Chapter 17

135 13 1
                                    

Chapter 17: Rooftop Pool



"Hoy saan ka galing?" bungad sa akin ni Kiera pagpasok ko sa pinto.

"D'yan lang," tinatamad kong sagot sa kan'ya. Agad na dumiretso ako sa kama ko at humiga ng padapa. Napagod ako do'n ah.

"Mamaya ka na matulog hoy, kakain na tayo ng lunch." Sambit sakin ni Eunice habang inaayos ang higaan niya.

"Ha? Anong oras na ba?" Lutang kong tanong sa kan'ya. Pinikit ko ang aking mata dahil nararamdaman ko na ang antok.

"Alas-dose na girl. Tara na," aya ni Eunice.

Umiling-iling ako. "Pass. Busog ako," inaantok kong sagot. "Kayo na lang muna."

"Sige, ikaw bahala. Kami ay gutom na. Alis na kami." Narinig ko ang mga yapak nila palabas ng kwarto. Maya na lang ako kakain, inaantok talaga ako.








***
6:30 pm

Lumabas ako galing bathroom. Sobrang init ngayong araw. Kahit madilim na ay ramdam mo pa din yung init kaya naisipan kong magbuhos ng katawan.

Kaninang hapon, pagkagising ko ay agad akong nagtungo sa Cafeteria para kumain. Napagpasyahan namin na no rice muna ngayong gabi.

"Ang banas kainis," sambit ni Kayleigh habang iniipit pataas ang buhok niya.

Napatingin ako sa buong kwarto. Wala na naman si Hani. Simula no'ng nagpunta kaming SCN ay hindi na niya kami masyadong pinapansin. Madalas pati s'yang wala dito sa dorm. Kasalanan 'yon ni Kiera, kung ano anong iniisip na plano naghahanap lang ng kaaway. Tsk.

"Tara Zaf, bili tayo ng ice cream sa MG," aya sakin ni Eunice.

"Layo. Katamad maglakad," utas ko at umupo sa upuan.

"Edi mag-bbike tayo!" aniya.

Tumayo ako. "Sige na nga."

"Ano gusto n'yong flavor?" tanong niya.

"Cookies n' Creammmmmm!!!" Sigaw ni Kiera habang nakadapa sa kama at nagccellphone. Favorite namin 'yon ni Kiera.

"Rocky Road, bili din kayo haaa!!" sigaw naman ni Chrysa.

"Ok, got it." ani Eunice.

Lumabas na kami ng kwarto at bumaba. May salon pala dito sa first floor. 'Yon pala yung nakasarang silid dito, akala ko kung ano no'ng una. Open lang s'ya kapag weekends. Hmp, taray ng Stonewall.

Lumabas na kami ni Eunice at nagtungo sa Cafeteria. Madami ng tao dahil dinner na. Umakyat kami hanggang third floor para bumili sa MG ng ice cream.

“Dalawang family size na lang bilhin natin?” tanong sakin ni Eunice.

“Oo, ayos na ‘yon.” Sambit ko. “Libre mo ba?” tanong ko.

“Yup! My treat.” Aniya.

“Naks naman. Iba na talaga pag rk,” utas ko sa kanya.

Kinuha na niya sa freezer ‘yung family size na ice cream. Cookies ‘n Cream at Rocky Road gaya ng request nina Kiera at Chrysa.

“Pahawak muna ng phone ko wala akong bulsa. Punta na akong counter para bayadan ‘to.” Sambit niya at inabot sakin ang kanyang iPhone. Parang 7-eleven itong MG. Umupo na muna ako sa isang stool bar na malapit sa exit.

I tried to open her phone kaso may password. Bigla ko na lang naalala yung aking phone. Teka. Parang kanina ko pa hindi nahahawakan phone ko. Kinapa ko ito sa bulsa ko ngunit wala. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko pa ‘yon nagagamit simula ng magising ako. Fck saan ko kaya nailapag ang phone ko!?

Stonewall UniversityWhere stories live. Discover now