Chapter 9

88 15 5
                                    

A/N: Matinong suggest na talaga to. Try to listen, "Mas mabuti pa. By: Janine Berdin."

Enjoy reading!
---------------------------------------------------------
Chapter 9

Pagtanggap.

Pagpaparaya.

Pagsisimula.

Alam kong mahihirapan ako, pero kailangan. Kailangan. Paano niyo nakakaya? Paano niyo natatanggap? Paano kayo nagsisimula?

Paano?

Paano ako? Anong gagawin ko sa oras na tinapos kona ang lahat nang samin? Paano ako mabubuhay gayung nasanay ako sa taong wala na sakin. Naging sakin nga ba?

Hindi...hindi ko alam.

Ni hindi man lang niya ako hinabol. Walang man lang sapat na eksplenasyon. Tanging sakit ang pekeng I love you lamang ang iniwan niyang bakas saakin.

Ngayon, totoo nga kaya ang mahahal niya sa akin?

Naging totoo ba siya sa akin?
Naging totoo nga ba siya na akin?

Walang sagot.

Lagi nalang ba walang sasagot sa 'kin?

Ang daming tanong, puro tanong. pero lahat walang sagot.

Pero mali, may nasagot.

Isa.

At yun yung gabing nasagot lahat nang aking pagdududa.

Nasagot nga wasak naman ako.

Ibinalita sa'kin ni, Jacky na dito sa ospital namin naconfine si, Abby. Tatlong araw na siyang nandito at ngayon ay ang pangapat, siguro ay makakalabas na siya bukas? or ngayon?
Ligtas naman daw ang baby niya, nila kaya wala naman daw akong dapat ika guilty. Pero, kahit na ganun, hindi ko maiwasang maguilty dahil una sa lahat buhay ang pinaguusapan namin dito. At isa akong Nurse na kung saan pinapahalagahan ko o namin ang bawat buhay.

Ngayong araw ko ring naisipang dalawin si abby, buti nalang nag half day ako dahil uwi ngayon ng magulang at kapatid ko galing probinsya.

Kinakabahan man ay kailangan kong humingi ng tawad sa mag ina ni, Thaniel.

Nakakatawang isipin na habang nagaasume ako na aayain niya akong pakasalan anytime anywhere, siya pala tong may binubuong ibang pamilya sa likod ko. syet, lang.

Room 123

Hingang malalim, Jeneve. Hihingi ka lang ng tawad then, maaari ka ng umalis.

Umalis, at wag nang babalik.

Makakaya mo 'to.

Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng magbubukas.

Napayuko ako at huminga ng malalim.

Tangina, bala na. Wasak na kung wasak.
Durog na kung durog.

Basta makalaya lang ako sa p*t*ng*nang sakit na 'to.

"J-jen?" boses ng babae ang bumungad sakin.

Nagangat ako ng tingin at ngumiti kay, Abby.

"Hi, can we talk?" aniya ko.

"O-okay lang, s-sige, pasok ka.." aniya at binuksan ng malaki ang pintuan upang makapasok ako.

"H-how are you? O-okay lang ba y-yung baby mo?" panimula ko.

Hindi ko nang nagawang umupo dahil ayoko, hindi ko kayang makatagal dito.

Masyadong masakit. Sagad.

HATID (COMPLETED)Where stories live. Discover now