Prologue

664 33 2
                                    


"Na-ayos n'yo na ba ang inyong mga gamit?" tanong sa amin ni Tita Klara.

"Hindi pa po tapos Tita" tugon ko.

"Mommy excited ka ba masyado na umalis na kami?" tanong ni Kiera kay Tita.

"Of course not darling. Tignan mo nga yang kapatid mo sa taas kung nagsisimula na mag empake ng kaniyang gamit." utos ni Tita kay Kiera.

"Hay nako mommy, malaki na yan si Kuya, hayaan mo na sya kung ayaw nyang kumilos. Bahala sya." sagot ni Kiera.

Andito ako ngayon sa bahay ng aking pinsan. Tinutulungan kong mag ayos ng mga dadalhin si Kiera dahil mamayang madaling araw ay luluwas na kami papunta sa lilipatan naming school.

"Zafrina dalhin mo na dito sa bahay ang iyong maleta. Dito ka na din matulog para diretso na tayo bukas" sabi ni Tita Klara sakin.

"Opo Tita."

Lumabas muna ako at pumunta sa bahay namin. Kalapit bahay lang namin sila. Madalas ako mag-stay kina Kiera kaysa sa bahay namin dahil wala akong kasama lagi. Si Mama busy sa kanyang business. Nakapag-paalam na din ako sa kanya kagabi. Si Tita Klara ay asawa ng kapatid ni mama na si Tito Ken. Kasalukuyang nasa ibang bansa si Tito ngayon. Si Tita ang nag ayos lahat ng mga papeles namin sa aming lilipatan na school.

Habang nasa kwarto ako ay inisip ko pa kung may dadalhin pa ba ako.

Dinagdagan ko pa ang aking mga damit sa maleta.

"Hala, wala pa pala akong susuotin para bukas shet." Buti na lang naala-ala ko. Pumili na lang ako ng kahit ano.

Ni-lock ko na ang pinto sa bahay at bumalik na kina Kiera.

Si Kiera? Pinsan ko sya and may kapatid sya na lalaki, si Kiefer. Kiera and I are both incoming grade 12 student at si Kiefer naman ay incoming College.

"Ayos na ba lahat anak?" tanong sakin ni Tita pagkabalik ko. Anak na din madalas tawag sakin ni Tita.

"Opo. Sinarado ko na din po yung bahay. May susi naman po si mama kapag umuwi sya." sagot ko.

"Mommy ano nga palang name nung school na lilipatan namin?" tanong ni Kiera.

"Stonewall University." sagot ni Tita.

"Malayo ba yun mommy? Atsaka maganda ba don?"

"Yes darling, malayo sya at mataas na lugar. Sobrang ganda doon nung pinasa ko mga requirements niyo. And the dorm was also good, looks like a hotel ang dorm. Lahat ng mga kailangan nyo nandoon na kaya lahat ng students na nag eenroll doon ay required na magdorm. Bawal lumabas ng university."sagot ni Tita.

"Bawal lumabas ni Tita? Paano kapag uuwi sa dorm?" tanong ko.

"Anak yung dorm nandun na din sa likod nung university. Tapatan ang building ng dorm ng babae at lalaki. And yung mismong school building ay nasa harap. Malaki masyado yung school nyo. Madaming mga buildings.
May pool and club din. May salon pa nga ata at gym. Basta makikita nyo naman doon bukas. I-ttour naman ata kayo don." sagot ni Tita.

"OMG!! May club daw girl!!" tili ni Kiera.

"Hoy hoy, magtigil ka. Nilipat ko kayo doon para mag-aral at maganda environment hindi para mag club."

"Hahaha, nako Tita binibiro ka lang nito ni Kiera. Hindi naman po kami marunong mag club." sagot ko kay Tita para mapanatag ang loob.

"Siguraduhin nyo lang." sabi ni Tita.

Stonewall UniversityWhere stories live. Discover now