Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Biglang nawala ang ibang bagay sa isip ko at tanging salita ni Mommy ang natira. Ang aking tenga ay pilit na sinasala ang mga salitang iyon, nagbabakasakaling mas maliliwanagan sa narinig."Mistress? Si Dad?"
I heard her sigh again.
"Mommy? Ano po bang sinasabi mo? Hindi magagawa ni Daddy 'yon!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses.
"I saw him with that Honey,"
"Kailan po? Kilala niyo ba 'yon?"
"Of course, I knew her."
Naalala ko ang dating away nila.
"Is it the same girl? Yung pinag-aawayan niyo noon?"
Nanatili itong tahimik. "Mommy!"
"Just.. Just go to your room, Light Ceres."
Naiiyak na ako sa frustration. Why can't she answer me? Bakit wala 'kong alam?
"It's not good for you. Please, anak." pakiusap niya habang nasa loob na kami ng aking kwarto.
"Not good? Mommy? Mas mabuti palang hindi ko nalang nalaman? Mommy naman, e. Kaya ba umiiyak noong isang gabi? Ayun ba yung dahilan? Ayokong makit-- marinig kang naiyak, M-mommy. I want to help you. I want to comfort you when Daddy can't." mahabang sabi ko na hindi niya man lang sinagot.
Tangina naman! Gusto kong tawagan si Daddy para lang sabihin at ipaalala sa kanya na may pamilya siyang nag-aantay sa kaniya!
"I'm sorry. Just rest." pilit niya kong hinihiga pero ayaw ko.
What should I do?
Ilang saglit ay narinig ko ang yapak niyang papalayo.
"Please lock the door, Mommy." mahinang sabi ko pero sinigurado kong maririnig niya.
"Why?"
Pumatak nanaman ang mga papansing luha ko. "Just.. just lock it, Mommy." humiga ako at itinalukbong ang kumot sa sarili.
Pagkatapos magsara ng pinto ay inalis ko ang kumot sa aking katawan. I stood up and walk towards the door to check if it's really locked. Marahan ang lakad ko patungo sa pintuan at nang makalapit at mapindot ang lock ay nakarinig ako ng katok.
"Sino 'yan? Mommy?"
"Are you okay?"
My tears fell again. I don't want someone asking if I'm okay whenever I'm really not because I'll just answer that with a lie.
"I'm fine." dalawang salitang sanay na sanay akong isagot.
"You want something?"
"I want... to sleep. Bukas na lang, Conan." sagot ko bago talikuran ang pinto at sumalampak sa kama.
I know that Mommy was hurt too but I don't know. Hindi ko malagyan ng espasyo si Mommy sa isip ko dahil naookupa ito ng sarili kong emosyon.
Ang pag-iyak ko ngayong gabi dahil sa pag-iisip tungkol kay Daddy ay nadagdagan ng awa sa sarili.
Gusto ko ulit masilaw sa liwanag.
What should I do now?
Gustuhin ko mang itigil ang pag-iyak at ihinto ang pagiisip, hindi ko magawa. Naninikip na ang dibdib ko at nahihirapan na sa paghinga pero patuloy pa rin ang paglalabas ng tubig ang mata ko. Pakiramdam ko rin na ang pag-iyak ko ay naririnig hanggang sa labas kaya pinipigil ko ang hikbi at tinatakpan ang bibig para walang makasalising tunog.