3

40 8 1
                                    

Buong araw kong binuro ang sarili ko sa office. Hindi ako lumalabas kung wala naman akong dapat gawing iba. Kahit mangalay ang batok ko kakayuko or sumakit ang mga mata ko ay wala na akong pakialam. Dahil alam ko na as long as I keep myself busy, I'm making myself sane. Ito ang kailangan ko.

Naputol ang ginagawa ko nang bumukas ang pintuan ng opisina at iluwa nito ang tita kong malungkot na nakatingin sa akin.

Kahit hindi niya sabihin alam kong nalulungkot pa rin siya para sa akin. Nginitian ko siya at yumakap sa kaniya.

"Have you eaten lunch?" Tanong niya. Automatic namang kumulo ang tiyan ko pagkatanong niya. Nahiya akong ngumiti habang nailing.

Napabuntong hininga si tita at pinaupo ako sa sofa na meron ako sa office. Nilabas niya ang lunch box na dala niya. Sabay kaming kumakain nang mapatingin ako sa kaniya.

Maganda si tita pero kitang kita ang laki ng binagsak ng katawan niya. Sobrang payat at putla niya. Kahit anong pilit niyang itago gamit ang mapulang lipstick at makapal na foundation, kitang kita pa rin na she's sick.

Hindi rin siya nagtagal kaya pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na siyang umuwi. Hinatid ko siya hanggang sa makarating siya sa kotse niya. Ang dami niyang bilin at niyakap muna ako nang mahigpit bago tuluyan nang umalis. Nakatulala lang ako sa sasakyan niyang paunti onti nang nawawala sa paningin ko.

...

Napagdesisyunan kong ituloy na lang ang mga natitirang gagawin sa coffee shop na madalas kong pagtambayan.

Busy ako sa ginagawa nang may maglapag ng dalawang slice ng egg pie at iced coffee sa harap ko. Ubos na pala ang una kong order. Napatingin ako sa naglapag at agad napakunot ang noo nang mamukaan kung sino iyon.

"Are you stalking me?" Kalmadong tanong ko sa kaniya.

He looks amused.

"No" Natatawang sagot niya.

"Then why are you always here? Kapag nandito ako, nandito ka rin. Obviously, you're stalking me." I might sound childish and feelingera but you can't blame me. Palagi akong nandito sa coffee shop na 'to at palagi ko siyang nakikita dito.

"That's 436.75 in all, ma'am. Anything else po?" Magalang niyang sabi pero halata namang sarcasm.

"Tss. I didn't order these. Please, take these away—with you." Nakataas na kilay kong sabi sa kaniya. Call me rude but he's giving me the creeps.

"Kung makaakto parang hindi mo ako inaasar kahapon ah? Mavin, remember?" He is the guy from yesterday.

"I know. Sana alam mo rin na I don't give a damn."

"Chill. Ilang oras ka na kasing nandito at naubos na iyong inorder mong worth 282.00. Hindi naman ata fair dahil nacoconsume mo 'yung spot which is by the way pwedeng magamit ng ibang customers na possibleng umorder ng mas mataas kaysa sa 280+"

Lalong tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. The hell with this guy?

"Why do you even care? As if ikaw ang may-ari neto." Inirapan ko siya at babalik na sana sa ginagawa nang magsalita na naman siya.

"Well, apparently I am the owner, miss."

"You what?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Shit. Ang lakas kong magmaldita kulang naman pala ako sa research.

"I guess, I cleared my name na? I'm not stalking you, miss." Natatawa pang sabi niya. Inirapan ko na lang siya ulit. Magsasalita pa ba ako? Syempre hindi na no! Quotang quota na ako sa pagkakapahiya. Kumuha ako ng 500.00 sa wallet na inabot sa kamay niya.

"Keep the change." Inirapan ko na naman sya bago bumalik sa ginagawa ko. Akala ko ay aalis na siya pero nagkamali ako. Damn.

Kinuha niya ang kamay ko at nilapag ang 500 doon. I looked at him with so much confusion. Ano bang kailangan nito?

"Bayad ko iyan. Now, can I have some of your time?" Nakangiting sabi niya sa akin. Nang wala siyang nakuhang sagot sa akin ay naupo sya sa bakanteng upuan na nasa harap ko. Nakatingin lang ako sa kaniya. Did he just pay for my time? What an asshole.

"Mavin Perez. Owner of your favorite spot on Earth." He smiled once again. Sarap dukutin ng eyeballs.

"And you're here because?" Kung kanina ay parang papatayin ko siya sa pgkairita, ngayon ay mas kalmado na ako.

Nagkibit balikat lang siya.
"That's your favorite diba? Why don't you eat?" He said pertaining to the egg pie and iced coffee.

"Stalker." Bulong ko bago uminom sa iced coffee. Narinig ko naman siyang tumawa.

"Anong ginagawa mo?"

"Reading reports"

"Kung hindi ka college student, perhaps a college professor?" Seryosong tanong niya. Napangiti ako sa kaepalan niya.

"Ipupush mo talaga 'yang college thingy mo?" I laughed.

Mukha siyang nabunutan ng tinik nang magbago ang atmosphere between us. I guess having a friend won't be a harm.

...

I became comfortable around Mavin. Madalas kaming magkasama at mag usap everytime I'd go here. Madalas nga ay napapalibre ako ng pie and coffee dahil sa kaniya at dahil nga halos araw arawin ko dito, may bago na akong favourite. Chocolate mouse and milktea.

Madalas akong may bitbit na office work kapag pumupunta rito dahil mas gusto ko ang ingay ng café na 'to kaysa sa tanging tunog ng aircon na naririnig ko sa office. Sa ilang linggo naming magkasama ni Mavin, kahit papaano ay hindi ko na gaanong naiisip ang nakaraan.

Madalas akong tawagan ng mga kaibigan ko at noong nakaraang araw ay nagpunta sila opisina at dahil nga busy ako dito sa café, bigo silang makita ako.

I don't know if this is hiding pero mas mabuti na siguro ito. Ang hindi na muna makakita o makausap ng kahit na sino na makakapagpaalala sa kaniya.

Pero hanggang kailan?

Kailan ako magheheal?


...

Hmm, masyadong nasaktan si Cha kaya ayaaan, tinutulak niya palayo ang lahat ng tao na gustong mag reach out sa kaniya.

Read lang kayo jan mga sis. Message me if you want ng kachikahan. Masaya ako kausap haha.


Xoxo 💋

FOR THE LAST TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon