Chapter 1

200 19 8
                                    

Chapter 1

"Happy 3 years, Love!!" Masayang bati ko sakanya.

Ang bilis ng panahon, ang dami na naming pinagdaan, at eto, Tatlong taon na kaming namamahalan at magkasama.

Nandito ako ngayon sa condo niya at sinupresa siya. At mukhang nasupresa nga siya.

Foods, balloons na heart shaped, candles and cake.

Buti alam ko password ng condo niya kaya eto, nakapag handa ako bago siya dumating.

Ramdam ko ang pagiging ilap niya saakin nitong mga nakaraang araw pero hindi ko nalang pinansin iyon at inisip na pagod lang siya sa trabaho. Ngayon pa ba ako magiisip ng kung ano ano at mag iinarte ngayong ang tagal na naming magkasintahan?

Gulat ang nakita ko sa mga mata niya. Gulat lang? Bakit walang saya? Hindi ba siya masaya? Hayy, hayaan na nga.

"H-happy 3-3 years, love." Aniya at lumapit sakin sabay yakap ng mahigpit.

Ang sweet.

"Nakalimutan mo?" nakangusong aniya ko.

"N-no, hindi... maybe? I'm sorry, abala lang ako sa trabaho." aniya at hinarap ako sabay halik halik sa noo ko.

Napangiti ako.

Gusto kong sabihin sakanya na "Ako nga nurse na mas abala pa sayo hindi ko nakalimutan." ngunit hindi ko nalang sinabi iyon dahil anniversary namin at ayokong masira ang araw namin.

"I'm sorry... babawi ako next time okay?" Aniya at hinalikan ako sa labi.

Lumalim ang halikan namin hanggang sa bumigay nanaman ako.

He's my first. First anniversary namin binigay ko na ang lahat ng akin sakanya, and i trust him. I trust him with all my heart.

Pagkatapos namin ay pagod man pero nagawa ko paring ayain siya sa dining area kung nasaan ang mga pagkain.

Sayang, ke mahal mahal non, yawa!

"Hmm, ikaw lahat nag ayos neto? Wala kabang pasok?" aniya at hinihiwa yung cake.

"Wala. Day off ko, remember?" aniya ko at ngumuso ulit.

Bakit niya nakalimutan? eh, pinasadya kong ang day off ko ay mismong anniversary namin. Tsh!

"S-sorry." aniya at nagbaba ng tingin.

What's wrong? may problema ba siya?

"May problema ba? Do you wan't to share it? I'll listen, you know." aniya ko sabay hawak sa kamay niya.

"N-nothing..." aniya at nagiwas ng tingin.

"Are you sure? i'm starting to get worried na, ha." aniya ko at hinarap saakin ang mukha niya.

"Yes, love. I'm sure, i'm s-sorry and i'm fine." aniya na nagiwas ulit ng tingin.

Hindi ko siya maintindihan. Fine daw pero panay iwas ng tingin. Hayy!!

"Okay..." ngumit ako at niyakap siya.

Humigpit ang yakap niya sabay "I love you, and sorry..."

"Sorry ka ng sorry, pepektusan na kita, dyan." biro ko.

"I love you." mas lalo pang humigpit ang yakap niya.

"I love you too." sagot ko.

Ramdam kong may mali pero isinawalang bahala kona lamang iyon...

Na dapat pala hindi.

-------------------------------------------------
----------------------------------------
Vote and comment your thoughts about this chapter!

~Lovelymuchly!

HATID (COMPLETED)Where stories live. Discover now