Epilogue

121 14 12
                                    

A/N: Please play "Hatid. By: The Juans"

Enjoy reading! *Punas luha*

-----------------------------------------------------
Epilogue

Para sa aming mga Nurse, doktor, Midwifery, lahat ng frontliners. Ang buhay ay ang pinakamahalaga. Ang buhay ang pinaka-natatanging yaman na dapat nating ingatan. Ang buhay ang dapat na laging inuuna.

Dahil life is precious or a gem.

Binigay ito ng lord satin. Ipinagkaloob niya ito sa'tin so, why waste it?

Ang buhay ay maaaring maging maikli o mahaba, hindi natin masasabi kung kukunin na ba ni lord ang buhay mo ngayon, bukas, o sa susunod pa na araw.
Ingatan at alagaan natin ito.

Ienjoy mo ang lahat habang nabubuhay ka pa.

Wag mong hayaang makulong ka sa alaala na makasisira sa buhay mo.

Keep going...

Keep fighting...

Magpatuloy ka.

Naglakad ako sa kung nasaan siya.

Kulay brown na mabaong...

Kakauwi ko lamang galing batangas at ito na ang bumungad sa'kin.

Hindi ko alam kung sinadya ba to ng tadhana o ano.

Pero hindi ko na inisip yun dahil babaeng lumuluha sa harap ko.

"J-Jen..." Tuloy tuloy ang pagbuhos ng luha niya ng makita ako.

Agad ko siyang niyakap.

Yakap na nagpapatahan.

Yakap na nagsasabing nandito lang ako at hindi ko kayo iiwan.

At yakap... yakap na nakikiramay.

Kahapon pa ang dating ko dito sa manila at kaninang umaga ipinaalam sa'kin ng mga kaibigan ko ang nangyari kay, Thaniel.

Cancer. Stage 3.

Pagkatapos nilang maikasal tsaka nila nalaman. Tuloy imbis na honeymoon nagpahinga at nagpagaling si, Thaniel. Gumaling siya ng mag dalawang taon kaya naman lumaki parin ng masagana at masaya ang bata na may buong pamilya ngunit bumalik din agad ang sakit at lalong lumala.

At limang araw bago ako bumalik binawiian na ito ng buhay.

Ngayon ang huling lamay kaya naman ng mabalitaan ko ito kaninang umaga dumeretso agad ako dito.

Umiyak ng umiyak sa'kin si, Abby. Hindi ko siya iniwan. Maging ang anak nila na napakacute ay inaalagaan at sinamahan ko.

Wala mang luhang lumalabas sa'kin ngunit labis ang aking pakikiramay.

Sobra pa sa labis.

Nakakapangsisi.

Ni hindi ko man lang siya nagawang kausapin nung mga panahong yon.

Ni hindi man lang ako nagbigay.

Nagbigay ng oras at panahon para sakanya.

Hindi ako nakinig.

Hindi ko man lang nalaman ang side niya.

Hindi ko man lang nasabi sa harap niya na pinapatawad kona siya.

Na maging masaya siya sa magiging pamilya niya.

Na masaya ako kasi makakabuo na siya ng pamilya.

Ang walangya inunahan pa 'ko bumuo ng sariling pamilya. Hayy!

Nagalay ako ng dasal.

Nagalay ako ng rosas.

Bago namin siya ihatid.

Ihatid sa lugar na kung saan makakaramdam siya ng tunay na kapayapaan.

Du'n sa lugar kung saan ka magiging masaya
Kahit na hindi ako ang kasama
Ihahatid kita~~~

Salamat sa lahat, Thaniel... Salamat sa pagmamahal, pagaalaga, at sa pagiging sandalan ko.

Masaya ako na nakilala kita. Ang dami kong natutunan sayo. Sa buhay.

Mananatili ka sa alaala namin. Wag kang magalala, aalagaan ko ang mag ina mo. Sasamahan at tutulungan ko sila hanggang sa makabangon sila.

Dadamayan ko sila katulad ng pagdamay mo sa'kin nung tayo pa.

Walang mangungulit, wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala
Ihahatid kita~~

Unti unting lumubog nang tuluyan ang araw. Kasabay ng pag lubog ng kabaong niya at ang pagpapatag sa lupa.

Naiwan kaming tatlo. Ako, si, abby at ang anak nila.

Tumingala ako sa langin nang...

Unti unting pumatak ang ulan...

"Mommy, look. Umiiyak ata si daddy!" aniya ni, Abbygail Nathalia Crisostomo.

Ang anak nila na napakacute.

Pinunasan ni, Abby ang pisngi niyang may luha.

"Yes, baby. Mahina parin talaga si, Daddy. Napakaiyakin." Aniya.

"Aw, miss niya na tayo agad... Imissyoutoo, daddy. I love you so much! Mahal ka ni mommy, ni tita, Jen. Mahal na mahal ka namin. Please, always look for us." aniya ni, Abbygail.

Napaka talinong bata ng anak mo, Thaniel.

Napakastrong at maintindihin.

Hanggang sa muli...

Paalam.

Natumingala ako at ngumiti.

Ulan...

Hindi mo talaga ako hinahayaang magisa.

Sinamahan mo'ko sa lahat.

Sinamahan mo'ko sa kalungkutan ko, pagiisa, pagbangon at sa pag hatid.

Paghatid sa taong minsan ko nang minahal at inalagaan.

Walang mangungulit, wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala
Ihahatid kita

Kung saan ka magiging masaya
Kahit na hindi ako ang kasama
Ihahatid kita

Walang mangungulit at wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala
Ihahatid kita
Huwag kang mag-alala
Ihahatid kita

Sinamahan mo parin ako, kahit na malaya at masaya na ako.

This is, Jeneve Valenciana Mendez...

and this...is my story.

End.

-----------------------------------------------------------------
Vote and comment your thoughts!

~Lovelymuchly!

HATID (COMPLETED)Where stories live. Discover now