Chapter 12

128 15 0
                                    

Chapter 12: Body Roll


FRIDAY

"TGIF!!!" sabay sabay na sigaw ng mga kaklase ko ng makalabas si Ma'am Marketing.

Halatang-halata sa mga mukha nila ang excitement. Ang iba ay dumiretso labas na agad.

Anong meron? Tanong ko sa sarili ko.

Oo alam ko na weekend na sunod nakakapagtaka lang yung excitement nila as if naman makakalabas sila ng university.

"FRIDAY NIGHT IS CLUBBING TIME!!" malakas na sigaw ni Jerome at sumayaw sayaw pa na parang nasa club. Natawanan kaming lahat sa ginagawa n'ya.

"Ginagawa mo." utas ni Kiera kay Jerome.

"Inggit ka na naman bitch!" pasigaw na sabi ni Jerome.

"Ingay mo!" utas ko.

"Shut up." Sagot sagot sakin ni Jerome. "Sama ka na lang mamaya bitch." pag aaya n'ya sakin.

Sinukbit ko na ang aking bag.

"Saan naman?" tanong ko dito. Lumapit s'ya sakin.

"SCN bitch." utas n'ya.

"Ha? SCN?"

"Stonewall Club Nocturno my gosh!!" maarteng sagot niya at inirapan ako.

"Pass." Sagot ko.

"Ano ba 'yan KJ!" Tugon n'ya sakin. Natawa na lang ako.

"Ikaw bitch?" Pagtatanong naman n'ya kay Kiera. Sasagot na sana si Kiera kaso biglang nag-usap na naman si Shanty. "Ay, bawal nga pala pangit don!" Utas niya atsaka inirapan si Kiera.

Umirap din si Kiera sa kanya. "Kapal ng face mo! Balita ko bawal ka din doon!" Sigaw ni Kiera.

Grabe 'tong dalawa, kokonti lang pagitan pero grabe sa lakas ng mga bunganga.

"Bakit naman ako bawal doon?! Excuse me! I'm pretty!" sabay umawra pa.

"COZ PETS ARE NOT ALLOWED!" sigaw ni Kiera.

Hinila ni Jerome ang buhok ni Kiera. Bwisit talaga 'tong dalawa eh, kahit saan parang aso't pusa.

Lumabas na ako ng room namin at iniwan si Kiera na nakikipag-sagutan kay Jerome. Bahala kayo d'yan eh!

Kalat ang mga estudyante sa hallway dahil uwian na. Nakita kong palabas din ng room nila si Elixr.

"Hey!" Bati nito sakin habang nakangiti. "Kumusta?" Tanong n'ya sakin.

"Okay naman haha. Ikaw?" tugon ko. Napatigil kami si gitna ng hallway.

"I'm good too. Medyo nakakapag-adjust na din kahit papaano. Mag-isa ka lang ata? Where's Kiera?" aniya.

"Nasa loob pa." tugon ko.

"Ahh okay haha. Ina-aya nga ako ng mga kaklase ko sa SCN mamaya eh."

"Seryoso? Kami din ni Kiera ina-aya eh, kaso di ko trip magclub." Wika ko.

"Excuse me." Dinig kong tugon ng lalaki na dadaan sa gitna namin ni Elixr.

Tinignan ko kung sino ito. Si Xylem. Hindi na lang kami nagsalita ni Elixr at nagbigay daan sa kanya.

Tss. Pwede naman sa gilid dumaan, doon pa talaga sa gitna namin.

Nang makadaan na s'ya ay lumapit uli sakin si Elixr.

"So hindi kayo pupunta?" tanong sakin ni Elixr.

"Hmm ewan. Depende na lang sa mood namin mamaya. Haha." utas ko.

Stonewall UniversityWhere stories live. Discover now