18- Rescinded Agreement

9 1 1
                                    


After my not-so-happy birthday, naghanda ulit si Mommy ng mga pagkain para naman sa birthday ni Yen. I think that's tiring but Yen was like her daughter too so maybe it's fine for her.




"May mall ba rito, Lola?" tanong ni Yen.




"Meron kaso medyo malayo. Bakit? May bibilhin ka?" sagot ni Lola.




"Sana po kumain na lang tayo sa labas. Napagod pa po kayo tuloy."




"Ano ba 'yan, hija, hindi bagay sa'yo. Hindi ka naman ganiyan dati, ah."




Halos maibuga ko ang kinakain dahil sa sinabi ni Mommy.




That was a bit foul but well, that's true. Ngayon lang siya may nabanggit na para siyang nakokonsensiya.




"Woah. Tingin niyo po ba bumait na 'ko?" my friend asked with hope in her eyes.




Nag-abang kaming dalawa sa isasagot sa kaniya pero nagkibit-balikat lamang ito.




"Hmp. Pero siguro nga. Pansin ko rin, e." bulong niya na lang sa sarili.




"Mall tayo?" tanong ko sa kaniya nang mapunta na kami sa garden ni Lola.




Plants here are really nourished by my grandmother. Totoo ngang nagmana si Mommy sa kaniya pagdating sa pag-aalaga ng mga halaman at bulaklak.




"Alam mo kung saan?"




Umiling ako bilang sagot.




"Pa'no 'yon?"




"Edi magtatanong kila Mommy."




"Oh edi ngayon na tayo umalis." nauna na siyang bumalik papasok sa bahay.




Nang tinanong namin si Lola, sabi niya ay dalawang sakay lang kaya nagbihis na kami ng matinong damit pang-alis. Mayroon si Yen ng kahit anong klase ng damit. It was like she put her closet inside her two luggages. I'm actually wearing her ripped jeans right now.




"Mama! Saan galing 'yang asong 'yan?!" sigaw niya pagkabukas ng pintuan.




"Arf! Arf!"




"Huy, Ilaw! Paalisin mo 'yan. Na-trauma na 'ko sa mga aso!" reklamo niya, nagtatago sa likuran ko.




Natawa ako sa sinabi niya. "Don't worry, you're not holding a burger."




When we were in grade six, may nakita kaming aso sa tapat ng canteen so we decided to take a look on it. Yen tried to pat the dog's head but it suddenly bark kaya napalayo siya bigla kaya muntik matapon yung hawak niyang burger na super favorite niya. Then nakita yun ng aso, kaya tumalon-talon sa harapan niya para makuha yung burger. Pero dahil favorite nga niya, tumakbo siya para i-save yung burger so the dog followed her habang ako tumatawang sumunod sa kanilang dalawa ng aso. And then pagliko ko sa nilikuan nila, andoon si Yen na nakadapa na pero nakatitig ng masama sa aso na kinakain na yung burger niya.




"Sorry." said by the owner.




"Just put that away, please? I'm not a fan of dogs." ani Yen at tinulak ako palabas habang nasa likod ko pa rin siya.




I saw Conan took a step backward when he sense that I feel uncomfortable.




Medyo may kabilisan ang pagbaba ko sa hagdan at nang tuluyang makababa ay tsaka ko naramdaman ang panunuyo ng lalamunan.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ligeros OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon