17- Barriers to break

3 1 0
                                    


Hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang makahinga ng maluwag kahit ipit na ipit na ako sa yakap ni Yen.




I admit that she's not what I'm expecting.




I shouldn't be scared. Alam naman niya siguro na malaki ang kasalanan niya sa akin para maglakas loob na magpakita sa akin. Malaking trauma ang naibigay niya sa akin pero bahala na—I already chose to go incognito.




“Aren't you hap—wait! You said you're not—”




“It's back.” Pagputol ko sa sasabihin niya.




“Really?! Or you just tripping me?” Nanliliit ang mata niyang tinitigan ako kaya inirapan ko siya.




“Anong ginagawa mo rito?” I asked.




“Duh? Your birthday,”




“And?”




“To celebrate?”




Hindi na ako nagdagdag pa alam ko naman na.





Walang taon na absent si Yen sa birthday ko.  May time pa nga na pinapasok niya pa ako sa bahay at sa kwarto para gisingin ako para siya daw ang unang babati sa akin. Mayroon rin na nag out of town sila and because she don't want to miss any of my birthdays, tumakas siya para umuwi pa-Manila para puntahan ako at dinamay niya pa ang driver nila.




And also, magkasunod lang kami ng birthday so madalas ay pinagsasabay namin. It's either sa araw ng birthday ko or sa kaniya. Minsan nga naiisip namin na magkapatid kami, e tapos ako yung ate kasi mas mauuna yung birthday ko and after talking about that, we'll both said “ew”. Hindi ko alam. Maaarte kami e—or si Yen lang?




“Tanda mo na grabe,”




“Edi ang tanda mo na rin? Magkasunod lang naman tayo ng birthday,”




“Mas matanda ka pa rin. Mas mauuna birthday mo kaya. Pero ayaw mo ba mag-party? Debut mo dapat!”




“Required ba talaga 'yon kapag mage-eighteen?”




“I don't know. Pero ayaw mo talaga?“ Umiling ako. “Hindi na rin ako.”




“Ay, gaya-gaya?”




She laughed and said na hindi naman nga raw mahalaga iyon, though it's legality age, it's the celebrant's choice pa rin naman kung magpa-party siya.




We just talk about things bago kami tawagin sa loob para sa hapunan.




“Light,”




Napatingin ako kay Mommy nang tawagin niya ako. “Hmm?”




“What happened last night? Polo's birthday? Wala kang malay nung dinala ka rito. Did you drink?”




Napalunok ako roon. Sino naman kaya ang naghatid sa akin?




“Uh... yeah.” Tipid kong sagot at tinutukan na lang ang pagkain kahit ramdam ko pa rin ang mga mata niya sa akin.




Gladly, Yen being talkative, she opened a new topic.




“Sa sofa ka, sa kama ako,” Sabi ni Yen nang makapasok kami sa kwarto ko.




“Wow. Birthday mo?”




“Bisita ako kaya dapat kaya dapat special. And fyi, bukas pa naman birthday mo, 'no!”




Ligeros OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon