00-10

42 9 0
                                    


"Live, anak." Huling salitang narinig ko bago tuluyang mahulog ang kamay na nakahawak sa pisngi ko.

Si tita. Wala na si tita.


It's been weeks nang namatay si tita. Mga naunang araw ay iyak lang ako nang iyak. Tanging mga kaibigan ko lang ang sandalan ko ng mga panahong iyon. They kept reminding me kung gaano kasaya si tita bago siya namaalam.

She had smiles on her face before she closed her eyes for an eternity slumber. At least, nakasama niya 'yung mga taong mahal niya bago siya nawala. Nasa braso siya ng mahal niya at hindi siya iniwan.

He was confused at first. Sino ba naman kasi ang hindi maguguluhan kung may nakipagkita sa 'yo ay sinabing someone was dying. Mula noong nakausap ko siyang kausapin niya si tita hanggang sa matapos ang lamay ay hindi siya umalis sa tabi ng tita ko.


Destiny played well.


Pinaglaruan niya ang dalawang taong walang ibang ginawa kundi ang magmahal lamang.

Sabi nila, everything is predetermined.

Destined.

Meant to be.


Pero bakit gano'n? Ang unfair kay tita at tito Charty?

Nawala ang isa nang hindi man lang nakasama ang pinakamamahal niya samantalang ang isa'y nabuhay nang malungkot dahil sa mga desisyong hindi sila mismo ang may hawak para sa sarili nila.


Hindi kinasal si tito Charles sa mama ni Mavin. Nanatili siyang single dahil umaasa siya na si tita Des pa rin ang makakasama niya habang buhay.

Ironic.

Tragedy.



"Tita, hindi ba hiniling mo na sana okay lang maging selfish kahit for a day lang?"

"Haha naalala mo pa 'yun?" Memories flooded through me. When the fate has decided to give them a chance, huli na ang lahat.



"I remember everything about you, tita." Ngumiti siya sa akin.

"Paano kung.. paano kung some things are not bound to happen?" I asked her.

Hinawakan niya ang pisngi ko at parang natatawa pa. Huh?

"Then, wala akong magagawa kundi ang umasa na lang sa tadhana. Kung hindi dito, baka pwede somewhere." Tumingin ito sa akin.


"We are living in world where everything is predetermined. Kaya walang point kung tatambay tayo sa in between, sa what ifs at what could have beens, all we have to do is to hope. To look forward. After all, I am named after that so I am bound to Hope Destiny."


Ngumiti siya sa akin.

Tita Hope Destiny is my epitome of strong.


"You are named after him." She said and smiled again after a minute of silence.

Angel Charity. Kaya pala hindi kuha sa isang bato ang pangalan ko tulad ng mga kapatid ko dahil si tita ang nagbigay sa akin ng pangalang iyon.


"Good thing tita, may pinatunguhan 'yang paghohope mo sa destiny" natatawa na rin ako. Hope Destiny kasi ang pangalan niya.

I smiled at her. She looked confused.

"He's here tita. Angelo Charles Tyron is here. He's here for you, tita." Kiniss ko siya at niyakap.



2 months.

FOR THE LAST TIME (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon