Chapter 54:

670 28 3
                                    

Chapter 54: Help me.

Zytrix's point of view.

"Tobi!"agad na sigaw ko ng makita ko si Tobi na nakaupo lang sa tabi ng kanyang lola.

Napayuko pako dahil pinag kakatinginan na pala ako ng mga tao.

Dere-deretso nalang akong pumunta kay Tobi at sinalubong agad siya ng yakap.

"Ate Ganda!"nakangiting sabi na rin nito.

Nang matapos ko siyang mayakap pumunta agad siya kay Kumag at niyakap narin ito.

"Kuya Pogi"sambit niya rin kay Kumag na ikinangiti nito.

"Lola"nagmano pako kay lola saka ako umupo sa tabi niya.

"Buti napadalaw kayo hija"nakangiting sabi ni lola samin.

Umupo nadin si Kumag sa tabi ko habang hawak hawak niya pa rin si Tobi.

"Namiss ko po kayo eh"nahihiya man ay umamin parin ako. Totoo naman kasing namiss ko sila.

Huling kita ko sakanila ay yung nasa hospital pa ako.

"Namiss karin namin lalong-lalo na yang apo ko. Hinahanap ka sakin palagi"napatingin siya bigla sa suot kong bracelet."Suot mo pa parin yan"natatawang tumango narin ako.

"Gusto ko po kasi"natatawang sagot ko.

Ang cute kasi nung design ng bracelet na binigay niya.

"Ikaw rin pala hijo suot mo pa parin yan"baling narin ni lola sa katabi kong nilalaro si Tobi.

Napahinto sila ni Tobi sa pagkukulitan. "Ah opo gusto ko rin po eh pero mas gusto ko yung katabi ko"nakataas-baba pa ang kilay niya habang sumasagot kay lola.

Napahalakhak naman si lola sa banat niya.

"Ang corny mo psh"pinandilatan ko pa siya.

"Gusto mo naman"pang aasar niya pa sakin.

Nye nye! Asa ka!

"Kayo talagang mga bata kayo"natatawa paring sabi ni lola. Di na ata siya hihinto sa kakatawa.

"Lola pwede po ba naming isama si Tobi?"pagpapaalam ko. Gusto ko kasing igala siya para naman di siya mabagot dito.

"Oo naman basta wag lang kayo magpapagabi ha"paalala niya pa samin na ikinatango ko.

MY DESTINED book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon