Chapter 14

116 18 1
                                    

Chapter 14: SPIN THE BOTTLE: Truth or Dare



Matapos nilang pag-dugtungin ang mga table ay inayos nila ang mga nakalagay dito. Tinanggal nila ang mga nakalagay sa gitna ng lamesa at may pinatong na bote.



"Kasali tayo?" tanong ko kay Eunice na kumakain ng chips sa tabi ko.


"Yup." utas nito.


"Hala bakit?" tanong ko uli.


"Wag ka ng magtanong girl, just go with the flow na lang. Enjoy the nighttt!!" sagot nito.



Napanguso ako bigla. Kinakabahan ako sa mangyayari.



"Balik na tayo ng dorm." pinulupot ko ang aking kamay sa braso ni Eunice habang pinipilit s'ya.



"Anong oras pa lang. Mamaya na, after ng game. Masaya 'to." Wika nito.



Napa-buntong hininga na lang ako at kumain ng chips. Kung hindi ko man mapipilit sila na bumalik na sa dorm, sana hindi ako matapatan ng bote.



Lumingon ako kay Elixr na nasa kaliwa ko.



"G ka lang?" tanong ko sa kanya.



"Sa game? Oo naman, why not? It looks fun." sambit nito at uminom ng Smirn off.



Napatingin naman ako kay Kiera. Mukhang excite na excite sa game. Okay lang naman sakin sumali sa kanila... kung wala si Xylem.



Nakita kong may binuksan na Cuervo si Alaric. Yung babaeng kalapit naman niya ay naglapag ng limang shot glass sa gitna.



"Sino 'yon?" tanong ko kay Eunice.





"Sino? Sino d'yan?" utas nito. Tinuro ko sa kanya panguso yung kalapit ni Alaric.



"Ahhh. Si Xane Rosen yan. Classmate namin." sagot nito sakin.



Napatango na lang ako. Ang dami palang ka-close ni Alaric. Sa kabilang side naman niya ay si Hani ang katabi n'ya. Napatingin ako sa mga makakasama namin sa game. Yung iba ay kilala ko at yung iba ay hindi. Nakakahiya naman. Nagulat ako ng mamukaan ko ang dalawang babae na nasa bandang gitna, katapat nina Alaric.



Teka? Si Kerby at B-anne ba 'yon???



Tinignan ko silang maigi. Napansin kong napatingin yung isang babae sa gawi ko at kumaway sakin.



"ZAFFF!!!" sigaw nito habang tinaas ang kamay at kumaway. Shete, si Kerby nga. Napatingin din yung kalapit n'ya sakin, si B-anne. Kumaway din ito.



Kumaway ako pabalik sa kanila. Grabe, hindi ko sila namukaan. Ang ganda nila lalo sa make-up at suot nila. Nakita ko kung ano ang iniinom nila, T Ice din.



Napansin kong wala ata si Jerome sa nakapalibot dito sa table. Nasaan na kaya 'yon?



"I'm back mga panget!" dinig kong sabi ng paparating.



Si Jerome.



"I'm done retouching na. Let's start the game na." tugon ni Jerome at umupo na.



Every time na makikita ko s'ya, natatawa na agad ako. Kahit wala pa s'yang ginagawa na nakakatawa, just by looking at him natatawa na agad ako. I dunno why hahahaha.



Naramdaman kong parang may nakatingin sakin. Ganon naman diba talaga 'yon? Minsan you'll feel uncomfortable kasi feeling mo may nakatitig sayo.




Stonewall UniversityWhere stories live. Discover now