Meeting Him👀
𝙇𝘼𝙉𝘾𝙀 𝙎𝙀𝘽𝘼𝙎𝙏𝙄𝘼𝙉"Anak bangon ka na dyan! Baka malate ka sa first day of school mo" sigaw ng mommy ko galing sa kitchen nagluluto ata.
Kinuha ko muna phone ko katabi nung Lampshade na nasa side ng bed ko at chineck ko muna yung time. It's 3:30 early in the morning, tas kung maka gising mama ko parang ilang bundok pa tatahakin ko para lang makarating ako sa school? hays.
Ang mga ilaw talaga ng tahanan! Mas excited pa ata mommy ko sakin pumasok HAHAHA pero anyways, thankful ako kasi biniyayaan ako ni God ng isang napakaganda at napakabait na Ina na gaya nang mommy ko.
"10 minutes more" sabi ko sa sarili ko bago ako umidlip ulit.
Nagising nalang ako ng may kumakatok sa pinto ko at agad ko naman itong binuksan.
"Good morning my, anong oras na?" tanong ko kay mommy.
"It's 6:40 in the morning my son!" sagot naman ni mommy kaya agad kong kinuha phone ko at tinignan kong anong oras na nga, baka kasi nagjojoke lang mommy ko eh. Shiaaaa! Totoo nga talaga, akala ko kasi joke lang, mahilig pa naman yun mag joke.
Agad akong bumaba at kinain ang linuto ng mommy ko kaninang 3:30AM, pagkatapos nun ay umakyat nako at kinuha ang towel ko then tumungo nako sa CR.
Nang matapos nakong mag prepare ng mga gamit ko ay tinignan ko kung anong oras na and fuck! It's 7:15AM na, baka nga malate pako neto sa first subject ko.
I hurriedly grab my Car key and then lumabas na when suddenly my Mom called me.
"Anak oh here's your baon" sabay abot nya ng 500 pesos sakin.
"Grabe ka naman ma. Highschool student pako hindi College" reklamo ko sa mommy ko kasi napakalaki naman talaga neto tsaka, Grade 11 student pa naman ako hindi college!
"Okay lang yan anak, tsaka consider this as your reward dahil sa wakas Grade 11 ka na" sabi ni mama sakin kaya wala nakong nagawa kundi ang tanggapin nalang to.
"Sige ma, ingat ka dito ah tsaka i love you ma" sabay kiss ko sa noo nya. Sabi kasi nila, The sweetest kiss is when you kiss a person on its forehead.
"Ikaw din anak, mag ingat ka dun" bilin sakin ni mama.
"Sige ma, alis nako ah" sabay babye sa kanya.
Nga pala, hindi pako nagpakilala sa inyo. I'm Lance Sebastian, and I'm 18 years of age. 5'8 height ko tsaka favorite ko din yung Chuckie HAHAHA. Sounds weird pero ganun talaga ako eh, isip bata. Hindi naman kami ganun kayaman, at hindi naman ganun kahirap kumbaga nasa middle lang ganun. Oo nga pala, maputi ako, matangos ang ilong, clear skin, maypag ka blueish ang mata tsaka nakakamatay din yung smile ko charot HAHAHA. Maputi kasi ngipin ko tsaka kompleto, alagang alaga eh. Halos 5x a day ako nag t-toothbrush HAHAHA ang weird.
I studied here in Hutchinson University and as usual, napakalaki netong paaralan nato. Anytime pwede kang mawala specially sa mga bago pa dito gaya ko.
Pinark ko muna car ko sa parking area dito sa university tsaka pumasok nako sa paaralan nato.
Napansin kong medyo may mga taong nagkukumpulan dun sa Bulletin Board ata yun, ano kaya meron dun? Out of curiosity ay pinuntahan ko yun. Mga list lang pala ng pangalan and also yung section kung asan ka belong.
Hinanap ko muna pangalan ko and nakalagay dun ay
Lance Sebastian ( section Husky )
Ang weird HAHAH para naman kaming mga aso neto dahil sa mga pangalan ng mga section dito. Yung iba naman ay Golden Retriever, Poodle, Chow-chow and many more.
Dumadami na talaga tao dito kaya umalis nako nang....
"Oh my god! Classmate natin si Ken" halos mamatay na ata kakatili yung babae. Nakinig na muna ako sa pinag uusapan nila ng lahat nung nandito ay nag sisigawan na.
"Ayan na sya bes! Owemji ang hot nya" sabi nung babae kaya napatingin agad ako sa sinasabi nila.
Ang hambog naman neto tsaka sino ba to? Bat andaming fans nya dito? Baka may grupo sila ng mga nag gagwapuhan sa paaralang to, sasali sana ako charot HAHAHA. Gwapo din naman ako ah, di nga lang ganun ka gwapo gaya nya pero may maipagmamalaki din naman ako.
Umalis nalang ako dun at nag tungo kung asan yung room ko nang may bigla akong nakabangga.
"Aray!" ang sakit talaga ng pwet ko pvta.
Tumayo agad sya at inabot nya sakin ang kamay nya.
"Ay sorry diko sinasadya" paghihingi nya ng tawad sakin.
"Ang sakit kaya ng pwet ko! Libre mo talaga ako mamaya" pagbibiro ko sa kanya pero seriously, ang sakit talaga ng pwet ko. Una kasing nauntog eh.
"Okay sure, no problem" sabay smile nya sakin.
"Uy joke lang yun, ito naman di mabiro" sabi ko sa kanya sabay tawa.
"Pero seriously, libre kita mamaya. Grade ano kana pala tsaka anong section ka?" tanong nya sakin.
"Grade 11 section H" sagot ko naman sa tanong nya. Baka magkaklase kami neto, sa wakas naman may friend nako dito.
Aminin nyo, first day of school pa lang ang tahimik nyo kasi walang kayong kaibigan. Pero habang tumatagal, nagiging gago kana kasi kilala nyo na yung isa't isa HAHAHA.
"Nice! Classmate pala tayo" sabi nya sakin sabay ngiti.
"Bago ka lang din ba dito?" tanong ko sa kanya, baka kasi pareha lang kaming bago dito eh.
"Hindi, since Grade 9 pako andito" ah kaya pala luma charot HAHAHA
"Ah bago palang kasi ako dito eh" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Tara na sa room natin, baka malate pa tayo" sabay hila nya sakin.
Pagkapasok namin ng room ay wala pa yung prof namin at kunti palang kaming nasa loob nang room na ito. Umupo nalang kami sa pinakadulo kasi less lang yung pansin eh. Katabi ko naman si, ano ba pangalan neto?
"Uy psstt" sabi ko tsaka tinusok tagiliran niya. Hinarap nya naman ako at nagsalita.
"Ano yun?" sabay smile. Di bato napapagod kaka smile?
"Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko.
"Ay oo nga pala, ako pala si Tristan Hermosa you can call me Tantan if you want" sabay abot nya ng kamay sakin.
"I'm Lance Sebastian" at nakipag shake hands naman ako.
Pagkatapos naming magpakilala sa isa't isa ay dumating na yung prof namin.
"Good morning section H" pagbati nya samin.
Tumayo naman kami agad at bumati din sa kanya pabalik.
"Good Morning Sir" bati naman namin sa kanya.
"Okay since first day of school naman, why don't we introduce our self first. I'm Mr. Calvin Elijah, your English Teacher for the whole school year. Just call me Mr. Calvin" pagpapakilala nya.
SEAN | S.S
YOU ARE READING
Happier With You
Roman pour AdolescentsThis story talks about a guy who hates people that are part of 𝗟𝗚𝗕𝗧 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗧𝗬, also called as 𝗛𝗢𝗠𝗢𝗣𝗛𝗢𝗕𝗘. Meet 𝗟𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗘𝗕𝗔𝗦𝗧𝗜𝗔𝗡, isang uri ng tao na talagang friendly, mabait tsaka palaging happy. Although marami s...