Chapter 7

147 24 7
                                    

Chapter 7: Elixr

5:00 am

Kinuha ko ang cellphone sa ilalim ng aking unan at tinignan kung anong oras na. Alasingko na pala ng umaga. Kanina pa ako pagising-gising. Hindi ako makatulog ng maayos.

Sinilip ko kung may gising na sa kanila, ngunit wala. Mga puyat 'to dahil maga-alasdose na sila natulog kanina. Mabuti na lang 8:00 ang start ng klase namin ngayon. Kaso kami ni Kiera ay kailangan pumunta sa Main Building ng 7:00 am dahil may tour ang mga freshmen sa buong university.

Sumilip ako sa bintana. Madilim pa din sa labas. Halos patay pa ang mga ilaw sa kwarto ng kabilang building. May iilan akong nakita sa may baba na nagja-jogging.

Pumunta ako sa may lababo at tinignan yung compartment sa taas kung may laman na pagkain or kahit mga milo o kape man lang. Kaso wala. Ang empty pa.

"I think we need to go to the groceries later." tugon ko sa aking sarili. Sabi naman nina Kerby at B-anne ay may groceries daw sa third floor ng cafeteria.

Nag-decide na lang akong pumuntang cafeteria para uminom ng kape.

"Pagbalik ko na lang ako maliligo." Bago ako lumabas ay nag-toothbrush na lang muna ako at kinuha yung hood ko.

Sa gilid ng building namin ay may nakita akong mga bicycle na may basket. Na-miss ko biglang mag-bike. Pwede kaya hiramin 'to?

"Ma'am, gagamit po ba kayo ng bike?" tanong sakin nung lady guard ng building namin.

"Pwede po ba?" tanong ko.

"Pwedeng-pwede ma'am." naka-ngiting sagot ni Ate. "Ano po d'yan ang gusto n'yo gamitin?" tanong n'ya.

"Magkano po ba hire d'yan?" tanong ko dahil halatang may bayad ang paggamit nito.

"Nako ma'am free lang po gamitin 'yan. Provided po yan ng school para sa mga students. Students can use it anytime."

"Wowww, talaga po?" nae-excite kong tanong.

"Yes ma'am. Ano po d'yan ang gusto n'yo? Ako na kukuha. Make sure lang na dito din mismo ibabalik at hindi kung saan-saan."

"Opo." sagot ko. "Kahit ano na lang po d'yan."

Si Ate tinatanong pa kung ano gusto ko, eh pare-parehas lang naman yung itsura nung bike.

Nakuha na ni Ate yung bike at binigay sakin.

"Salamat po." nginitian lang ako nito.

Nilagay ko yung phone and wallet ko sa basket sa harap at sumakay na. Dahan-dahan lang ako magpatakbo dahil fini-feel ko ang maaliwalas na hangin. May nakikita din akong nag-bbike pa-ikot sa field. Kahit madilim pa ang kalangitan ay maliwanag sa daan dahil sa mga outdoor post lights.

Napatigil ako saglit sa tabi ng field. May nakita kasi akong naglalaro ng badminton. Nakaka-inggit naman.

"Morning Zaf." may bumati sakin. Hindi ko na namalayan na napatulala pala ako sa tabi.

Hindi ko masyado makilala kung sino sino 'tong nasa harap ko dahil nakasuot syang cap tapos against the light pa.

"It's me. Alaric." natatawa n'yang sabi at tinanggal ang cap.

"Ikaw pala. Hindi kita namukaan gawa ng cap mo. Good morning too."

My God, forgive me, pero ang sarap po nung nasa harap ko ngayon.

Basang-basa ng pawis si Alaric. He's wearing a gray dry-fit t-shirt and a sweatpants. I never thought he would have a broad chest like that and oops wait, bawal tumingin sa may bandang baba.

Stonewall UniversityWhere stories live. Discover now