Chapter 6

73 2 0
                                        

Kennedy's Realization feat. Pervert Tristan🤷🏼‍♂️


𝙈𝘼𝙏𝙏𝙃𝙀𝙒 𝙇𝙄𝘼𝙈 𝙆𝙀𝙉𝙉𝙀𝘿𝙔

Ano ba nangyayari sakin? Nung Thursday lang binato ko sya ng bola kasi nandidiri ako kung makita ko sya tapos kahapon sa SM, bigla nalang gumaan loob ko sa kanya. Ewan basta bigla ko nalang syang linapitan at kinausap. Though may galit nga talaga ako sa mga bakla ay parang wala lang naman sa kanya kahapon yung pakikitungo nya towards sakin. Baka nga di sya galit, kinilig pa nga ata sya nung makita nya ko kahapon eh. Titig na titig mga pre! HAHAHA syempre gwapo kasi ako.

Pero ngayong araw nato, di ko nalang sya papansinin. Ayoko talaga sa mga bakla! Baka may sumanib lang sakin kahapon kaya ko sya kinausap. Wala pa naman sa vocabulary ko yung ako yung mag first move para lang makausap yung tao. I just let them approach me para makapag-usap kami di yung tipong ako yung uuna.

Nga pala, ngayong araw nato ay Practice na namin para sa Pageant on Monday. Medyo kinakabahan ako kasi kalaban ko na naman si Tristan. Nung Mr. Philippines kasi 2nd lang ako tsaka 1st sya, kaya talagang kinakabahan ako. Basta tatalunin ko nalang siya ngayon. Sisiguraduhin kong ako yung magiging Mr. Intramurals 2k20 sa school namin.

Andito kami ngayon sa stage naghihintay kay Tristan para makapag start na kami sa practice. Ang tagal naman ata nya. Yung usapan kasi 9:00AM tapos 10:00AM na? Lalaki ba talaga yun? Parang ambagal naman kumilos. Kasama nya ata ulit yung baklang yun. Ew kadiri, ang laswa nilang tingnan, fuck!

Ay bakit ko ba sya iniisip? What's wrong with me? Erase, erase!

𝙇𝘼𝙉𝘾𝙀 𝙎𝙀𝘽𝘼𝙎𝙏𝙄𝘼𝙉

Papunta na kami ngayon sa school namin kasi practice daw nila para sa Pageant sa Monday. Though Saturday naman ngayon at wala akong gagawin sa bahay kundi matulog tsaka kain ay napagplanuhan ko nalang sumama kay Tantan.

Nagmamadali kami ngayon kasi yung usapan nila ay 9:00AM tapos anong oras na? 10:00AM na takte! Late na nga talaga kami, or should i say si Tantan. Sumama lang naman ako eh. Baka magalit pa sa kanya yung instructor nila kasi late na sya, hayst!

Oo nga pala, tatanungin ko ba talaga sya kung bisexual sya? Natatakot kasi ako baka iwasan nya 'ko dahil lang sa tanong nato. Anyways, aamin din naman ako sa kanya na bisexual ako. I don't make secrets about my sexuality naman kasi lahat nung friends ko especially family ko alam nila na bisexual ako. Nagsasabi kasi ako ng totoo. Honest to eh!

Bumuntong hininga muna ako at lumunok ng laway.

"May problema kaba Lance?" tanong ni Tantan sakin.

"Ah m-may itatanong s-sana ako" ito na naman. Nininerbyos na naman ako.

"Ask me anything, what do you want to know?" nako englishero ka na pala Tan?

"A-ano kasi" nauutal ko paring sambit.

"Ano nga? HAHAH" natatawa nyang sabi.

"Bisexual kaba?" linakasan ko na talaga loob ko na mag tanong. Wala naman atang mawawala eh. Nakita ko namang medyo lumaki yung mata ni Tantan, at nagulat ito siguro sa tanong ko HAHAHA.

"Oo bakit?" proud nyang sabi. Sabi ko na nga ba eh. Kaya pala iba pakikitungo nya sakin. O talagang trip nya lang talaga maging sweet sakin? Nako balakajan.

Napatango nalang ako at tumingin nalang sa dinadaanan namin. Wait! May sasabihin pa pala ako baka makalimutan ko.

"Tantan?" tanong ko sa kanya. Baka kasi makalimutan ko eh tsaka sabihin nya pang unfair kasi diko sinabi sa kanya yung totoong pagkatao ko.

Happier With YouWhere stories live. Discover now