New Friend👋🏻
𝙇𝘼𝙉𝘾𝙀 𝙎𝙀𝘽𝘼𝙎𝙏𝙄𝘼𝙉
Andito kami ngayon ni Tantan sa Cafeteria para umorder nang makakain. Nakakagutom kasi kanina puro nalang "Introduce Yourself", kilala ko na ata lahat ng classmate ko dahil lang sa pa ulit² na introduction na yan. Hayst nakaka stress, first day palang to pano na kaya sa mga susunod na araw? Sigurado akong walang araw na hindi magbibigay ng Task/Assignment/Homeworks samin yung mga prof namin.
Nga pala, di pa alam ni Tantan na bisexual ako. Sasabihin ko kaya sa kanya? Baka kasi mandiri sya sakin eh at iwasan nya ko. Bahala na nga!
"Tantan?" pagtawag ko sa pangalan nya habang kumakain naman sya. Ang cute nyang kumain parang baby HAHAHA.
"Oh bakit?" nagtatakang tanong nya sakin.
"May aaminin sana ako" nahihiya kong sambit. Baka kasi iwasan na nya ako ngayon eh pag katapos kong masabi to.
"Ano naman yun?" tanong nya.
"Ah ano k-kasi" nauutal kong sambit.
"Ano ba sasabihin mo sakin?" tanong nya ulit.
Lumunok muna ako ng laway bago ako nagsalita.
"Bis-" di ko na natapos ang sasabihin ko nang may babaeng nagsalita sa harap namin.
Shit! ang ganda nya mga pre! Maputi, medyo mataas, tsaka ang kinis ng balat nya, dagdag mo pa na rebonded sya na hanggang balikat lang yung buhok nya. Tumayo agad ako at nagpakilala.
"Ako pala si Lance Sebastian" pagpapakilala ko sa kanya sabay abot ng kamay ko.
"I'm Pear Sandoval" sabay shake hands.
"and you are?" tanong ni Pear kay Tantan.
"Tristan Hermosa" walang gana nyang sabi. Kanina lang ang happy neto tas ngayon biglang nagsungit, ang weird.
"Ah pwede bang maki-upo dito?" tanong nya.
"Sure, no problem" sabay pakita ng pamatay kung smile.
"Ah nga pala, pwede koba kayong maging friend? Bago lang kasi ako dito eh" nahihiya nyang sabi. Ang cute nya talaga ugh.
"Sure, why not? Bago lang din naman kami dito eh diba Tantan?" tanong ko sabay lingon sa kanya.
"Yeah" galit ata to sakin eh. Ano kaya nakain neto?
𝙏𝙍𝙄𝙎𝙏𝘼𝙉 𝙃𝙀𝙍𝙈𝙊𝙎𝘼Habang kumakain ako dito ay parang hindi mapakali si Lance. May sasabihin ata to o baka may problema lang to.
"Tantan?" pagtawag nya sakin.
"Oh bakit?" tanong ko sa kanya sabay lingon. Ang cute talaga ng lalaking to, kung naging bisexual lang to jowa ko na ata to ngayon charot HAHAHA.
YOU ARE READING
Happier With You
Teen FictionThis story talks about a guy who hates people that are part of 𝗟𝗚𝗕𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬, also called as 𝗛𝗢𝗠𝗢𝗣𝗛𝗢𝗕𝗘. Meet 𝗟𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗘𝗕𝗔𝗦𝗧𝗜𝗔𝗡, isang uri ng tao na talagang friendly, mabait tsaka palaging happy. Although marami s...