05- Lumi, the baby.

8 4 0
                                    


"Ayos lang, Mommy." I said when she apologized for shouting at me last night.

"Sorry, anak. I just received a call from some.. stupid person before that dinner kaya.." she shrugged.

"Okay lang po talaga." It's my fault anyway.

"I'm really sorry, Ceres. Paalis na ba kayo ni Conan?"

"Huh?" where? "Oh! Hindi ko po alam sa kanya, e." sagot ko habang kumakain sa kama ko.

Mabilis rin akong nakatulog pagkatapos ng pag-iyak na iyon. Palibhasa ay luha ang nagpatulog kaya ganoon. Hindi ko na rin nakausap si Conan nung gabing 'yon dahil nga agad rin akong nakatulog. I don't know if he still stayed here when I'm asleep or lumabas na rin siya nang makitang hindi na ako nakakausap.

It's still early kaya hinayaan ko nalang si Mommy na i-blower ang basa kong buhok. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Conan ngayon pero ipapaubaya ko nalang sa kanya ang gagawin namin ngayong araw.

"Good morning," bati niya pagkababa ko at agad na naramdaman ang kanyang pag-alalay. His manly scent spoiled my nose as he reached me.

"Morning. Saan tayo?"

"I told you, it's a surprise." I heard his first chuckle for this day.

"Ceres, I have something for you." pagsingit ni Mommy. She reached my hand and put something on it.

Bahagya ko itong kinapa-kapa. A light long stick. Naalala ko ang mga nakikita ko sa mga palabas na may mga unsighted people na may hawak na ganitong bagay. They use it para malaman kung may bagay ba na nakaharang sa harap o sa daraanan nila. I kind of feel offended dahil pakiramdam ko ay isa ako mga bulag na nakikita ko lang dati. Pero totoo naman na isa ako sa kanila. But I just.. you know. Feeling ko hindi pa masyadong nagsi-sink in ang lahat sa akin pero dahil sa bagay na ito ay bumaon na nang tuluyan sa akin ang reyalidad na 'Yes, Light. You are blind.'

I still accepted it. Ayokong si Mommy ang ma-offend dahil hindi ko tinanggap ang ibinibigay niya.

"Thanks, Mommy." sabi ko at hinagod niya lang ang buhok at likod ko.

"Aalis na kayo, Conan?" tanong niya naman sa may hawak sa akin.

"Ah, opo, Tita. Una na po kami."

"Mag-ingat kayo."

Nagpadala nalang ako sa kamay ni Conan na hawak ako. Isinakay niya ako sa pakiramdam ko'y sasakyan niya.

"Saan tayo?"

"Secret." mapaglarong sagot niya.

Binukaan niya ang makina ng sasakyan niya at nagsimula na itong umandar. Ilang minutong katahimikan ang namutawi bago siya nagsalita.

"Are you excited?"

"Kind of." I said casually.

"Ako, oo."

"Oh? Ganoon ba? Saan ba kasi tayo?"

"Surprise nga diba?"

I actually don't know what to feel right now. I just feel like I am tired and exhausted. Is it because I cried and think a lot last night?

"Alam mo ba, Light?" sabi niya bigla kaya napabaling ang ulo ko sa kaliwang banda. "Syempre hindi pa." tumawa siya. 

"What?"

"Alam mo ba, nung bata ako, lagi akong pinapasyal ng Mama at Papa ko." He started. "Saturdays and Sundays, walang mintis. We are always outside our house. They made me happy as a child. Walang weekends na hindi ako nagkaroon ng bagong nalalaman at bagong experience at wala ring weekends na may trabaho sila. Lagi nilang binabakante ang dalawang araw na 'yon para sa'kin dahil sabi nila noong mga bata pa sila hanggang sa ipakasal at ipanganak ako, pinangako daw nila sa isa't-isa na kailangan hindi ako matutulad sa kanila. Na hindi ko mararanasan yung naranasan nilang pareho na walang tumayong mga magulang." he stopped.

Ligeros OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon