipilitin ng papa mo kung hindi talaga kailangan." Minsan ko lang nakikita ang papa niya. Nasa around 50's na ang edad, mukha ngang masungit dahil buong pag uusap nila ni Mavin ay nakasimangot lang ito.
"Should I work there?" He asked. Para siyang bata na nagtatanong sa mama niya kung ano ang kailangan niyang gawin.
"Bata ka pa. Still strong and can be more adventurous. It's time na siguro to let your father rest and finally enjoy life. Hindi naman porket hinayaang mong may pumasok na iba sa buhay mo ay iiwan o kalilimutan mo na kung ano talaga ang gusto mo. Can't you have both? I mean, the cafè and the company. As long as you have the right people beside you, you can do everything perfectly. And of course, right attitude din towards those of what you have."
Ang ironic na galing pa sa akin ang mga salitang 'yun ah?"I can do everything perfectly as long as I have the right people beside me?" Tanong niya
"Yes. Si Angela tsaka si kuya Carl, kitang kita iyong perseverance and hardwork nila. I'm sure kapag nasa company ang atensyon mo, silang dalawa ang bahalang mag alaga dito." Nilibot ko pa ang tingin sa café. Nakita ko ang mga taong parang walang pagod kung magtrabaho sa café na 'to.
"Right." Napabalik ang tingin ko sa kaniya. It feels good kapag may taong kumo-consider ng ideas mo. Nginitian ko siya.
"Will you stay beside me?" Nawala ang ngiti ko.
Nakita ko ang panic na agad rumehistro sa mukha ni Mavin.
"Ano... kung hindi mo kasi alam at kung wala pang...ano ahm...nakakapagsabi sa 'yo, you are one of those right people who should stay beside someone."
Nakatingin lang ako sa kaniya. Right person to stay beside someone? Kung ganun, bakit ako lang ang nandito ngayon? Bakit siya umalis?Just because I am the right person to stay beside someone, it doesn't mean, tamang tao na siya para magstay sa tabi ko.
Oh, Charity. Stop hurting yourself more.
"Ano... hays, I can't find the right term. Ahm, you know kasi, you can make someone do everything perfectly. I mean, hindi ba sabi mo ano? Teka, wala nang sense 'yung sinasabi k—" natigil siya sa pagsasalita nang makita na nagpipigil na ako ng tawa.
Naaappreciate ko ang ginagawa ni Mavin.
Hindi ako nagkwento sa kaniya ng kahit na anong personal na mga bagay tungkol sa akin. Wala akong nabanggit sa kaniya na naiwan ako sa altar ng lalakeng naging malaking parte ng buhay ko. Na hanggang ngayon ay dala ko pa rin 'yung marka ng pag iwan sa akin ni Jade. Na nasasaktan pa rin ako dahil hanggang ngayon ay may isang malaking question mark pa rin sa pagkatao ko. Oa man para sa inyo pero andito pa rin kasi talaga. Hirap akong makatulog dahil siya ang naaalala ko. Sa lahat ng bagay o lugar, siya ang nakikita ko.
Walang alam si Mavin.
Walang nakakaalam how broken I am right now.
But because of what he's doing, nalilimutan ko na kahit papaano, nasasaktan pala ako.
Akala niya ay hindi ko halata but there is something with the way he's treating me. Hindi naman ako bulag o manhid. Ramdam ko.
He's making me happy.
He tries his best to make me smile.
To bring back the old me.
To put a sincere smile on my face.
To fix the broken heart of mine.
Pero...
Oo palaging may 'pero'.
Pero hindi pa ako tapos kay Jade.
Hindi pa ako tapos sa una kaya paano ako magpapapasok ng bagong tao kung sa bawat pahina ng istoryang 'to ay may siya na nakalimbag?
"No need to panic, a'right? Oo, gets ko na." Pigil ang ngiti ko habang siya ay halatang hiyang hiya na. Tatayo na sana siya nang hilain ko sya paupo ulit.
"Ang pikon lang ah!" Inismiran ko siya. Ang pikon kasi nito masyado. Nakakatakot asarin.
"Pero yes, I'll stay beside you."
I'll stay.
Ang selfish. Kasi kahit hindi pa ako tapos sa nauna, gusto ko nang sumaya.
...
Xoxo 💋

BINABASA MO ANG
FOR THE LAST TIME (Completed)
Ficción GeneralThis is purely fictional. Ang mga pangalan ng tao na nabanggit sa story na 'to ay may pagkakahawig sa mga taong malalapit sa akin. Pati na rin ang kanilang mga ugali. Hehe This is my first time uploading my story here on wattpad kaya please don't...