10- Sick... of everything

4 4 1
                                    

"I'm sure malapit na. You told me it's temporary, right?"

"Oo nga pero I badly want it to come back."

"Sasamahan kita sa pag-aantay." P-in-at at ginulo niya ang buhok ko. "At sa susunod.. makikita mo na ulit yung apoy ng kandilang ilalagay sa harapan mo."

Inihatid niya ako sa kwarto ko. Pagkaabot sa kama ay agad akong humiga at siya na ang nagkumot sa akin.

"Goodnight. Stop thinking, Ceres."

He kissed my forehead.

"Thank you, Conan. Goodnight."

Kinaumagahan, boses ni Mommy ang unang nag-goodmorning sa akin. Noong isang araw, nagpalagay ako ng alarm clock sa side table ko para alam ko kung umaga o gabi na.

Kaya ngayon, sigurado akong ala-sais na palang dahil iyon ang pina-set ko.

"Good morning, Mommy."

"I'm sorry if I didn't tell you, anak."

"No," umiling ako. "I'm sorry for what I've said,"

"Ayos lang, Ceres. May kasalanan rin ako. Ayoko lang na kagalitan mo ang Daddy mo kapag sinabi ko sa iyo."

"Naiintindihan ko, Mommy but.. you should've told me. I don't want you to suffer and cry alone. Tayo na nga lang magkasama ngayon, e."

"I'm sorry. Aayusin ko ang lahat para sa'yo."

"I'll help you. I will talk to Daddy."

"Eat your breakfast na."

Sinunod ko ang sinabi niya. Habang mabagal na kumakain, may naisip akong itanong.

"Mommy.."

"Hmm?"

"Paano mo nakilala yung Honey? Alam ba ni Daddy na alam mo na may tinatago siya?"

O tinatago ba niya?

"He knows."

Kumunot ang noo ko.

Pero walang ginawa si Daddy? At magkasama ba sila ngayon?

Ramdam ko sa boses ni Mommy na hindi niya gusto pag-usapan ang tungkol dito kaya hindi ko na pinilit pa.

"Did you see Conan? Bakit po hindi siya yung naghatid ng breakfast ko?"

"Nasa kwarto niya. Gusto mo siya puntahan?"

I nodded. "Alright. Ihahatid kita."

Sabi ni Mommy, nasa tapat na kami ng kwarto ni Conan at siya na rin ang kumatok dito.

"Pasok." rinig kong sagot mula sa loob.

"Ihahatid na kita sa loob." tinaguan ko ito.

When I heard the sound of the door, the scent of Conan invades my nose. Tila may nakatakas na amoy niya mula sa loob ng kwarto pagkabukas ng pinto.

"Maiwan ko na muna kayo." paalam ni Mommy at narinig ko naman ang lakad niyang papalayo.

Pinakiramdaman ko na muna ang paligid. Ang lamig ng loob ng kanyang kwarto ay nararamdaman ko sa aking balat at naririnig ko naman ang tunog ng pagtama ng kung ano sa kung saan.

"Hey," unang sabi ko matapos pakiramdaman ang paligid. Sabi ni Mommy, iniupo niya raw ako sa upuan na nasa tabi ng kama ni Conan.

"Light?"

"What are you doing? Hindi ka pumunta sa kwarto, ah?"

Narinig ko ang tawa niya kaya kumunot ang aking noo.

Ligeros OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon