Chapter 10

128 19 0
                                    

Chapter 10: Kiera's plan

Nagulat ako ng biglang mag-ring ang phone ko. An unknown number is calling me. I barely answer kapag may mga tumatawag na hindi naka-save sa contacts ko. Nag-aalangan akong sagutin ito. Nag-end na ang ringing. Binalik ko na uli ang phone ko sa ilalim ng unan.

Tatayo na sana ako para pumuntang bathroom ngunit nag-ring na naman ang phone ko. Kinuha ko uli ito at tinignan kung sino. Yung tumatawag uli kanina. Sinagot ko na ito.

"Who's this?" bungad kong tanong. Hinintay kong sumagot ito ngunit walang sumasagot.

"Hello???" tugon ko uli. "Wrong number po ata kayo. Kung hindi ka magsasalita, papatayin ko na 'to." aktong iba-baba ko na ang aking cellphone ng biglang may nag-usap na.

"Zaf...." dinig kong sabi nito. Zaf? Kilala n'ya ako? Tinapat ko uli sa aking tenga ang cellphone. This time hindi ako nag-uusap. Hinihintay ko s'ya ulit mag-usap.

"Zafrina..." dinig ko uling tugon nito.

"Tf! Who are you? Where did you get my number?!" sunod-sunod kong sabi dito. Naiinis na ako dahil panay tawag lang s'ya sa pangalan ko pero hindi naman nag-uusap kung anong pakay n'ya.

"It's me." maikling tugon ng lalaki sa kabilang cellphone.

"It's me? Who?! I don't know you. I think you got a wrong number." Baliw ba s'ya? It's me ampvta. Paano ko malalaman kung sino s'ya, hindi naman n'ya sinasabi pangalan n'ya.

"I'm back. Just like what I've told you before." Bigla akong natahimik at parang nanigas sa aking higaan. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. No! It can't be! It's not him. This is just a prank call.

"What are you talking about?! I know this is just a prank call! So please stop now!"

"It's me, Sceven." biglang nanlamig ang paa't kamay ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naluluha na ang aking mga mata. Hindi. Hindi totoo 'to.

"S-sorry, wala akong kilalang Sceven." pagsisinungaling ko. Sunod-sunod ng tumulo ang aking mga luha.

"I m-miss you. I miss your voice. It's been a long time." he said. Hindi ako naka-sagot dahil panay ang bagsak na ng aking luha. Ayokong magsalita dahil magpu-putol putol lang ang mga sasabihin ko dahil sa hikbi.

"Zafff"

"Zafff"

"Zafff"

"Zafff... Gisingggg. Okay ka lang 'ba?" dinig kong tawag sakin ni Kiera habang tinatapik ako. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

"Huyyy Zafff???? Okay ka lang?" tanong sakin ni Kiera.

Tumango lang ako. Nagulat ako ng bigla akong humikbi. Hinawakan ko ang aking pisnge. Basang-basa ito.

"Nag-aalala ako sayo kaya ginising na kita. Grabe na kasi yung hikbi mo baka mamaya binabangungot ka na." dinig kong sabi ni Kiera na puno ng pag-aalala.

Napahawak ako sa sintido ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Bumangon ako sa pagkakahiga.

"Okay ka lang talaga?" tanong uli sakin ni Kiera.

"Si Sceven..." tugon ko habang minamasahe ang aking sintido.

"Sceven??? Bakit??? Nag-chat sayo? Akala ko ba blinock mo na 'yun?" sunod-sunod na tanong ni Kiera.

"Nandito na daw s'ya sa-"

"HA?! ANO?! KELAN PA?!"

"Teka lang kasi patapusin mo muna ako. Lalo sumasakit ulo ko sayo eh."

"Sorry sorry. So ano? Kailan daw s'ya dumating? Bakit pa s'ya bumalik? Bakit ka n'ya minessage pa?"

Jusq. Nahihilo lang ako kay Kiera. Ang daming tanong, hindi man lamang ako patapusin.

Stonewall UniversityWhere stories live. Discover now