Just a Stranger🤷🏼♂️
𝙇𝘼𝙉𝘾𝙀 𝙎𝙀𝘽𝘼𝙎𝙏𝙄𝘼𝙉"Anak bangon kana jan, andito si Tantan sa baba" few more minutes please. Inaatok parin talaga ako. Wait! tama ba narinig ko? Si Tantan andun sa baba? Luh ang aga aga pa, ano kaya sadya nya dito?
Inayos ko na yung higaan ko at dumiretso na sa banyo. Nagtoothbrush na ko at naghilamos pagkatapos ay bumaba nako. Nakakahiya naman kay Tantan kung makita nya akong magulo pa ang buhok at may muta pa sa mata, diba?
"Oh? Napaaga ka ata?" tanong ko sa kanya.
"Kumain kana tsaka maligo, kanina pako naghihintay dito, ako na maghahatid sayo sa school araw-araw" sabay kindat. Aba! May driver nako HAHAHA apakagwapo namang driver nato charot HAHAHA.
"Ah sige, kumain kana ba?" Baka kasi di pato kumain eh. Delikado na baka ako pa ang may kasalanan kung magkasakit 'to.
"Ah kanina pa, sige na bilisan mo na" sabi nya sakin.
Agad nakong kumain at pagkatapos nun ay naligo nako. Inayos ko na muna yung buhok ko at nagpabango para naman may mabingwit ako mamaya HAHAHA. Pagkababa ko ay nagpaalam nako kay mama at hinila na palabas si Tantan.
Habang nasa byahe kami ay di na tahimik gaya noon. May pinaguusapan na kami lagi, mabuti na nga to kesa nung una napakatahimik talaga.
Nang makarating na kami sa school ay naghintay na muna ako kay Tantan dito sa gate. Pinark nya pa kasi muna, hintayin ko daw sya sabi nya. Habang naghihintay ako dito ay nakita ko si Pear kaya linapitan ko ito.
"Uy musta?" tanong ko sa kanya.
"Oy Lance ikaw pala yan! Okay naman ako, ikaw ba?"
"Okay din naman ako HAHAHA"
"Tara na, may half day orientation tayo ngayon" Orientation? Half Day? Nako maganda tong araw ko nato.
"May pasok pa ba mamaya sa hapon?" tanong ko sa kanya.
"Wala na daw" sagot nya sa tanong ko.
"Oy Pear! Tara na Lance" Sabi ni Tantan na kararating lang.
"Tara Pear" pag aya ko kay Pear para naman may kasama kaming bago ni Tantan.
Andito na kami sa Auditorium namin nakikinig sa Guest Speaker sa Orientation na ito. Alam ko namang boring to kasi si Tantan naka tulog na sa armchair nya.
"Oy! Gising! Tara labas nalang tayo" pag aya ko kay Tantan, napakaboring kasi talaga.
Iniwan na muna namin si Pear dun kasi ayaw nya daw sumama samin kaya napag planohan namin ni Tantan na manuod nalang ng basketball at Volleyball.
Andito na kami sa Covered Court namin at humanap ng mauupuan tsaka manunuod. Nga pala malapit na Intramurals kaya pala todo practice na sila.
"Ah dito ka na muna Tantan, bibili lang ako ng makakain natin" sabi ko sa kanya kaya nagtungo nako palabas sa covered court namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/226714934-288-k506189.jpg)
YOU ARE READING
Happier With You
Roman pour AdolescentsThis story talks about a guy who hates people that are part of 𝗟𝗚𝗕𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬, also called as 𝗛𝗢𝗠𝗢𝗣𝗛𝗢𝗕𝗘. Meet 𝗟𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗘𝗕𝗔𝗦𝗧𝗜𝗔𝗡, isang uri ng tao na talagang friendly, mabait tsaka palaging happy. Although marami s...