Bata pa lang ako ay sinasabihan na akong "maganda" ng mga kaibigan ni Mommy. Ang natural na alon ng buhok, ang perpektong tangos ng ilong, ang manipis na labi at ang maputing kulay ng balat ay nakuha ko sa kanya habang ang maberdeng mata ay galing sa ama na may bahid ng ibang lahi ang dugo.Sabi ni Mommy, si Daddy ay masyadong marami ang inaasikaso sa trabaho ngayon at siya raw ay nasa labas ng bansa kaya hindi nagkakaroon ng oras para umuwi. He is a business man. A busy business man. Marami ang ginagawa at minsan ay may nakapagsabi sa akin na madalas daw ay babae ang inaasikaso nito. I don't believe them dahil alam kong hindi iyon magagawa ng Daddy ko. Nandito ako sa mundong ito dahil nagmamahalan sila. I know that they love each other even though I saw them fighting one night. Sinubukan kong kalimutan 'yon pero sa panaginip ko naman ito pabalik-balik. That's weird dahil iyon lagi ang napapanaginipan ko gabi-gabi at kahit noong bago ako dumilat ng wala nang nakikita, 'yon din ang huling napanaginipan ko.
"Ceres, anak?" si Daddy nang pumasok siya sa kwarto isang gabi makalipas noong nakita ko sila na nag-aaway.
Hinarap ko siya nang umupo siya sa tabi ko.
"Dad.."
"You know that I love you, right?"
"Hm? Of course, Dad." siguradong sagot ko.
"And I love your Mommy too." sunod na sabi niya habang hinahawakan ang buhok ko.
"Yeah, I know that. But, Dad.." nakatingin lang ako sa baba at nilalaro ang mga daliri.
"Hmm?"
"Why are you guys fighting last, last night? I saw you two,"
"Oh, that? We're.. we're not fighting. We just talked.."
"Bakit umiiyak si Mommy noon, kung ganoon?" tanong ko.
"I told you, we just talked. Matulog ka na, anak." tumayo siya at hinalikan ang noo ko bago naglakad paalis ng kwarto.
Kapag nagmamahal ba, kailangang nagkakasakitan? Mahal pa ba ang tawag kahit nasasakitan na? Parte ba iyon ng pagmamahal?
Naglakad ako papunta sa veranda ng kwarto. Binuksan ang sliding door na naghahati sa kwarto at sa veranda. Umupo ako sa upuang naroon at tumitig sa bilyon-bilyong bituin na naroon sa madilim na kalangitan.
No one can stop me from loving the beauty of the moon and stars every night.
"Panget ako." ani Conan habang naririnig ko pa rin ang pag-nguya niya sa kinakain niya.
"Weh? Describe yourself nga." hamon ko.
"Uhm, wait," narinig ko ang pagsara ng kung ano. Siguro'y yung lalagyanan ng kinakain niya ngayon.
Hindi ako nagsalita at hinintay na lamang ang idudugtong niya.
"Baka matawa ka, ha! Mahu-hurt ako, sige ka!"
"Hindi. Tingin mo ba sakin judgemental?" I pouted.
"Oo."
Kumunot ang noo ko sa narinig. Hindi ako judgemental, 'no! Wala pang nakakapagsabi sa akin na gano'n ako! But whatever. He doesn't know me naman.
Narinig ko ang pagtawa niya. "Joke lang! Okay, paano ba?" tumigil siya sandali. "Thin eyebrows, flat nose, maitim ako at makapal ang labi?"
"You're not sure?" itinaas ko ang kamay ko para abutin ang mukha niya, naninigurado.
"Hoy, ano gagawin mo?"
I didn't answer him. Nahanap ko ang mukha niya. Nagsimula ako sa kilay niya. His eyebrows was thick. Ibinaba ko ang kamay and hinawakan ang ilong niya. Ramdam ko naman sa kamay ko ang tangos at tulis ng ilong niya while his lips were thin and soft.
