Chapter 21

102 14 1
                                    

Chapter 21: Dinner

"Let go of me," I said.

Hindi niya agad binitawan ang pagkaka-hawak sa pulso ko. I glared at him.

"I miss-,"

"I said let go!" tumaas na ang boses ko dahil ayaw niya itong bitawan. Matapos ko sabihin iyon ay agad naman niyang binitawan ang aking pulso.

"I'm sorry Zafrina..."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Tinalikuran ko siya at agad nag-tungo sa rest room. Pagpasok ko ay agad kong sinarado ang pinto at napasandal dito. Napahawak ang kamay ko sa aking dibdib at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.

Lumapit ako sa sink. Tumingin ako sa salamin at sinampal ang sarili. Baka sakaling panaginip lang ang lahat ng ito.

Aray!

Naramdaman ko iyong sakit. Fvck! I am not dreaming! This is real... Sceven is back.

Hindi ito mag sync in sa aking utak. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Naba-blangko ako!

Ilang minuto muna ang pinalipas. Sana ay wala na siya sa labas. Ayoko pa siyang makita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang na maglaho ngayon na parang bula.

Tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung ano iyon. Nag-text na si Kiera.

From: Kiera bear

Girl!!! Asan ka na? Naiinip na si Kuya!!!

Kailangan ko ng lumabas dito. Wala na siguro doon si Sceven.

Sumilip muna ako bago ako tuluyan lumabas. Hindi ko na nakita doon si Sceven kaya naglakad na ako. Kaso pagliko ko ay nandoon pala siya sa tabi at naghihintay. Hinirang niya ako.

"Let's talk Zaf," utas nito.

"Who are you? I don't know you!" sambit ko. Humakbang muli ako ngunit hinarang niya ako ng kaniyang bisig.

"Zaf... please..."

"Ano ba!" malakas ko ng sabi sa kanya. Binaba naman niya ang kaiyang bisig. Naglakad na ako paalis ngunit ramdam kong naka-sunod pa din siya sa akin. Lalo kong binilisan ang paglalakad at dumaan sa nagkukumpulang tao para ligawin si Sceven.

Nakita ko na sina Kiera malapit sa escalator.

"Ang tagal mo nam-" pinutol ko ang sasabihin ni Kiera.

"Tara na," utas ko sa kanila at hinila si Kiera sa braso.

"Teka teka. Bakit parang ikaw naman itong nagmamadali? May humahabol ba sayo?" tanong ni Kiera. Tinanggal niya ang pagka-kahawak ko sa braso niya.

"Umalis na tayo dito," natataranta kong sambit.

Aktong tatapak na ako sa escalator ng biglang hinila ni Kiera ang braso ko.

"Sandali nga. Bakit ganiyan itsura mo? Bakit parang bigla kang namutla ha?" tanong nito sa akin. Napatingin ako sa kaniya. Nag-aalala ngayon ang kaniyang mukha. Si Kiefer naman ay parang naguguluhan sa ina-asta ko.

Hindi ko masagot si Kiera dahil ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Basta. Umalis na muna tayo dito," sambit ko. Ngunit nagmatigas si Kiera. Hindi sila umaalis sa kinatatayuan nila ni Kiefer.

"ZAFFFF WAITTTT..."

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Sceven. Napatingin ako sa direksiyon kung saan ko narinig ito. Napatingin din sina Kiera at Kiefer sa tumawag sa akin.

Stonewall UniversityWhere stories live. Discover now