Chapter 8

141 20 2
                                    

Chapter 8: 2nd day

Pinaghiwalay ang boys and girls. Naririndi kami ni Kiera sa ingay ng mga grade 11 girls.

“Ayun si Kiefer oh.” turo ko kay Kiera.

“Ang sungit ng mukha amputek.”

“Gagi ang daming nakatingin sa Kuya mo.”

“Hayaan mo na. Hanggang tingin lang naman sila.”

“Wowww, di ka ata palaban ngayon.”

“Ang aga aga, masisira ganda ko.” Tugon sakin ni Kiera. Pansin kong mukang nagpa-ganda nga s’ya ngayong araw. Ang ganda ng porma n’ya ngayon at naglagay s’ya ng konting blush on. Pinanliitan ko s’ya ng mata.

“Oh bakit? Ganda ko ba?”

“Sino?” tanong ko.

“Anong sino?”

“Sino ‘yang pinag-papagandahan mo ha?” tinusok-tusok ko ang kanyang tagiliran.

“Hoy Zaf nakikiliti ako!” sambit nito habang pinipigilan n’ya ako sa pangingiliti.

“Sabihin mo muna kung sino tsaka ako titigil.”

“Basta ngaaaaa. Secret muna. Ayokong masira plano ko.”

“Aba may pag-secret ka ng nalalaman sakin. Fine. Ako din may secret kaso ‘di ko sasabihin sayo.” Sabi ko sa kanya.

Nagsalita na muli yung mag-ttour samin. Lapel ang gamit n’ya.

“Girls, please fall in line. We will start first on the buildings around the field. The last route will be the Main building so that you can go back to your respective classrooms right after.” Sambit ng Ate ni Xylem.

Una naming pinuntahan ay yung mga building sa likod ng stage. Kapag nakaharap ka sa main mula dito sa field, nasa may kanan naka-pwesto ang stage.

“This is the Fitness Center or the Gym Building.” Tugon ni Ate Xyrah habang papasok kami sa loob. “This place is for indoor physical workout where various equipment and machines are typically used. We value not just the health of every student, but also their fitness. Being fit not only means physical health, but emotional and mental health too. It defines every aspect of our health. That’s why we put a gym inside the university.”

I’m amazed

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I’m amazed. Mukang fully-equipped itong gym nila at bago ang mga kagamitan. May second floor pa kaso mukang hindi na kami aakyat.

“Dumudugo ilong ko kay Ate.” Rinig kong sabi ng katabi namin. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na “same”. Ang galing at ang ganda magsalita ni Ate Xyrah. Parang may anghel sa harap namin na nag-uusap.

“It is open from 6:00 am to 8:00 pm but, the school has a rule that you can only go here after your classes and during weekends.” Dagdag ni Ate Xyrah.

Stonewall UniversityWhere stories live. Discover now