"Oh, God..." Tanging lumabas sa bibig ko.Nang binuksan ko ang aking mga mata, ang puting kisame na may nakasulat na kung ano ang bumungad sa akin. Inikot ko ang paningin sa paligid at nakita ang kulay itim at puti na mga kagamitan.
Ang dalawang kulay sa loob ng silid ay malinaw sa aking mga mata at ang mga luha ay nagsisimula na namang dalawin ang mga ito.
Pinahid ko ang mga luhang dulot ng kasiyahan bago kinalma ang sarili.
Hindi ko inasahang sa malabong paningin kagabi ay ganito agad ang mangyayari. I'm so happy to see the things around me again.
Inayos ko ang aking pagkakahiga bago isara ulit ang mga mata.
I just surpassed the darkness. I'm starting to live with light again.
Dumilat ako at ang kisame ulit ang nagbungad sa akin. Doon ay may nakadikit na kulay dilaw na mga letra.
"Good morning..." Pagbasa ko rito.
I smiled. That's cute.
"Is this my room?" Mahinang tanong ko sa aking sarili. "Wait..."
Inlipat ko ang tingin sa bilugang orasan sa isang itim rin na lamesa sa tabi ng kama. It's already 9 in the morning.
Bumalik sa akin ang mga nangyari kagabi.
After I cried my happy thoughts last night, I decided to just stay in this room with Lumi. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kasama ang aso niya.
Nang maisip si Lumi ay nabuhayan agad ako. Ilang beses ko na bang inisip at nabanggit na gusto kong makita ang kacute-an niya?
Umalis ako sa pagkakahiga at sinuot ang kulay itim na tsinelas na nasa sahig lamang. Namamangha sa kwarto ni Conan, nadapuan ko ng tingin ang isang mabalahibong aso sa natutulog sa sofa.
I pouted. That's Lumi!
Her black and white fur matches the color of the room. Gosh! I wanna hug her tightly! But... she's sleeping again.
I know how irritating it is when someone just disturb you in sleeping. Baka ganoon rin ang nararamdaman ni Lumi at ng iba pang hayop. Yes, she's just a puppy but... who knows?
At dahil may natitira pa akong awa, pinanood ko na lamang ang pagtulog nito.
Ilang minuto kong pinagmasdan ang paghinga niya hanggang sa naisipan kong tignan ang sariling kwarto.
I walked out of Conan's room and stared at the hallway. Maraming pinto ang nakita ko pero hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang akin.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at paghahanap.
Inalala ko kung may nasabi ba siya si Conan tungkol sa layo ng kwarto niya sa akin tuwing hinahatid niya ako roon, pero wala akong matandaan.
"Hala, Ma'am!" Natatarantang rinig kong sigaw sa hindi kalayuan. Nilingon ko ito at nakita ang isang naka-puti na babae.
Her long wavy hair reaches her waist. Sa sobrang linaw ng mata ko, nagawa kong makita ang maliit na nunal sa tabi ng mata niya pati na rin ang mahahaba niyang pilikmata. Mukhang mas matanda lang si Mommy ng kaunti sa kaniya.
"Hi," I said awkwardly. "Ikaw po ba si ate Jo?"
Nanlaki ang kaniyang mata at ilang beses na napakurap. I let out a smile.
![](https://img.wattpad.com/cover/225770781-288-k848963.jpg)