Unexpected🙊
𝙇𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙎𝙚𝙗𝙖𝙨𝙩𝙞𝙖𝙣
Ang ganda ng set up dito. May mga iba't-ibang kulay ng balloons sa gilid, may led lights na nakakabit sa may kahoy na syang nagdadala ng liwanag samin at lamesa na punong puno ng pagkain. Sakto lang din, pang dalawahan.
It's already 6 kaya madilim dilim nadin.
Ito ba sinasabi nyang plano? Baka ito nga!
"Ba't moko pinapapunta dito?" tanong ko kay Tantan habang umuupo. Nakakapagtataka padin eh kung bakit nya ako pinapapunta dito. Ano kaya balak ng taong 'to? Baka ipa kidnap nya ako, hala!
Advance Mindset lang?!
Di naman ata HAHAHA, sa gwapong nyang yan? Nangingidnap?
"May sasabihin sana ako sayo eh" tugon neto.
Ito na ba? Magkakajowa naba ako? Lord sana naman.
I took a deep breathe bago sya sagutin.
"Ano ba yun?" nagtataka kong tanong sa kanya. Hinawakan nya kamay ko bago ito nagsalita.
"Lance Sebastian. Alam kong di pa tayo ganun katagal na nagkakilala pero hayaan mo 'kong sabihin sayo to, na mahal kita. I know it's kinda weird pero yun yung nararamdaman ko sayo. Yung tipong papalapit ka palang sakin? tumitibok na agad puso ko? Di ko alam kung kelan 'to nag umpisa pero that doesn't matter, this feelings i feel towards you right now matters most. I know this relationship is wrong pero wala akong pake. Ang importante ay mahal kita at proud ako dun" he said while making eye contact with me. He keeps on playing my fingers while saying those words, or should i rather say confessing his feelings to me.
Nagugulahan pa din ako. Oo inaamin kong crush ko din sya pero di pako ready pumasok ng relasyon. Ayoko mangyari ulit sakin yung naging past ko nuon.
I'm still confused! Nakanganga padin ako hanggang ngayon. Di lang talaga ma process ng utak ko yung sinabi nya sakin.
Nang ma gets ko na lahat nung sinabi nya ay tsaka lang ako kumibo.
"I'm sorry Tantan, pero ayoko munang pumasok sa isang relasyon. Gusto ko kasi kilalanin muna ng lubusan yung tao eh. Ayoko yung tipong papasok agad sa relasyon dahil lang sa pagpapakita nya ng sweet actions nya sakin, di ako ganun eh" nakayuko kong sambit. Alam kong mahirap 'to sa kanya pero wala akong magagawa eh. Kailangan kong panindigan yung promise ko sa sarili ko na hindi muna mag jowa.
"Naiintindihan kita Lance. Sige kain na tayo" pilit nyang ngiti habang sinasabi nya iyon.
Sorry.
"Ah nga pala, bago ko makalimutan. Aalis kami ngayon papuntang Canada, pagkatapos neto pupunta agad ako sa airport baka kasi malate ako sa byahe" sambit neto kaya't natigil ako sa pag nguya.
"H-huh?" naguguluhan kong tanong at napatingin agad ako sa kanya. Ba't sya pupunta sa Canada? Huli na ba itong makikita ko sya? Iiwan nya na ba ako? Wag naman sana.
"Aalis ako papuntang Canada. At 2-3 years ata ako dun kasi nagkasakit lola ko. Kelangan kong alagaan sya, dun nadin ata ako magtatapos ng pag aaral eh. Kaya sana naman, alagaan mo sarili mo habang wala pa ako dito. Friends padin tayo ah?" pagpapaliwanag neto sakin. Di ko nalang namalayan na tumulo na pala luha ko. Bakit nya ba kasi gagawin to sakin? Iiwan nya nalang ako ng ganun kadali? Unfair naman eh!

YOU ARE READING
Happier With You
Teen FictionThis story talks about a guy who hates people that are part of 𝗟𝗚𝗕𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬, also called as 𝗛𝗢𝗠𝗢𝗣𝗛𝗢𝗕𝗘. Meet 𝗟𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗘𝗕𝗔𝗦𝗧𝗜𝗔𝗡, isang uri ng tao na talagang friendly, mabait tsaka palaging happy. Although marami s...