2 years na ang nakalilipas pero feeling ko parang kahapon lang nangyari. Andito pa rin ang mga tanong na hanggang ngayon hindi ko pa rin nahahanap ang mga sagot.Andito pa rin ang pain.
Akala ko noon kapag hindi ko pinansin, kusang mawawala na lang. I was wrong. Gabi gabi akong pinupuyat ng mga ala-alang patuloy pa ring pumapasok sa utak ko. Patuloy pa rin akong binabagabag ng mga tanong na alam kong si Jade lang ang makakasagot.
After what happened, sinubukan kong umakto na parang walang nangyare. I drowned myself with work. I kept myself busy. Para walang time iyong mga thoughts about him to loom around my head but I was wrong, again. They still find ways to get inside my head. Ang sakit ng ulo ko kakaisip. Kaka overthink. Kakatanong kung bakit nangyari ang mga nangyari? Kung bakit sorry lang ang natanggap ko that day? Bakit after no'n, hindi na siya nagpakita or nagparamdam?
Don't I deserve an explanation?
Bakit hindi niya maibigay sa akin?
"A penny for your thoughts?" Naputol ang pag-iisip ko nang may umupo sa harap ko. Nasa isang coffee shop kasi ako ngayon.
"Oh. Sorry, ang weird ba? I'm Mavin." Abot niya ng kamay niya.
Bakit? Bakit siya lumapit at nakikipagkilala sa akin?
"Ahm? Aren't you going to take my hand?" Alangang tanong niya. I washed away all my thoughts at tinanggap ang kamay niya. Ayaw kong maging rude, hindi ako gano'n.
"Charity." I said. Ngumiti siya sa akin at nahihiyang nilagay ang kamay sa likod ng ulo niya. Nagkakamot ata.
"Look around you." Mahinang sabi ni Mavin. Agad naman akong napatingin sa paligid. Na conscious ako bigla dahil lahat sila ay kung hindi nakatitig ay parang naiinis sa akin. What did I do?
Nahalata ata ni Mavin ang confusion kaya mas lumapit siya nang kaunti bago bumulong sa akin.
"For almost 5 minutes." Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Anong sinasabi nito?
"Your phone. Almost 5 minutes nagriring." With that, tumunog na naman ang phone ko. Sobrang nakakahiya kaya agad kong napatay ang call at tumingin nang apologetic sa mga taong nando'n.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin kay Mavin.
"Sorry. I was lost in thoughts kaya hindi ko namalayang tumutunog pala ang phone ko." I smile apologetically again.
Tumango lang siya at ngumiti.
"It's fine. Balik na ako sa table ko."Napabuntong hininga ako at tinignan ang laptop na nasa harapan ko. Pinag aaralan ko ang proposal na sinend sa akin ng head ng engineering department para sa ipapa renovate na resort.
Bigla na naman akong nagulat nang mag ring na naman ang phone ko. Halos masapo ko ang dibdib ko. Bakit nga ba hindi ko na isilent ito kanina?
Wien Padilla's calling
One of my friends is calling. Ano na naman kaya ang problema nito? Sinagot ko na ang tawag.
"Alam mo bang after you call once or twice at walang sumagot means you have to drop the idea of calling again kasi baka busy ang tao?" Pambungad ko sa kaniya.
"Oh, bat galet galet? Time of the month?" Literal na napa face palm na lang ako.
"What is it?" Pambabalewala ko sa tanong niya.
"Hoy, kaibigan ka pa rin naman namin diba? Sa loob ng 24 months, wala pa sa limang beses ka nagpapakita sa amin! Depota ka!" Nasapo ko ang ulo ko dahil sa sumakit bigla dahil sa sigaw ng baklang 'to.
"Does that make me less of a friend?" Walang gana kong sabi.
"It's not like that, aright? You still have a life to live Cha. A life to live with us. Huwag mo sanang kalimutan na hindi dala ni Jade ang lahat ng meron ka." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Look, I am just busy. Hindi si Jade ang rason kung bakit mas pinipili kong gawin itong mga ginagawa ko ngayon. Matatanda na tayo, we're supposed to be matured to handle these kind of things. Besides, I'm doing this for my future."
"Keep saying that to yourself, Cha. Kahit we both know na you're not living at the present nor for the future. You're still onto the past. Just call us kung may time ka. Bye." Rinig ko ang lungkot sa boses ni Wien. Naiwan naman akong gulo dahil sa sinabi niya. Nakaka frustrate.
Kasalukuyan akong nakatungo sa lamesa habang hawak ang ulo ko dahil sumasakit na naman nang maramdaman kong may umupo sa upuang nasa harap ko.
"Thesis?" Tanong niya nang nakangiti sa akin.
"Nahihirapan ka ba para sa thesis niyo? Final defense?" Naguguluhan ako sa mga tanong niya. Ano ba ang ibig niyang sabihin?
"I may not look like it but I got 88 as final grade for my thesis." Diretso pa rin akong nakatingin sa kaniya. I am really lost of words. Damn, hindi naman ganito kaliit ang scope ng vocabulary ko pero bakit wala akong masabi sa kaniya?
"Want me to help you? Give you suggestions? Recommendations? Or tips to ace your final defense?" Nang hindi ko na talaga matake kung ano ba talaga ang sinasabi niya, nagsalita na ako.
"Are you talking to me?" Confused kong tanong.
He's just looking at me na parang ang weird ko.
Wait. Hindi ba siya ang weird dahil bigla na lang niya akong nilapitan at tinanong ng kung ano ano?
Tumango siya. "College student?" Tanong niya sa akin. At parang kabubukas na gripo, tuloy tuloy ang idea na pumasok sa utak ko kung bakit niya ako tinanong ng kung ano ano about sa thesis.
"Well, almost everyone here kasi are doing their theses. Looking at you made me conclude na isa ka sa kanila na nagwoworry about it." Nahihiyang sabi niya. Tama siya dahil halos lahat nga ng nandito ay mga college students. With their laptops on and papers scattered on their tables.
Hindi ko na napigilang matawa upon realizing it.
"Do I look like a freaking college student to you?" Manghang tanong ko sa kaniya. Mukha siyang gulat na gulat sa reaction ko.
"You're not?" Confused pa ring tanong niya.
"I'm not." Sagot ko habang natatawa pa rin. "And I may not look like it but I got a higher grade in my thesis than you." Pang aasar ko sa kaniya. Namula naman siya sa hiya kaya lalo lang akong natawa.
Bumalik naman siya sa table niya at hindi na ako tinignan pang muli. Nagdesisyon na lang akong tapusin ang ginagawa ko so I could go home ealier than usual.
•••
Give me your suggestions poooo about the story. This is open for corrections ha? Inaamin kong madaming issues 'tong story na 'to. Kaya kung may makita man kayong mali, please correct meee. Promise, I'm good with handling constructive criticism. Hehe.
Xoxo 💋

BINABASA MO ANG
FOR THE LAST TIME (Completed)
General FictionThis is purely fictional. Ang mga pangalan ng tao na nabanggit sa story na 'to ay may pagkakahawig sa mga taong malalapit sa akin. Pati na rin ang kanilang mga ugali. Hehe This is my first time uploading my story here on wattpad kaya please don't...