Chapter 9

78 0 0
                                        

Mr. and Ms. Intramurals 2020🎉👑


𝙇𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙎𝙚𝙗𝙖𝙨𝙩𝙞𝙖𝙣

Andito ako ngayon naghihintay na mag umpisa yung kompetisyon na sinalihan ni Tantan. Supportive akong bestfriend eh, tsaka kasali din pala sa Pear.

Habang nag hihintay ako dito sa kinauupuan ko ay hindi parin mawala sa isip ko yung narinig kong plano nila Tantan kanina. Ano kaya binabalak nya? Nako baka masamang tao 'to, mahirap na!

Sa kakaisip ko ay bigla nalang sumigaw lahat ng tao dito.

Kaya pala, kasi nandun na sa stage ang host.

"Are you ready to witness the candidates for the Mr. and Ms. Intramurals 2020?" anunsyo nung host. Kaya lahat ng tao dito sumigaw.

"Okay, but before that, let me introduce first the judges for tonight's pageant. First Judge —" sabi neto pero di ako nakikinig. Occupied kasi isip ko kung ano talaga yung plano ni Tantan.

"Mrs. Kath S. Kennedy" anunsyo nung host. Pangatlo na ata yun. Hindi ko man lang namalayan dahil sa kakaisip ko sa planong iyon.

"Are you ready?" sigaw nung host kaya lahat naman dito sumisigaw except sakin. Nabobored ako eh.

"Let's welcome, the 6 handsome and gorgeous candidates" nagpalakpakan sabay hiyawan naman lahat ng tao.

Nang mahagilap ng mga mata ko si Tantan ay napangiti nalang ako. Nakatitig lang ako sa gwapong mukha neto, napaka perpekto ng pagkagawa. Kaya habang nakatitig ako neto ay hinawakan ko naman ang kwentas na ibinigay nya sakin. Ano bang ginagawa mo sa sistema ko tantan? Bakit ako nagkakaganito sa tuwing nakikita kita?

Nang tingnan ko naman si Matthew ay naka smirk lang syang naka tingin sakin. Ewan ko ba, naasar ako sa gwapo nyang mukha.

Gwapo din naman sya, maputi tsaka matangkad. Napakaperpekto din ng pagkagawa, nakaka-inggit.

Pagkatapos nang kanilang Production Number ay nagpakilala sila isa't-isa.

"I'm Tristan Hermosa, 18 years of age" pagpapakilala ni Tantan sa mga tao. I'm sure naman kilala na siya ng lahat. Ikaw ba naman Varsity Player tsaka heartthrob ng school, eh sinong hindi makakakilala nun? Unless nalang kung wala ka talagang paki HAHAHA.

"and I'm Pear Sandoval, 18!" pagpapakilala ng maganda kong best friend. Maganda naman talaga sya, kung diko lang talaga 'to bestfriend baka pinatulan ko na.

"proud to represent, Grade 11 Senior High!" huling pagpapakilala nila.

Nagpalakpakan naman yung tao. Pagkatapos nilang magpakilala ay sila naman si Theo. Di pa naman kami close, ba't ko ba sya tinatawag na Theo?

"I'm Matthew Liam Kennedy, 19 years of age" pagpapakilala neto.

"and I'm Justin De Vera, 19!" sabi din nung partner nyang babae. Maganda din HAHAHA pero mas maganda bestfriend ko.

"proud to represent, Grade 12 Senior High!" huling sabi din nila.

Hiyawan, Palakpakan, Talunan o di kaya tumbling gagawin din ng mga supporter netong si Tantan o di kaya kay Matthew.

Why are they so obsessed with that Theo Guy?! Bahala na basta wala akong pake. Ayoko sa kanya!

"Let's move on to the Question and Answer Portion" sabi nung host kaya lumabas naman isa-isa yung mga candidates feat. calm background song. Ang ganda nung background song eh, instrumental lang sya nung kanta ni Dua Lipa — Don't Start Now, pero napaka kalma nya.

Nakita ko naman si Tantan suot yung blue tuxedo nya. Napaka pormal nyang tingnan, parang aattend sya sa Prom tas ako partner nya, char HAHAHA. Ang gwapo nya talaga, dagdag mo pa yung cool hairstyle nya. Basta credits sakin, kasi ako pumili nung blue tuxedo na yun.

Happier With YouWhere stories live. Discover now