Chapter 7

94 11 0
                                    

Chapter 7

Kasabay ng pagdamay sakin ng mga taong mahal ko bumuhos ang ulan.

Ulan na nagpapahiwatig na malungkot ang buwan.

Ulan na nakikiayon sa nararamdaman ko.

Ulan na nakikidalamhati.

Ulan na nakikidamay.

Ulan na nagpapagising.

Ulan na nagpapalamig.

Ulan na dadamay sayo sa lungkot at pagiisa.

Nung bata pa ako. Gustong gusto kong maligo sa ulan.

Gustong gusto ko ang presensya ng ulit dahil ramdam ko buong presensya niya sa balat ko.

Ramdam ko yung walang tigil na pagluha niya.

Ramdam ko yung pagiisa niya kaya naman sa twing uulan lumalabas ako sa garden namin at dinadamayan siya.

At ngayon... hindi ko akalaing ako naman ang dadamayan niya.

Napangiti ako.

Akala ko nagiisa ako.

Akala ko walang sasama sakin sa oras na ito.

Mas lalo akong naiyak.

Nagising na ako.

Gising na gising na.

Pero maaari bang bigyan niyo muna ako ng oras at panahon? Pangako...

Tatahan at makakabangon rin ako.

Humigpit ang yakap ko sakanilang dalawa.

"M-maraming salamat..."Umiiyak kong aniya.

Tumatango sila habang umiiyak din. Dinadamayan talaga nila ako.

"O-okay ka lang b-ba? Ay, hindi. Wag kanang sumagot. Alam namin na hindi. Ramdam namin na hindi, kaya hindi kami nakatiis ni, James at binalikan ka." Humihikbing aniya.

"Mamaya na tayo magchikahan, please? May mga pasok pa tayo, girls. Bawal tayong magkasakit at kailangan tayo sa trabaho." aniya ni James na nakapagpatawa sakin.

Dumiretso kami sa Condo ni, Jacky. Pinahiram niya ako ng damit then, si, James naman may dalang extrang damit sa kotse niya.

Nauna akong matapos sa pagliligo at si, Jacky naman ang sumunod. Si, James naliligo sa isang pang guess room na may banyo.

Nakaupo ako sa sahig at nakatingin sa glass wall kung saan kita ang buong syudad.

Umiinom ng wine.

Ganito naman siguro lahat ng broken hearted diba? Umiinom, nagpapakalasing dahil gustong makalimot? As if malasing ako sa wine, tss. Tanga talaga...

Naiiyak nanaman ako.

Ang daming pumapasok sa isip ko na mas lalong ikinadudurog ko.

I felt so loss... And broken.

Maya maya pa ay naramdaman kong naupo ang dalawa sa tabi ko. Sabay sabay na naming tinatanaw ang napaka laking syudad.

Napakalaking ng syudad. Napakadaming tao sa syudad.

Lahat ng mga tao abala. May kanya kanyang lakad. May kanya kanyang pinupuntahan at pinagkakaabalahan.

Lahat sila may patutunguhan.

Ako kaya? San ba dapat ako? Saan ba yung dapat na pakatunguhan ko?

Naliligaw ako. Feeling ko naliligaw ako. Ayy, hindi. Naligaw talaga ako.

Napunta ako sa maling tao.

"B-bakit kaya... ang laki ng syudad.. madaming tao... pero pinili ng tadhana na mapunta tayo sa maling tao?" panimula ko at tumungga sa bote ng wine.

May kanya kanya kaming alak. Beer ang kay, James tapos san mig naman kay, Jacky.

May dinala pa silang iba't ibang alak. Mukhang maglalasing kami ngayong gabi, ah. Akala ko ba may mga pasok pa kami bukas? Hmm... mukhang di lang ata ako ang broken hearted, ah. Magkakaibigan nga kami, tss.

"Bakit... bakit, kung kailan tanggap mo 'na tsaka naman siya babalik?" aniya na, Jacky na nag pagulat samin.

"B-bumalik siya?" nagtatakang aniya ko.

Ngumiti lang siya ng pilit tsaka uminom sa bote ng San mig. May luhang pumatak sakanya. Shit.

Napalingon ako kay, James na nasa kaliwa ko ng magsalita siya.

"Bakit... nakakap*tang*na ang life?" natawa siya. "Bakit ang hirap umintindi nung mga taong nagpalaki sayo? Bakit pinipilt nila ko sa babaeng gayung lalaki nga ang gusto ko?" natawa kami sa dinagdag niya.

Hayup...

Iba talaga ang nararamdaman ng bawat mga tao. Iba iba. Lahat tayo may kanya kanyang sakit. May kanya kanyang hamon. May kanya kanyang nilalabanan.

At masasabi kong kung kaya nilang lumaban makakaya ko rin.

Kung kaya nilang tumanggap at humarap makakaya ko rin.

Makakaya natin.

Makakaya ko.

Hindi kailangang tumakbo dahil habang tumatakbo ka, para mo na rin inaming na talo ka.

Na mahina ka.

Harapin mo kahit masakit.

Harapin mo kahit pa ikakadurog mo iyon.

Harapin mo kasi yun lang ang tanging paraan para makalimot, lumaya...

at sumaya ka.

--------------------------------------------------------
------------------------------------------
Vote comment your thoughts about this Chapter!

~Lovelymuchly!

HATID (COMPLETED)Where stories live. Discover now