Chapter 56:

557 23 4
                                        

Chapter 56: What?

Riva's point of view.

Ang tagal naman ni Zy kanina ko pa siya hinihintay. At gustong-gusto ko na siyang maka usap para maka plano na kami.

Mababaliw na ata ako sa kuya niya. Eh pano pa naman ang gwapo-gwapo kaso pa fall ang tukmol.

Yayain pa naman akong samahan ko daw siyang mag jogging. Tahimik na nga akong nag jojogging tas guguluhin pako ng loko.

Epal.

Di ko na natiis kaya lumabas nako sa bahay.

"Mom punta lang ako kina Zy"paalam ko sakanya habang nag kukulitan sila ni Dad.

Di man lang niya ko pinansin kaya naglakad nalang ulit ako.

Sanaol sa kanila ni Dad.

Palibhasa may lovelife na silang lahat ako nalang wala.

"Kainis"kunot nuo kong bulong.

"Anong kainis Viva?"may biglang nag salita sa harapan ko.

Oh my gulay!

Agad kong kinuha ang cp ko at nag salamin agad.

"Maayos ba suot ko?Wala bang dumi sa mukha ko?Di ba ko pangit?"bulong ko pa at binalik agad ang cp ko sa bulsa.

Bat kasi nandito pa tung pafall nato. Yun tuloy ang lakas ng tibok ng puso ko.

Di ko kasi namalayang nasa gate na pala ako nila Zy. Lutang kasi ako.

"H-ha?"bingi-bingihan ko kunwari.

"Sabi ko anong kainis Viva?"napa atras pako ng makita kong kumunot ang nuo niya.

"Anong Viva ka diyan"di ako nag patalo at ako naman ngayun ang masamang tumingin sakanya.

Viva niya mukha niya. Daming babae ah.

"What?"inosente nitong sabi.

Aba loko pala to eh. Gitilan ko kaya to. O di kaya karatihin ko nalang para naman makatikim siya sakin.

"It's Riva damn it!"kunot nuo ko paring sabi.

Nakita ko naman ang pagkibit-balikat nito. Wala atang pake sa sinabi ko. I a-uncrush na kitang hayp ka.

"Whatever"yun lang sinabi niya at tinalikuran nako.

Aba wala man lang pake sa future wife niya. Ay buang.

"Wait"pinigilan ko siya. Napabitaw pako ng tumingin siya sa kamay ko na hinahawakan yung kanya.

Sorrey nemen ser.

Hokage move ate niyo eh pano ba yan.

MY DESTINED book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon