9

33 8 0
                                    




I stayed beside tita for almost a week. I decided to take a rest muna kahit for a month lang. Masyado kong pinagod ang sarili ko nang dalawang taon.


Madalas nang bumibisita ang doctor ni tita sa bahay. Madalas ring nasa bahay si tita Rose at tita Magdalene. Masyado kaming hands-on kay tita dahil natatakot kami na baka paggising namin, wala na siya.

Wala akong ibang pinapansin kundi calls and texts lang ng mga kaibigan ko. Ayaw ko muna ng ibang iisipin. Focus muna ako kay tita ngayon dahil alam kong mas kailangan niya ako.


Nasa pool area sila nila tita Magda kasama si tita Rose at iilan niyang mga kaibigan. Nandito ako sa loob ng kwarto niya dahil nagvolunteer ako na ako na muna ang maglilinis. Nakita ko ang mga picture frames na nasa ibabaw ng lamesa. Ang laki na nga ng pinagbago ni tita. Sobrang payat at putla niya ngayon. Nawalan na rin ng buhay ang kaniyang mga mata.


She must be very tired.



Kung sabagay, sobrang nakakapagod naman talaga 'tong mundong 'to.


Napatitig ako sa mga picture frames sa harapan ko. Halatang matagal na mula nang kuhanan ang mga ito pero kita na inalagaan ito ni tita.

She must have kept this for memories.

Memories na lang ang lahat.


Pinasadahan kong muli ang frames bago ko napagdesisyunang lumabas. Naligo ako at nagbihis nang semi-formal. I need to talk to some people.



After I got my car keys and wallet, lumabas ako ng bahay. Hindi na ako nagpaalam kay tita. Nagtext na lang ako na may pupuntahan lang ako saglit.


Hindi pa ako ready, sa totoo lang. Ayaw ko siyang makita. Ayaw ko siyang marinig. Pero kahit ilang beses kong itanggi sa utak ko, mga salita ni tita ang naririnig ko.


Huwag kong hayaang maapektuhan ng mga nararamdaman ko ang buhay ko.


There's more to life than these petty unsolved problems.


Nang makarating ako sa lugar na tatlong beses ko pa lang atang napupuntahan sa tanang buhay ko ay bumalot na agad ang kaba at takot sa puso ko. Una, inabandona niya ako. Hindi siya nagpakananay sa akin. Pangalawa, mas pinili niya ang asawa niya; ang bago niyang pamilya kaysa sa akin.


Given the fact that I didn't make her choose.

Wala lang, iniwan niya lang ako.

Not even a single word was heard.

Not even sorry.


Una ko siyang pinuntahan noong nagkaisip ako para malaman ang rason niya kung bakit kinailangan niya akong ipamigay sa kapatid niya.

I got nothing.

Naalala ko pa kung paano niya ako paalisin noon dahil daw parating na ang asawa niya.

Pangalawa, pinuntahan ko siya noon dahil gusto kong makita niya akong grumaduate. Para kahit papaano ay maisip niya na may isa pa siyang anak na tintry ang best niya para makita niya.

But she was not there. Birthday ng isa niyang anak at kailangan nilang mag out of town dahil dito.


Pangatlo, sinabi kong ikakasal ako. I wanted her to be there.

She didn't come.



Wala siyang pinuntahan sa kahit na anong event sa buhay ko. I am more than a stranger for her. I was never her daughter.


FOR THE LAST TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon