Chapter 4

94 12 0
                                    

Chapter 4

Nagdaan ang napakaraming araw na okay kami. Okay nga ba? Well, para sakin okay kami. Ayokong maging nega dahil nalalapit na ang kaarawan niya. Gusto ko ulit siyang supresahin.

Hmm??

Anong supresa nanaman ba? Ah! Alam ko na!

Naka ngiti akong kong tinawagan ang lahat ng malalapit na tao samin. Yung mga taong nakasaksi sa pag amin niya, pangliligaw niya, pagsagot ko sakanya at sa pagmamahalan namin.

Syempre, sila yung mga kaibigan ko ay syempre, kaibigan niya.

Pansin ko kasi na sa twing nagcecebrate kami ng okasyon kaming dalawa lang lagi, at para maiba naman isasama ko naman yung mga kaibigan namin.

Excited nako. Tagal na naming hindi nagkikita-kitang lahat. Busy sa trabaho, eh.

Lahat naman sila ay umagree dahil araw linggo ang birthday niya. saktong sakto dahil lahat kami ay walang pasok. opps, except sakin. Siguro mag ooff nalang muna ako.

Nagkasundo kami na sa condo nalang ni, Thaniel ganapin ang supresa kaya naman nag isip agad kami ng paraan para mapaalis siya sa condo niya nang araw na 'yon.

Gab: Try, mo kayang tanungin kung aalis ba siya nang araw na 'yun? Hindi talaga ko pwede sa araw buntis asawa ko, remember?

Jeneve (Ako): Sigesige. Sana wag siyang makahalata. Ajujujuju!

Magtetext na sana ako kay, Thaniel ng naunahan niya ako.

Love: Love, Aalis ako sa linggo. Pinapapunta ako ni, mama sa bahay eh. I'm sorry, babawi ako.

Sh*t! pano yan? Think, self. Think!

To love: Okay, lang. Anong oras uwi mo?

Love: Idk, maybe 6? 7?

To love: Di 'ka sure? I sure mo!

Love: HAHAHA! okay, 7 pm. Promise.

To love: Okay, good. I love you!

Love: Love u too.

Ay, nag nagmamadali? Hindi man lang binuo yung "You" tas wala pang "I" Hayy!! Hayaan na nga.

Nakangiti akong pumasok sa araw na iyon. Lahat ng pasyenteng inaalagaan ko pinapangiti ko. Hindi ako kailan man nagreklamo. Kahit yung iba ay trinatrato akong kasambahay wala silang narinig na kahit anong reklamo sakin. Ang tanging gusto ko lamang ay ang gumaan ang pakiramdam nila. Ang tanging gusto ko lamang ay ang gumaling sila.

Nang break na namin ay nakitambay ako sa, opisina ni, Dra. Mendoza na kaibigan ko nga at isang Ob-gyne.

"Hello, pokpok!" bati ko at umupo sa couch niya.

"Ay, ang kalat ng bibig." Aniya nito habang may chinecheck sa papel ng pasyente niya.

"Choss! Kumain kana ba? Order ka namang foods, oh. Nakakasawa pagkain sa canteen eh. Wag kang magalala kkb yan." Aniya ko at sinandal ang ulo sa sofa.

"Ay, true ka dyan, girl." aniya at kinuha ang cellphone para tumawag na.

"Nga pala, alam mo bang nagpalit ng Ob, yung pasyente kong isa? yung babaeng nabuntis pero hindi pinagutan? Grabe, nakakaoffend talaga yun, friend. Nakakahurt ng sagad." madramang aniya na may paghawak pa sa dibdib niya.

Natawa ako.

"Ang drama neto, malay mo may problema lang yung tao? o baka naman natakot sayo?" Natatawang aniya ko.

Binatukan niya ko.

"Gaga, ang laki mo talagang tulong. Tse!" aniya. "Tsaka, hindi siya yung nagpalipat ng Ob. Yung asawa niya ata? yung ama ng dinadala niya. Nakita ko yung lalaki eh, kasama niya. Pananagutan naman pala siya." dadag niya pa.

"Buti naman kung ganon. Siguro may tama sa ulo yung lalaki kaya lumipat ng ibang Ob? Hayaan mona, tsaka dami daming nag papa check up sayo, noh! Okay narin yun, at bawas pa stress mo." pagpapagaan ko sa loob niya.

"Sabagay, masyado akong maganda para isipin pa ang mga yon."

"Kapal." Bulong ko nalamang.

-------------------------------------------------------
--------------------------------------------
Vote and comment your thoughts about this chapter!

~Lovelymuchly!

HATID (COMPLETED)Where stories live. Discover now