7

32 8 0
                                    




"Ganyan kang lalabas?" Malanding tanong ni Wien.


"Bakit? May problema ba sa suot ko?"


"Sa suot wala pero sa mukha, meron." Napakunot ang noo ko. Kailangan ba talagang laiitin pa ako nitong Wilfred na 'to?



"Konti na lang kamo magiging Thea ka na rin." Ganyan kasi sumagot si Thea minsan.


Napatingin nang masama si Thea sa amin bago tumingin din sa dalawa.


"Mag ayos ka na depota ka! Halika nga!" Hinila na ako ni Wien para maayusan niya ako.


"Kailangan ba talaga 'to?" Kakausapin ko lang naman si Jade. Bakit kailangan may pag aayos pa ng mukha?


"Oh ano? Bababa ka na ganyan ang itsura mo? Mugto ang mata? Tuyo ang labi? Malaki ang eyebags at sabog ang kulay?" Panlalait ni Wien.


Tss. Ang pangit niya mag describe. Naka make up kaya ako kani- ahh baka nga nagulo dahil umiyak ako.


"Fine."


"Si Thea talaga may oras lang 'yung pagdadaldal eh." Puna ni Wilfred. Hindi na kasi nagsasalita si Thea. Nakatingin na lang siya sa amin.


"Anong sasabihin ko?" Pagbabago ko ng topic.


"Kung gaano siya kagago." Wilfred. Parang tanong sa exam kung nakasagot. Direct to the point.


"Pero dapat sampalin mo muna bago ka mag why why dyan." Wien. Hindi ko alam kung nasobrahan lang sa kdrama o thai series 'tong tao na 'to eh.


"Ang bakla n'on masyado sis!" Maarteng sabi ni Wilfred



"Oh eh ano pala? Pagkatapos ng lahat, hindi niya ba deserve masampal?" Pagtataray ni Wien


"May point ka naman. Sige, go na ako dyan." Nagtawanan pa ang dalawa.


Kahit kailan talaga ay wala akong makuhang matinong sagot sa dalawang 'to.
Tumingin ako kay Thea para humingi ng opinion niya. Hindi ko ba alam bakit kailangan ko na ng opinion ng iba para malaman kung ano ba ang dapat kong gawin.


"Hindi mo kailangan ng script Cha. You'll know what to say kapag kaharap mo na siya." Thea


Ngumiti ako sa kaniya bago tumango.

Right.

Kinailangan pang burahin ni Wien ang make up ko para mas maayos niya nang mabuti. Sobrang kalat na kasi dahil sa pagbaha ng luha ko kanina.


...

Tinignan ko ang salamin at nakitang mas maayos na nga ang itsura ko.



"Thank you Wien. Thank you guys. Dito lang ba kayo?" Tanong ko sa kanila.


"Oo no! Birthday pala ni tita Des, hindi man lang kami nakapagdala ng regalo." Wilfred


"Ayos lang 'yun. Makita niya lang kayo ay masaya na si tita. Pahatiran ko na lang kayo ng pagkain dito kay manang."



"Hindi na. Kami na lang ang bababa maya maya. Makikihalubilo na rin kami kela tita sa baba. Take your time." Wien



"Tino mong kausap ngayon baks, ah?" Pagpuna na naman ni Wilfred.



"Alam mo ikaw? Depota ka!" F-flip niya pa ang buhok at nang irap pa kay Wilfred.


"Hahaha osige na. Salamat." Nagtungo na ako sa pinto. This is now or never.

FOR THE LAST TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon