Dinner Date feat. Happy Moments❤️
𝙇𝘼𝙉𝘾𝙀 𝙎𝙀𝘽𝘼𝙎𝙏𝙄𝘼𝙉Andito na kami ngayon sa Robinson's Mall upang maghanap ng makakainan.
"Dun nalang kaya tayo sa McDo?" suggestion nya. Pwede naman, favorite ko kaya yung McDo. Pero mas masarap ata kumain dun sa Jollibee.
"Jollibee nalang tayo Tan, please?" sabay puppy eyes HAHAHA, weakness nya ata tong puppy eyes kong to eh!
"If that's want you want baby" sabay kindat. Abay puta, gusto pa ata netong mafall ako sa kanya charot HAHAHA.
"Tara na nga! Gutom nako!"
Hinila ko sya papunta dun sa Jollibee, nag order lang ako ng Chicken tas side nya ay Fries. Ang kay Tantan naman ay pareha lang din sakin. First time nya daw kasing kumain dito pero masarap naman daw.
Pagkatapos namin kumain ay dinala nya ko sa Penshoppe kasi bibilhan nya daw ako ng Tshirt. Ang mahal kaya dito sa Penshoppe tas bibilhan nya pako? Nakakahiya mga pre!
"Pili kana Lance, pipili nadin ako ng sakin"
Pumili nalang ako dito ng mura lang kasi usually nasa 300-1000 yung mga prices sa ganitong uring Brand eh. Ikaw ba naman! Ang ganda kaya ng tela tsaka yung mga design, sino bang hindi gustong bumili dito? Diba?
"Ito nalang sakin Tan!" sabay pakita ko sa napili kong Tshirt.
Ang napili ko ay stripes lang. May kulay na Pink, Navy Blue, White, Yellow tsaka Pale Green. Hindi naman ito masyadong mahal kasi ₱299 lang naman ito. Ayoko namang gumastos si Tantan ng malaki sakin. Kanina, imbes na treat ko ay sya nalang ang nagbayad tapos bibilhan nya pako dito? Sabagay, mayaman naman sila eh.
Mayaman din naman kami pero di ganun kayaman nila Tantan.
"Ito lang ba? Pili kapa ako na bahala sa bill" nako Tantan! nakakahiya.
"Tantan? Ayoko namang gumastos kapa sakin ng malaki eh. Kanina Treat mo, tapos ngayon bibilhan mo pako? Nako wag na, sauli ko nalang to. Ikaw nalang bumili ng sayo" nalungkot naman sya sa inasal ko sa kanya. Eh totoo naman ah, ayoko talaga kasi di naman kami jowa para gumastos sya sakin. Tsaka isa pa, may pera naman akong dala.
"Sige sorry" malungkot nyang sabi.
"Ako dapat mag sorry sayo eh" sabi ko sa kanya.
"Ganito nalang, punta nalang tayo sa Quantum. Laro nalang tayo dun tutal 9:50PM pa naman, uwi nalang tayo mamaya pag 11" dagdag kopa. Bigla naman lumiwanag yung mukha nya sa sinabi ko.
"Sige bayaran kolang to sandali"
Pumunta na sya sa cashier at ito naman ako naghihintay lang dito sa labas. Bigla namang nag ring ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang tingnan ko ito ay si Mama lang pala ito, sinagot ko naman agad.
"Oh mama? Napatawag ka?
"Nako anak, anong oras na oh?"

YOU ARE READING
Happier With You
Teen FictionThis story talks about a guy who hates people that are part of 𝗟𝗚𝗕𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬, also called as 𝗛𝗢𝗠𝗢𝗣𝗛𝗢𝗕𝗘. Meet 𝗟𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗘𝗕𝗔𝗦𝗧𝗜𝗔𝗡, isang uri ng tao na talagang friendly, mabait tsaka palaging happy. Although marami s...