5

35 9 0
                                    





Inaayos ko na ang gamit ko dahil for the first time in forever ay maaga akong nawalan ng dapat asikasuhin. Tumawag din kasi si tita dahil gusto niya raw akong makasama for dinner dahil birthday niya ngayon. Kaya naman sinikap ko talagang tapusin lahat.


Pinark ko nang maayos ang kotse ko bago ako bumaba para bumili muna ng cake for tita.



Pagkapasok pa lang ay amoy ko na agad familiar na amoy kape. My favorite smell. Nagtungo na ako sa cake section para pumili ng flavor.




Strawberry flavored cake.



That's her favorite lalo na raw kapag fresh strawberries ang nilalagay. Chocolate cake ang gusto ko pero para kay tita ay iyon na lang ang bibilhin ko. I can buy both naman kaso alam kong mas maaappreciate ni tita kapag nakita niyang I'm trying to like things she likes. I know there's no need for that dahil hindi naman niya ako pinepressure to do that. Sobrang mahal ko lang si tita kaya lahat gagawin ko for her.



"Ano po ang inyo ma'am Angel?" Kilala na ako ng lahat ng workers ni Mavin dito dahil palagi nga akong nandito at palagi ko rin siyang kasama. First name basis sila kaya halos lahat sila ay Angel ang tawag sa akin.

Ang bilis ng panahon.

Parang kailan lang nang sabihin ni Mavin na magstay ako sa tabi niya.


Tinupad ko ang sinabi ko. Nagstay ako. Kahit ang selfish. Kahit walang kasiguraduhan na kaya ko na.


Dahil kay Mavin ay nalilimutan ko ang mga noon dahil naka focus lang ako sa ngayon. Madalas na ring maayos ang tulog ko kaya hindi na sumasakit ang ulo ko.

Jade caused me pain but Mavin taught me how to live with it.


Hindi pa ako cured.


Not yet healed.



I'm just living with the pain.




"Strawberry cake sana Yohan kaso bakit wala sa display rack niyo? Ubos na ba?"


"Hmm, oo nga no. Bago ako magbreak meron pa eh. Baka meron po sa loob, check ko po. Wait lang ma'am." Ngumiti naman ako sa kaniya at nagpasalamat.

Habang inaantay makabalik si Yohan ay nakita ko si Mavin na naglalakad patungo sa akin. Or not.

May kasama pala siya at halatang seryoso ang pinag uusapan nila. Hindi man lang kasi ako napansin ni Mavin.


"Just tell him to rest kuya Alfred." Nang medyo nakalapit na sila ay napahinto sila sa paglalakad nang makita na may papasok sa café. Ohh, it's his father.



Nakita kong nakakunot ang noo ni Mavin at parang hindi niya gusto na makita ang papa niya.



"Sabi namang magpahinga ka muna, pa."



Hindi ko na narinig ang sinabi nila dahil tinawag na ako ni Yohan.




"Meron pa?" Hopeful kong tanong.


Umiling siya na parang isang doctor na ininform ang pamilya ng inoperahan. Baliw talaga.



Natawa ako sa ginawa niya at ganun din siya.



"Sorry ma'am may nakakuha na po ng last eh. Papa ni sir Mavin." Yohan just shrugged. Napangiti naman ako sa kaniya. Nagpasalamat ako at nagpaalam nang aalis.



Marami naman akong madadaanan na pwedeng pagbilihan ng cake eh. Hindi na muna ako magpapakita kay Mavin. Araw araw na kaming nagkikita, nasusuya na ako sa mukha ng mokong na yun. Joke.


FOR THE LAST TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon